The Inevitable

303 18 1
                                    

Alas-kuwatro palang ng umaga ay gising na si Quinn. Iniiwasan niya kasing makasabay ang kanyang mga roommates na ngayon ay tulog na tulog pa.

Masyado kasing kumplikado ang kanyang pagligo bunga ng meron siyang artificial skin at para narin mas makakagalaw siya ng walang iniintindi.

Mag-iisang oras din siya sa banyo dahil matrabaho ang muling pagtampal ng kanyang mga balat. Matapos nun ay kumpyansa siyang lumabas at nagluto ng almusal nilang tatlo.

Kahit naman hindi pa niya kilala ang mga ito, the fact na nasa iisang kwarto lamang sila ay kailangan niyang magmalasakit.

Nagising naman si Craig nang marinig niya ang paggalaw ng mga plato at mga utensils na siyang ikinataka niya. Kaya bumaba siya at walang ingay na tinungo ang kusina.

Ngunit nagulat siya ng biglang sumulpot sa harapan niya ang isang lalaking moreno hawak ang isang platong may bacon at itlog.

"Good morning, naghanda na ako ng almusal natin." Bati nito sa kanya nang nakatingala dahil may kaliitan ito.

Siya naman ay hindi nakakibo agad at kunot-noong nakatingin lamang dito habang nilalapag ang mga niluto sa lamesa.

H-how come?

Tanong nito sa sarili na hindi na natuloy pa nang..

"Ang bango naman! Amoy bacon! Himala at nagluto ka Cr--." Bungad ni Gauche na kabababa lang at napatigil nang matantong hindi si Craig ang nagluto kundi ang transferee na ngayon ay abala sa pag-aayos ng lamesa.

"Good morning, nagluto na ako para sa ating lahat. Hindi naman maganda kung sarili ko lang ang lulutuan ko since mga roommates naman tayo." Sabi ni Quinn pagharap sa dalawa.

"I'm Quinn by the way." Pakilala niya sabay lahad ng kamay.

"Craig." sagot nito nang makahuma na sa pagtataka at inabot ang kamay niya.

"Hi! I'm Gauche." masayang tugon naman ng isa na tinanggap din ang kanyang kamay.

Matapos magkakilanlan ay sabay sabay nang kumain ang tatlo. Hindi naman naging awkward sa hapagkainan dahil napakadaldal at palakaibigan ni Gauche kay Quinn.

Samantalang si Craig ay tahimik lang na nagmamasid sa dalawa habang iniisip pa rin ang nangyari kanina.

How come he's not shock? It's like he is expecting me. Does that mean he felt my presence even though I hid it? Besides I didn't even feel him when he showed up in front of me. Mukhang may kakaiba sa isang 'to ah. Got to keep an eye on him. Sabi nito sa sarili.

Bigla namang nailang si Quinn dahil ramdam niya ang titig ni Craig kahit na kausap niya si Gauche. Mukha namang nahalata yun ng isa kaya naman binulungan niya ang kausap at sinabing.

"Pasensya na, ganyan talaga siya masyadong seryoso. Syempre hindi naman maiiwasan ang pagkilatis sa bagong kakilala di ba? Pero don't worry he won't bite." Pag-aalo nito kasabay ang pagkindat kaya naman medyo gumaan ang loob ng dalaga ngunit naging alerto pa rin siya.

"Anyway, anong section mo Quinn?" Balik tanong ni Gauche sa kanya.

"Section S1, kayo?" Sagot niya na ikinagulat ng dalawa kaya naman nagtataka siyang tumingin dito.

"A-ah, may nasabi ba akong mali?" Bakas parin ang gulat sa mukha nina Craig at Gauche ngunit nagawa parin naman nilang sagutin ito.

"Doon din kami Quinn, nakakagulat lang na may madadagdag sa amin kasi bihira lang mangyari. Kadalasan kamag-anak o may kaugnayan sa shareholders or investor lang ang nakakapasok."

EspionageTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon