A/N: Wala na akong masabi. Hahahahaha. Nasa 4th chapter na ako at parang wala akong balak na iupload. Aigoo.. gusto ko kasi pag HunHan, perfect eh. Wew. Sabi nga nila, walang perpekto.
Okay. Anong nililintanya ko? Haha
Read, Vote and Comment. Kamsa!
FILY1 – First Meeting
(HunHan)
"Weird doesn't begin to cover it."
- Rose Hathaway, Vampire Academy movie
-------
Five days. Five days na akong pabalik-balik sa ospital para puntahan ang isang partikular na kwarto kung saan nakaconfine at nakapikit pa rin ang taong naglagay ng maraming kulay sa kulay abo kong mundo. Ang taong nagpasaya at gumulantang sa boring na buhay ko.
Ang taong ngayon ay nagsisilbing buhay ko.
Chapter 1:
Una ko syang nakilala sa roof top ng school kung saan ako madalas tumambay para makaiwas sa ibang estudyante na ang tanging alam lang ay makichismiss sa buhay ng iba.
Naupo agad ako sa pwesto ko nun kung saan hindi ako makikita agad ng kung sino man ang pupunta sa rooftop at sa tagal kong tumatambay rito wala pa naman masyadong pumupunta rito. Maraming sirang upuan at mesa ang nandito sa rooftop. May mga sirang blackboard rin kaya naman inayos ko para iwas sa tao at sa init ng araw.
Nung makapwesto na ako, inilabas ko ang libro ko at nagsimula ng magbasa. Napahinto lang ako nung narinig kong bumukas ang pintuan ng roof top. Hindi rin nagtagal may nakita akong taong naglalakad ng mabagal patungo sa railing ng roof top. Hinahangin hangin pa ang buhok nya na pilit nyang inaayos.
Yung left side nya lang ang nakikita ko kaya hindi ko masyadong nakikita ang mukha nya pero nakikita kong nakatingin sya sa langit. Bigla nyang hinila ang isang sirang upuan na inayos ko saka tumuntong doon.
Cheese. Suicidal ba sya?
Tsk. Naman oh! Ako pa talaga yung dapat na makakita sa kanya. Tumayo agad ako at lumapit sa kanya.
"Ano ba sa tingin mo ang ginagawa mo?" tanong ko nung medyo malapit na ako sa kanya. Gulat naman na lumingon sya kaya naoutbalance sya. Tumakbo agad ako at hinawakan sya.
Buti na lang at umabot ako. phew.
"Bakit ka nanggugulat?" gulat at inis na tanong nya sakin.
Wow, sya pa itong may ganang mainis.
"ayokong maging witness ng isang suicide act."
"suicide? Sinong magsusuicide?" inosenteng tanong nya. Napatingin pa sya sa paligid at mukhang hinahanap yung tinutukoy ko.
Naguluhan naman ako. Kung hindi talaga sya magsusuicide edi.........
"eh anong binabalak mong gawin at kailangan mo pang tumuntong sa upuan!"
"aaahh. Wala lang, ang lakas kasi ng hangin at para akong lumilipad nung tumuntong ako sa upuan." Paliwanag nya.
Napahinga ako ng malalim sa inis. Bwiset. Akala ko pa naman magsusuicide sya. Well, mukha talaga syang tatalon.
"Tsk. Sa susunod wag ka ng tumuntong sa mga upuan rito o kung ano pang gamit na nandito. Sira na mga to eh." Galit na sabi ko sa kanya na ikinangiti lang nya.
Weird. Bakit ba to ngumingiti?
"masyado ka naman concern sakin!" pagpapacute na sabi nya.
-_________- ß-- ako
![](https://img.wattpad.com/cover/26543935-288-k686046.jpg)
BINABASA MO ANG
Forever I Love You (HunHan Fanfic)
FanfictionFive days. Five days na akong pabalik-balik sa ospital para puntahan ang isang partikular na kwarto kung saan nakaconfine at nakapikit pa rin ang taong naglagay ng maraming kulay sa kulay abo kong mundo. Ang taong nagpasaya at gumulantang sa boring...