This chapter is dedicated to all of you that are still reading this story especially to Luhoneeeyo!
Merry Christmas chingus!
FILY22 - HEART BREAK
(HunHan)
-------
SEHUN POV
"Congratulations Third year for winning the Quiz Bee event." Anunsyo ng Quiz bee organizer namin.
Kyungsoo smiled at them while I remained calm and happy.
Naaalala ko ulit yung paglaki ng mga mata ni Luhan habang ginaya ko sya sa pagkindat-kindat nya. I can't suppress a smile kaya ngayon akala nitong mga nag-cocongratulate samin eh para sa kanila ang mga ngiti ko.
I'm not sure but Luhan's reaction warmed me.
"Tara?" aya ni Kyungsoo sakin pagkatapos kaming kamayan at kausapin ng mga tao dito sa auditorium. I nod at him at sabay na kaming naglakad palabas. Tahimik lang kaming naglalakad habang pababa na ng building.
"Nakakapanibago." Komento ni Kyungsoo habang nakangiting nakatingin sa akin.
"Nakakapanibago ang alin?"
"Ikaw." Simpleng sagot nya na para bang dapat alam ko agag kung ano ang tinutukoy nya.
I chuckled. "I don't get it, spill."
"Yan!" turo nya sa mukha ko. "Yang ngiti mo Almighty top1." Sarkastiko syang ngumiti sakin.
Natigil ako sa paglalakad at pilit na tinatago ang mga ngiti ko pero hindi ko magawa. Naririnig ko syang tumatawa. "Stop it Sehun, hindi yan agad nawawala lalo na at nasa isip mo ang rason kung bakit ang laki ng ngiti mo ngayon. Hmmmナ speaking of reason, ano kaya ang rason ng mga ngiti ng isang Sehun ngayon?" panunuya nya kaya napayuko ako ng konti dahil biglang nagflash sa utak ko ang mukha ni Luhan. Damn, I am soナ.confuse.
"I think I know whatナor who." Pagpapatuloy ni Kyungsoo, ngumiti sya sakin. "Bilisan mo na para makasama mo na ang rason sa mga ngiti mo because I know hindi ang pagkapanalo natin sa quiz bee ang dahilan nyan. You've been winning lots of competition at ni minsan hindi ka ganyan maka-ngiti."
Napa-iling ako at hindi na nagkomento pero hindi ko na itinatago ang mga ngiti ko. Tahimik na kaming naglalakad patungo sa Cafeteria dahil roon ang napag-usapan namin kanina bago magsimula ang Quiz Bee game.
Papaliko n asana kami sa daan patungo sa mesa kung saan kami laging kumakain ng napansin kong dahan-daha na ang paglalakad ni Kyungsoo habang diretsong nakatingin sa pwesto namin. For the first time, I saw pain in his eyes, na para bang maiiyak na sya any minute now kaya nilingon ko ulit kung nasaan sina Luhan.
And I saw, Mark and Jinyoung seriously looking at the guy na nakatayo sa harap nila while Kai is standing with open mouth at diretso rin ang tingin sa lalaki. Nakatayo rin si Luhan habang nakatakip pa ang isang kamay nya sa bibig nya na parang gulat na gulat.
Nakita ko kung paano humupa ang gulat sa mga kaibigan ko dahil ibinaba na ni Luhan ang kamay nya at mabilis na niyakap yung lalaki.
"Taemin!" rinig kong tawag nya. Bahagya akong napa-atras at napayuko.
BINABASA MO ANG
Forever I Love You (HunHan Fanfic)
FanfictionFive days. Five days na akong pabalik-balik sa ospital para puntahan ang isang partikular na kwarto kung saan nakaconfine at nakapikit pa rin ang taong naglagay ng maraming kulay sa kulay abo kong mundo. Ang taong nagpasaya at gumulantang sa boring...