FILY12

318 10 9
                                    

 DEDICATED TO: Myheartparamore! Dahil kabilang ka samin na hunhan shipper hahahaha at dahil natatawa ako sa mga comment mo. Salamat chingu sa pagread nitong gawa ko pati na sa His Mistake. :D

READ, VOTE AND COMMENT.

KAMSA CHINGUS! J

FILY12 –

(HunHan)

-------

“Sigurado kang dito ka lang? Ayaw mong magpahatid sainyo?” tanong nya sakin nung makababa na ako sa isang convenient store na malapit lang sa school. May klase ngayon kaya wala pang estudyante ang nasa paligid.

“Oo, ayokong makita ka nila at malalaman nilang ikaw ang kasama ko sa 1 week na nawala ako.”

“Okay, see you monday?”

“okay.”

“Bye, Sehun.” Tumango ako at isinara na nya ang bintana ng sasakyan nya. Gusto ko syang manatili pa kaso naman baka may makakita sa kanya at sya ang sisihin ng iba. Matawag pa syang kidnapper eh. Kaibigan ko pa naman. Sinundan ko ng tingin ang palayong sasakyan nya.

Nung hindi ko na makita tinawagan ko ang driver ko. gulat pa nga sya at rinig kong patakbo syang sumakay sa sasakyan ko. -_______- baka masira pa nya iyon tsk. Naupo ako sa isang umbrella table na nasa labas ng convenient store. Hindi rin naman nagtagal dumating na rin ang driver ko sakto rin at rinig kong nagbell na sa school namin. Sumakay na ako agad at hinayaan ang driver kong isakay ang mga dala ko. pagkatapos nya, sumakay na rin sya at pinaandar na rin ang sasakyan.

“Mabuti po at okay lang kayo Sir,” sabi pa nya at tinignan ako sa rearview mirror. Tumango lang ako sa kanya at pumikit.

Mabuti rin at hindi sya pinaalis ng Papa ko tsk, kasalanan ko pa kung nangyari yun. Ilang years ko na rin syang driver eh.

Forever I Love You (HunHan Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon