A/N: Nagpapasalamat po ako sa mga bagong nag-follow sakin at binabasa pa rin ang mga gawa ko kahit yung mga tapos na. Jungmal Kamsahaeyo!
Pasensya na po sa mga typo errors at iba pang error hehe. Wala po akong time para linisin ang pagkakamali ko hahahahaha sorry na. ^____^v
Thank you po sobra sa mga nagcocomment na hinihintay nila ang karugtong even though ang tagal ko ng walang updates dahil sa sobrang busy. Sorry po at maraming salamat! Supppppeeerrr thank you!!!
Dedicated to: @mycupcakelocks Sobra akong nashock nung makita comment mo hahaha hindi ko akalain na may nagbabasa pa neto.
Read, Vote and Comment. Thank you!
FILY20 – START
(HunHan)
-------
LUHAN'S POV
Maaga akong nagising at pumasok ng school. Kasabay ko po ulit itong mahal ko na naglalakad patungo sa classroom namin.
Honestly, wala akong naisip na paraan para mawala or makaiwas sa nararamdaman ko sa kanya.
I guess, I have to enjoy it until then. *smile*
"Nakatulog ka ba ng maayos?"
"Yep." Malawak na ngiti ang ibinigay ko sa kanya para mainlove sya hahahaha at Syempre, ganda kaya ng tulog ko tapos napanaginipan ko pa sya.
"Buti naman, mukhang okay ka na rin." Nakangiti naman na sabi nya tapos sinulyapan ako bago diretso ulit ang tingin sa daan, "Madalas ka kasing tulala at binubulungan mo pa ang sarili mo. Akala ko tuluyan ka ng nabaliw" natatawang pagpapatuloy nya.
Ang sama talaga nitong mahal ko pero infairness nag-iimprove sya. Madalas na syang maunang magsalita tapos nagjojoke na rin. Lame nga lang. -_____-
"Ang ganda ko naman na baliw." Sagot ko na lang sa kanya, maganda naman talaga ako eh. At kasalanan naman nya kung bakit para akong baliw last week pa.
"tsk."
"Ui, agree syang maganda ako."
"Hindi ah, pero agree akong baliw ka." Natatawang sagot nya. Kahit kalian talaga itong isang to naku!!!
Sumimangot ako sa kanya na syang ikinatawa nya.
Dug. Dug. Dug. Dug.
Lalo at ang bumibilis ang heartbeat ko. Masama ito.
Haay, itong heart ko naman kasi nanamantala porke pinayagan kong mainlove na kay Sehun. Naku heart, huwag masyadong mainlove sa gwapong to dahil baka tayo ang mapahamak nyan.
Hindi rin nagtagal nakarating na rin kami sa classroom kung nasaan si Kyungsoo kasama ang 3 idiots.
"Mamaya Sehun ah?" sabi agad ni Jongin paglapit naming sa upuan sabay high-five kay Sehun ko.
At kapal talaga ng mukha ng pinsan ko, nandito lang naman sila sa loob ng classroom namin. Ang ibang classmates tuloy namin todo pacute samantalang ang iba subsob lang sa libro nila. Si kyungsoo naman binibigyan na ng laser beam lahat ng tumititig kay Jongin.
"Deal." Sagot naman ni Sehun ko kay Jongin.
Ano ba tong pinag-uusapan nila? Hmmmm. "Anong meron?"
"Pustahan." Sagot sakin ni Mark. Kumunot naman nook o dahil hindi ko alam kung para saan kaya naman ipinagpatuloy ni Mark ang sagot nya. "Basketball play mamaya, section namin laban sa section nyo at nagpustahan tong dalawa kung sino ang makakarami ng puntos."
BINABASA MO ANG
Forever I Love You (HunHan Fanfic)
FanfictionFive days. Five days na akong pabalik-balik sa ospital para puntahan ang isang partikular na kwarto kung saan nakaconfine at nakapikit pa rin ang taong naglagay ng maraming kulay sa kulay abo kong mundo. Ang taong nagpasaya at gumulantang sa boring...