Never been Bad

235 16 1
                                    

Matapos makahuma sa pagkabigla, hinarap ni Agent L ang lalaki. Katulad niya ay may takip ang mukha nito at halatang may voice changer din.


"It seems like SIFA is already doing its move huh?" sabi nito ngunit nanatiling tahimik lang si Agent L


"Don't want to talk eh? Oh well, mamatay ka rin naman."


Rin? Ibig bang sabihin...? Tanong ni L sa sarili.


"Hmmm, confused? Well sa tingin mo bakit wala parin kayong makuhang lead sa kabila ng pagpapadala niyo ng agents dito? Syempre dahil pinapatahimik ko sila." pagmamayabang na sabi ng lalaki na siyang ikinagalit ni L.


"But worry no more dahil makikita at makakasama mo na rin sila." pagkatapos nito ay sinugod siya ng lalaki ng isang sipa na agad naman niyang sinangga ng kanyang braso.


Pinauulanan nito si Agent L ng suntok habang ilag lang ng ilag ang huli. Napagod din ang kalaban dahil nagagawang kontrahin ni L ang kanyang mga kilos kaya naman mabilis niyang kinuha ang mga maliliit na kutsilyo at binato rito.


Samantala di naman inaasahan iyon ni Agent L kaya muntik na siyang madaplisan, mabuti nalang at nakaiwas pa siya sa huling oras.


Mabilis ang pag-asinta ng lalaki kaya naman pinagpasyahan niyang magtago muna sa likod ng isa sa mga pillars ng pool para mag-isip ng plano.


"Kahit saan ka magtago di kita hahayaang makaalis ng buhay dito." Sigaw ng lalaki para iparinig sa kanya.


Kainis ang isang ito, kailangan kong makalabas na dahil siguradong parami na ng parami ang estudyante dito sa uni. Sabi ni Agent L sa sarili.


Naagaw naman ang pansin ng kalaban ng marinig ang tunog ng alarm sa likod ng pillar sa kanang bahagi ng pool.


Gotcha! Diwang nito sa isip.


Dahan-dahan niyang nilapitan ito at agad binatuhan ng 5 kutsilyo ngunit ang bumungad lang sakanya ay ang relong tumutunog. Akmang pupulutin na niya nang marinig ang pagkasa ng baril at pagdikit nito sa likod ng kanyang ulo.


"Bitawan mo ang mga armas mo kung ayaw mong sumabog ang iyong bungo." sabi ng agent sa pinakamalamig niyang tinig.

"As if kaya mo." Matapang paring sabi nito.

Agad namang pinaputukan ni Agent L ang baril malapit lang sa mukha nito.


"Wag mo akong hahamunin at di ko uurungan 'yan."


Sumunod naman ang lalaki na di naiwasang mapalunok at taasan ng balahibo sa tono nito.

"Isang tanong, isang sagot. Who is your boss?"


"T-truth is, w-we don't know we're just ta-taking orders."


"We? Does that mean marami kayo?"


"Of course! IDIOT! And I'm sure that magtatagum--."


Hindi na nito natuloy ang pagsasalita ng barilin siya ni L sa kaliwang braso kaya naman napahiyaw siya sa sakit.


"Tell me, who are you calling an idiot?" sabay tutok ng baril sa baba nito.


"S-sorry I didn't mean to. S-spare m-me." Paputol putol na sabi nito sa pagitan ng iyak.


"Wow! Now you're begging? Bakit yung pinatay niyo yung mga biktima naawa ba kayo? Yung pinatay mo yung kapwa ko agents naawa ka ba?"


Hindi naman nakasagot agad ang lalaki dahil patuloy parin ito sa pag-iyak at paghiyaw sa sakit.


EspionageTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon