A/N: thank you so much sa nagbasa at nagbabasa pa rin ng HIS MISTAKE!
FILY4 – Hiding place
(HunHan)
-------
After 1 hour and 30 minutes, nakarating kami sa isang dagat. Dagat lang nakikita ko at mga Bangka eh. May ilang sasakyan rin naman kaso nakapila ata. Pumila ang sasakyan ni Luhan. Bumaba sya sandali kanina at may binili ata tapos eto na.
“Lulusong tayo sa dagat?”
“Pwedeng sasakay tayo sa isang barge? Naman Sehun! Akala ko ba top1 ka?” pang-asar nya sakin. Iba kasi ang mata nya eh. Nag-eenjoy na asarin ako.
“Akala ko kasi lalangoy ka habang nakatali ang sasakyan sa leeg mo. Tsk.” Bawi ko naman.
“Hahaha. Pikon. Mag smile ka ulit Sehun. Gumagwapo ka eh.” Tsk. Napaiwas ako ng tingin at ibinaling na lang ang atensyon ko sa labas. Nararamdaman ko kasi pag-angat ng gilid ng labi ko. Delikado, mas asarin pa ako.
After 15 minutes, dumating na ang barge at unti-unti na rin kaming pinapasakay. Ang laki nga naman. Kasya ka ba kami dito? Ang daming sasakyan…kaya ba kami?
Nasagot mga tanong ko nung umandar na ang malaking barko na ito. kaya naman pala eh. Saan ba papunta to? Wala naman kasi akong nakitang mga signage.
“Excited na ako.” rinig kong sabi nya. Tinignan ko lang sya. Ayoko na nga kasing magsalita pa, mamali pa ako eh. Bakit ba kasi ako namamali sa isang to?
Nakakabobo ba ang taong baliw?
BINABASA MO ANG
Forever I Love You (HunHan Fanfic)
ФанфикFive days. Five days na akong pabalik-balik sa ospital para puntahan ang isang partikular na kwarto kung saan nakaconfine at nakapikit pa rin ang taong naglagay ng maraming kulay sa kulay abo kong mundo. Ang taong nagpasaya at gumulantang sa boring...