Meeting the Dukes

258 16 0
                                    

Answer the phone. Answer the phone. Answer the phone.

Nagising si Quinn dahil sa walang tigil na pagring ng kanyang telepono, bagamat antok na antok pa ay sinagot niya ito.

"Cyyyyyyyy!" Sigaw na bungad sa kanya ni Britt kaya naman di maiwasang mapalayo ang dalaga sa cellphone.

"Pwede ba wag kang sumigaw dahil hindi naman ako bingi at alam mo ba kung anong oras palang ha?!" Inis na sagot nito.

"Sorry na sis, wag ka na magalit. Excited lang naman akong makausap ka. Isa pa sabado ngayon yayayain sana kitang lumabas di ba pwede naman?"sabi naman ni Britt sa malambing na tono.

"Titignan ko pa Britt, alam mo naman na--."

"Ehhh, gusto lang kita makita bago ako umalis para sa misyon ko. Moral support ba." Putol nito sa kanya.

"Tsk sige na nga, saan ba?"

"Gusto kong mag-arcade tayo! At syempre food trip."

"Osya basta ikaw na bahala." Kasabay nun ay binaba na ng dalaga ang telepono. Tinignan niya muna ang oras at nagpasiya ng maghanda.

"O may date ka pare?" Tanong sa kanya ni Gauche nang makitang nakaporma siyang pang-alis.

"A-ah eh, oo." Nainis si Quinn sa kanyang sarili dahil sa pagkautal. Hindi kasi siya sigurado sa kanyang isasagot.

"Chicks ba?" Tuksong tanong nito sabay akbay sa kanya.

"H-ha?"

"Sus, wag ka na mahiya dude, tayo tayo lang naman eh." Pilit na sagot ni Gauche kaya lalong di mapakali ang dalaga.

"Pero alam mo kung anong mas magandang gawin?" Habol na sabi nito.

"Ano?" Takang tanong ni Quinn.

"Ang..."

"Ang?"

"Ipakilala mo siya sa akin. Sigurado, mas sasamahan ako nun kesa sayo." Sabi nito sabay tawa.

Napaface palm nalang ang dalaga sa kahanginan nito.

"Pero wag mo mamisinterpret ah, gwapo ka rin naman mas gwapo nga lang ako." Patuloy lang ito sa katatawa at kapupuri sa sarili kaya naman ibinaling nalang muli ni Quinn ang atensyon sa pag-aayos ng sarili.

May sapak na ang isang 'to, sa isip isip niya.

Magsasalita na sana ulit ito ngunit naudlot nang may sumingit sa kanila.

"What the hell Gauche, do you know what time is it? You're too noisy!" Banas na sabi ni Craig na nagising malamang dahil kay Gauche. Samantala pagdila lang naman ang naging tugon ng isa sa kanya.


Napapailing na lamang si Quinn sa dalawa at maya-maya'y nag-paalam na sa mga ito.

"Basta magdala kayo ng proteksyon ah!" Pahabol na bilin ni Gauche na siyang ikinatawa niya. Narinig niya pa ang pag-aray nito na halatang tinamaan ng kung anong bagay na binato ni Craig dahil sa pagkairita sa kanya.

Timezone

"Ang saya! Ang tagal na rin nating di nakapunta sa ganito Cy. Oh, how I miss my ordinary life. That's why I'm gonna make sure to accomplish my mission." masiglang sabi ni Britt matapos nilang pagsawaan ang kalalaro sa arcade.

"Yeah, I know and it's obvious." sagot naman ni Cole habang naglalakad papuntang resto.

"But I'll surely miss this job too."

EspionageTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon