FILY3

318 21 7
                                    

A/N: saan sila? hahaha sama tayo!!

FILY3 – Run away

(HunHan)

“ Running away is not always a sign of weakness, sometimes it proves you to be a strong person kasi hindi naman ganun kadaling tumakbo palayo lalo na sa mga bagay na hindi mo kayang iwasang gawin.”

Ang tanong tama bang tumakbo ka palayo?

Para sa akin kung no choice na edi why not? As if hindi ka babalik. Maghahanap ka lang ng sagot o minsan space para makapag-isip. hahaha

-------

Pagkarating namin sa bahay, dumiretso na ako sa kwarto ko at ni-lock ang pinto bago pa ako maharang ng Papa ko at magtanong na naman o magkwentotungkol sa dinner kanina. Hinanap ko agad yung malaking bagpack ko saka naman inilabas ang mga damit at gamit na pwede kong dalhin at magagamit ko pa.

Kinakabahan ako pero nakakaramdam rin ako ng excitement. Sa wakas, naexcite na rin ako! Buong buhay ko bored na bored ako at laging nakasunod sa utos ng iba lalo na utos ng Papa ko. Kahit nga sa mga quiz o exam sa school hindi ako kinabahan eh.

‘ang yabang nito.’ Tsk. Parang naririnig ko na naman ang boses ni Luhan na sinasabi iyon. -____-

Mga 1am na nung matapos akong magdecide ng mga dadalhin ko at naiyalagay na ang mga ito sa bagpack. Dahan-dahan akong bumaba dala-dala ang bag ko at lumabas para puntahan ang sasakyan namin. Don’t worry hindi pa ako tatakas. Ilalagay ko lang sa loob ang gamit ko para pag nag-umaga na at papasok na ako sa school hindi na sila magtataka kung bakit may dala akong malaking bag.

“Sir Sehun, may problema po ba?” gulat na nilingon ko ang driver namin. Napahawak pa ako sa puso ko. sarap magmura ah.

Tsk. Gising pa pala ito?

“Wala, may hinanap lang ako.”

Forever I Love You (HunHan Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon