PLEASE LEAVE COMMENTS kapag binasa niyo 'to. Mga nagustuhan, hindi nagustuhan, awkward shit, confusing parts, or whatever. Sulitin natin 'yung in-line comments function.
[Pwede niyo naman 'to i-skip 'yung kasunod nito kung gusto niyo nang basahin 'yung Forrajeros]
SAKA NA AKO mag-eedit. Nilalabanan ko ang tendency ko na mag-edit habang nagsusulat ng kwento. Masyado akong nagtatagal kapag ganon.
Dalawang araw ko lang tinapos ang kwentong ito. O dalawang gabi. Technically speaking, tatlong araw, kasi hindi nag-save 'yung tina-type ko nung ikalawang gabi at nawalan ako ng gana balikan ang pagta-type (nasa 500 words din ang nawala bigla, hindi bale kung naisulat ko muna sa papel), kaya sa papel na muna ako nagsulat at doon ko na rin tinapos. Sa ikatlong araw ko na binalikan ang pagta-type.
Hindi kasama sa dalawa/tatlong araw na 'yon ang pag-iisip ko sa konsepto ng kwento. Mga dalawang taon o tatlo na rin mula nang unang kong maisip ito, base na rin sa mga nabasa ko sa lumang diyaryong Amerikano. Naisip ko, sulitin ko muna ang sem break ko sa pagsusulat. May sinusulat din akong nobela, pero gusto ko ring balikan ang mga ideya ko sa mga historical fiction na kwento. Parte rin dapat ito ng nobela, pero naisip kong gawing serye ng short stories na lang, para hindi ko kailangang mag-commit na mag-focus sa isang narrative lang. Marami ako masyadong naiisip para rito. Mahirap mamili.
Anyway, lapag ko lang 'tong kwentong ito dito kasi hindi ko alam sa'n ko pwedeng ilagay.
BINABASA MO ANG
[DRAFT] Forrajeros
Ficción históricaSa kainitan ng labanan sa Malabon, nagsagawa ng operasyon ang hukbong Pilipino upang mapatumba ang isang misteryosong Aleman. Sa pamumuno nina Kapitan Aquilino de Villalobos at Kapitan Elena Marasigan, ginalugad ng mga maghihimagsik ang kagubatan sa...