A/N: Chingus, maraming salamat sa pagread ng Chapter 18. Waaaah akala ko talaga wala ng magbabasa nito haha. Heto malapit ko na pong tapusin! *wink* hahahahahaha
Special mention: @YaLeeh @xxrierie @xo_oh_hunhan_xo @myheartparamore Maraming maraming salamat po!!!! Lablab chingus! hahahaha solid hunhan lovers eh.
FILY19 – Hindi pwede
(HunHan)
-------
Crush lang.
Crush lang dapat. Ano ba Luhan!
Hindi to maaari. Hinding- hindi.
Napakagat ako ng labi at tinignan muli sya. Bakit ba kasi napaka-clueless or more like ang inosente nya? Ang gwapo at super talino pa. Arg, nakakafrustrate!
"Ano na naman yang iniisip mo?" tanong nya sakin habang inaayos ang bag nya dito sa bleacher. Tinignan ko lang sya at hindi sinagot ang tanong nya at alam kong hindi nya kailangan ng sagot dahil siguradong iniisip nya na kalokohan na naman ang iniisip ko. "Dito ka lang ah?" sabi nya pagkatapos nyang itabi ang bag nya. "May medical cert ka naman at siguradong alam na rin ng lahat ng teacher dito na may asthma ka kaya huwag kang pasaway kung ayaw mong atakihin ka na naman, okay?"
Dug.dug.dug.dug
Napatulala na lang ako sa mukha nya ulit. Hayyyy, kita nyo na? ayan! Ayan na naman sya sa pagiging sobrang caring nya. Paano na?
Hindi pwede ito. "hmp." Pang-iisnob ko na lang sa kanya pero natawa lang sya. Ang gwapo talaga, emegerd. Mali Luhan! Ano ka ba!!!!!!! Tinignan nya ako ulit saka sya tumakbo papalapit sa ibang kaklase namin.
P.E. class naming ngayon at heto ako nagbabantay ng bag nya. Psh. Basketball ang topic at ang lalaruin naming ayy nila lang pala. Kakatapos lang ng exam last week at lahat kami pasado ang grades kahit yung tatlong pasaway. Sus, pasalamat sila matulungin ang Sehun ko at di sila pinabayaan. Halos kaladkarin nila si Sehun araw-araw para magreview every after exam. Mukhang nainspire sila masyado sa Sehun ko haaaay. Wala tuloy syang time sakin last week.
Ayy ano ba yan! Luhan naman! Crush lang! aaaaaargh nafufrustrate na talaga ako! Help! 1 week na akong ganito. Crush lang dapat eh.
"Crush lang" mahinang sambit ko dahil sumasakit na ulo ko.
"Ha?" napalingon naman ako agad kay Kyungsoo na kanina ko pa katabi, yung ibang classmates namin naglalaro at ang iba naman nasa kabilang bleacher para magcheer.
"ha?" balik-tanong ko sa kanya out of panic.
"Anong "ha" ka dyan, ikaw dyan may sinabi eh. Nagtatanong lang ako kung tama narinig ko at kung kausap mo ko."
"Anong sinabi ko?"
"Something like, Crush lang. Tama ba?" bigla syang ngumiti at nang-iintriga na naman ang mga malalaking mata nya.
"Hindi ah! Mali ka ng dinig!" tanggi ko, talas talaga ng pandinig ng isang to.
"Bakit parang kinoconfirmed ng mukha mo ang nadinig ko? Pulang-pula ka oh! Hahahaha Ano ka ba!" natatawa pa sya saka tumabi pa lalo sakin at bumulong. "dalawa lang naman tayong magkakaintindihan tungkol sa bagay na yan!" pagkatapos nyang sabihin yun lumayo na sya ng konti at sincere na ngumiti sakin.
Oo nga naman, pareho kaming may cliché na kwento. Bestfriendzone. Napabuntong-hininga naman ako.
"Tama ka" nanlulumong sagot ko sa kanya tapos sa kanya na ako nakaharap at inayos ang pagkakaupo. "Pano na Kyung? Hindi pwede to. Sabi ko sa sarili ko okay lang naman na mapalapit ako sa kanya kasi crush ko sya at gusto ko talaga syang maging kaibigan dahil alam kong kailangan nya ng kaibigan. Atsaka okay lang naman magkacrush kasi ncocontrol ko pero.........Kyung." Napasimangot kong tawag ulit sa kanya. "malala na ata."
BINABASA MO ANG
Forever I Love You (HunHan Fanfic)
FanfictionFive days. Five days na akong pabalik-balik sa ospital para puntahan ang isang partikular na kwarto kung saan nakaconfine at nakapikit pa rin ang taong naglagay ng maraming kulay sa kulay abo kong mundo. Ang taong nagpasaya at gumulantang sa boring...