Prologue

613 22 13
                                    

Dedicated sayo noona dahil ikaw ang kasama kong sobrang magmahal sa HunHan hahaha.. regalo na rin sa pagmamahal mo sa His Mistake story ko.

A/N: My new story, sana po tangkilikin nyo rin gaya ng pagtangkilik nyo sa iba kong stories. Maraming salamat.


Read, Vote and Comment. Kamsa!


FOREVER I LOVE YOU

(HunHan)


"There's this guy and he kinda has my heart"

-          Sehun


Five days. Five days na akong pabalik-balik sa ospital para puntahan ang isang partikular na kwarto kung saan nakaconfine at nakapikit pa rin ang taong naglagay ng maraming kulay sa kulay abo kong mundo. Ang taong nagpasaya at gumulantang sa boring na buhay ko.

Pumasok ako sa kwarto nya at inilagay sa isang vase sa tabi ng kama nya ang dala kong bulaklak. Isang white rose na boquet, paborito nya. Pagkatapos kung ayusin, naupo ako sa upuan na katabi ng kamay nya saka hinawakan ang kamay nya. Nagbabakasakali akong kapag nagising na sya, mararamdaman ko agad.

Tinitigan ko ang mukha nya na kahit may oxygen mask na nakatakip sa bibig at ilong nya, kitang-kita pa rin kung gaano sya kaganda.


Gusto kong imulat na nya ang mga mata nya at masilayan na ulit ang mga ngiti nya.


Hinalikan ko ang kamay nya at inihawak ito sa pisngi ko. Agad naman tumulo ang luha ko. Limang araw na simula nung aksidente. Limang araw na ang nakakalipas pero wala pa rin progress sa kalagayan nya.

"Gumising ka na please? Imulat mo na ang magaganda mong mga mata." Napangiti ako ng mapakla dahil naalala ko kung gaano nya sabihin na maganda ang mga mata nya,   "Hindi pa tapos ang escapade days natin. Please Love, gumising ka na."


Napahawak ako ng mahigpit sa kamay nya habang nababasa naman ito ng luha ko. Naaalala ko ang mga sinabi ng doctor samin. Ayokong isipin na mangyayari ang mga iyon. Ayokong isipin na mangyayari iyon. Hindi sya pwedeng mawala sakin.


"Pero kung mangyayari nga iyon. Pangako mahal ko, susunod ako sayo. Kahit saan ka mapunta." Bulong ko sa kanya.


Susunod ako.


Kahit sa impyerno pa.


----------------------------------

Omo! Ano daw? Haha. Ano naman itong kalokohan na naisip ko.

Ang drama eh noh? Tsktsk. Hindi naman madrama buhay ko eh.

Paki-abangan po. Hahaha.

Kamsa-Chingu!

Don't forget to comment!

EllaloveskpoplovesHUNHAN


(Photo credits to the rightful owner)

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

(Photo credits to the rightful owner)

Forever I Love You (HunHan Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon