A/N: Dedicated to: xxrierie don’t worry di pa kita paiiyakin hahahaha happy-happy muna. Dedicated sayo ang chapter na ito dahil nagpapasalamat ako at nagustuhan mo ang ibang fanfics ko. Maraming salamat rin sa mga comments mo. Labyu! Hahaha Kamsa Chingu!
Dedicated din sayo noonamommy Jo haha ang kasama ko hanggang ngayon at patuloy na nagmamahal sa HUNHAN. <3
Here it is!
Enjoy! Read, Vote and comment. ^____^
FILY8 –Fourth day of Lessons
(HunHan)
-------
Nandito kami sa labas ng bahay ngayon, nagwawalis. Oo kaming apat na ang nagwawalis sa malawak na bakuran nila. Madaya nga lang yung isa at sa garden daw sya magwawalis kung saan konti na lang wawalisin doon at medyo hindi pa mainit. Asus, pasalamat sya at may asthma sya.
Dumating na ang mag-asawa galing sa bayan at may dala silang pagkain ulit kasama ang lollipop ng weirdong iyon. Kung hindi sya delikado sa asthma nya, siguradong magkakadiabetes sya. Tsk.
“Sehun, paki-separate na lang yung ibang kahoy. Pwede pa yan gamitin kapag magluluto na.” sabi ni Chanyeol at sinunod ko rin naman. Tama naman sya eh. Inilagay ko na sa tabi ang mga sanga na nahulog galing sa mga puno.
“Luhan!!!” sabay kaming napatingin ni Chanyeol kung saan nanggagaling ang boses ni Baekhyun. Napatakbo naman kami agad at pumunta sa may garden.
Nakita kong nakaupo si Luhan habang nakahiga sa mga braso ni Baekhyun. Mukhang nagfaint sya.
“Baek!” tawag ni Chanyeol at nagbigay ng way si Baekhyun. Binuhat ni Chanyeol si Luhan papasok ng bahay. Sumunod kami ni Baekhyun pero patakbong umakyat si Baekhyun sa taas. Kumuha naman ako ng tubig at bumalik sa loob. Nakaupo si Luhan sa sofa at hirap na naman huminga. Tumabi ako sa kanya at hindi alam ang gagawin. Hinawakan ko ang isang kamay nya at hinawakan nya ito ng malakas. Nakahawak ang isang kamay nya sa bandang heart nya.
Bumaba si Baekhyun at pinainom si Luhan ng gamot.
BINABASA MO ANG
Forever I Love You (HunHan Fanfic)
FanfictionFive days. Five days na akong pabalik-balik sa ospital para puntahan ang isang partikular na kwarto kung saan nakaconfine at nakapikit pa rin ang taong naglagay ng maraming kulay sa kulay abo kong mundo. Ang taong nagpasaya at gumulantang sa boring...