She turns into He

323 17 0
                                    

Kinabukasan, maaga pa lang ay inasikaso na ni Cole ang kanyang mga dadalhin. Habang si Britt naman ang umasikaso sa mga bagay na may kaugnayan sa kanyang pagdidisguise.

Sa katunayan wala siyang maayos na tulog kaiisip dito. Ito ang laman ng isip niya buong gabi hindi dahil sa takot siya kundi may iba lang siyang pakiramdam sa kanyang huling misyon.

"Cyyy. Andito na yung Cosmetics team mamaya mo nalang ayusin yan." Sabi ni Britt pagkapasok sa kanyang kwarto sabay hila sa kanya.

Sa baba ay may nakaupong apat na babaeng nasa mga edad 30s. Inaayos ang mga dala nitong malalaking bag na naglalaman ng mga wigs, kagamitan sa paggupit, artificial skin at marami pang iba.

"Uhm, excuse po." Pagpukaw ni Britt sa atensyon nila.

"Siya po ang aayusan ninyo." Turo niya kay Cole.

"Oh hi dear, I'm Gina." pakilala ng isang babaeng maliit, maputi, at kulay brown ang buhok.

"I'm Diane." ito naman ay morena, medyo may katangkaran at may black na buhok.

"I'm Ciara." isa namang chubby at maputing babae.

"I'm Georgia." siya naman ang pinakamatangkad sa kanilang lahat na may red na buhok at may nakakaagaw pansin na fashion sense.

"Cole." Sabi niya sa malamig na tinig sabay lahad ng kamay na tinanggap naman ng apat sa kabila ng pagkagulat sa kalamigan nito. (Ang pamilya niya lang ang hinahayaan niyang tawagin siyang Cy)

"O-okay so let's start?" sabi ni Gina habang nakangiti.

Una nilang pinagtuunan ng pansin ay ang skin color ni Cole. Nakakaattract itong tignan dahil napakaputi at kinis kaya mahahalatang pambabae ang kutis. Nilapatan nila ito ng katamtamang kulay ng balat mula mukha hanggang talampakan.

Ang bawat artificial skin na nilalapat ay makapal kaya nagkaroon siya ng laman. Natakpan nito ang kanyang mga kurba at napilitan ng animo'y abs.

Sa kabilang banda ang kanyang dibdib naman ay pinaflat gamit ang mga benda bago ang paglalapat. Pinasubok muna nila kay Cole ang paghinga.

Sa una ay medyo masakit dahil parang pinipi ang kanyang dibdib ngunit kalauna'y nasanay naman na siya at nakahihinga naman ng maayos.

Ang huli at ang pinakamatagal nilang pag-aayos ay sa kanyang buhok. Hindi sumasangayon si Cole na gupitin ito. Ilang oras na nilang pinagtatalunan ngunit walang silang nagawa nang pagbantaan sila ng dalaga kaya pinagwig nalang siya.

Subalit hindi ito ordinaryong wig lang. Ikinabit nila ito sa artificial skin sa kanyang mukha upang hindi madaling tanggalin. Matatanggal lang ang wig kapag tinanggal niya iyon.

"At last we're done!" pagod na sabi Diane sabay salampak sa sofa.

"You know you are a lovely creature. Mapalalaki, mapapababae maganda ka parin." Masayang sabi ni Gina.

"So proud of ourselves, you are one of our masterpieces." Sabi naman ni Georgia na nakapagpangiti sa iba pa niyang kasamahan.

"Oh my! Ang hot mo Cole! Ayy hindi pala mas bagay sayo ang Quinn from your name Quincy. Ang cool pakinggan." Kinikilig na tugon ni Britt na ikinatawa ng Cosmetics Team at ikinailing nalang ni Cole.

Pero okay din yung naisip niyang pangalan. Sa isip-isip niya.

Humarap naman si Cole sa apat at nagpasalamat. Pinagpahinga at pinakain muna nila sila bago nagpasya ang mga itong umalis. Maya maya rin ay dumating na ang kanilang ama.

"Cy baby, eto na yung mga documents mo. Nila--." Hindi na nito natuloy ang kanyang sasabihin dahil may nakita siyang bagong mukha sa kanilang bahay.

"Oh, hi dad! Ano masasabi niyo kay Cy? Ang gwapo niya di po ba?" Sabi ni Britt nang makita niyang nakauwi na ang ama.

Samantala, di naman agad nakapag-react si Klaus sa nakita.

Gwapo rin pala etong batang ito kapag naging lalaki. Pero syempre mas gusto ko pa rin na babae siya baka mas lalong lang magsungit, sa isip isip niya.

"Okay naman. Talagang magaling ang cosmetics team natin." Sagot nito habang nakangiti.

"Okay? Yun lang po ang masasabi niyo?! Hindi kaya, sobrang gwapo niya. Magiging tibo na nga yata ako." Sabi naman ni Britt sa eksaheradang paraan.

"Tama na nga yan. OA ka lang. Siyanga pala ano po yung dapat na sasabihin niyo?" Suway ni Cole kay Britt sabay baling sa ama.

"Ah, eto na iyong mga documents mo. Nilagay ko rin yung pangalang gusto mo ipalit pero mamaya mo nalang basahin. Ihubad mo na iyang disguise mo at sa tingin ko mainit iyan. Di rin ako sanay na makita kang ganyan ang itsura. Isa pa, alam ko namang di pa kayo kumakain dahil hinihintay niyo ako." Sabi ng kanyang ama na siya naman agad sinunod ni Cole.

Pagkatapos nun ay kumain na sila ng hapunan.

Cole's POV

Nandito na ako sa kwarto ko ngayon at binabasa ang documents na binigay ni Dad.

Quinn Cole Lattrel, nice. Namiss ko rin ang apleyidong ito. Hmmm, mukhang mapapasabak na ako bukas ah. Kailangan ko ng maghanda at dapat matapos ko ito nang maaga. Binigyan lang ako ng SIFA ng 6 months na palugit. Hayy, bahala na, kaya yan!

EspionageTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon