New student, New roommate

268 17 1
                                    

Gauche's POV

*ringgg*

Uwian na!

Ang laki ng ngiti ko ngayon dahil kanina ko pa gustong magpahinga at magpakasaya. Nakakabagot kaya yung mga tinuturo pero syempre hindi naman ibig sabihin nun ay hindi ako nag-aaral.

"Hoy, para kang timang ngumingiti mag-isa." Sabi ni Drew na kasabay kong maglakad.

"Ano namang pake mo? Inggit ka lang, palibhasa hindi mo na-witness ang show sa cafeteria kanina." Pang-aasar ko sakanya kaya ayun nalukot ang mukha.

Kala mo ahh. Oh, by the way Drew Leonard is his name also known as Quinto.

"In your dreams dude, hindi ako naiinggit at maiinggit sayo baka nga ikaw eh kasi mas pinipilahan ako ng mga babae. Hah!" Sabi nito sabay pogi sign.

Ang kapal talaga, mas marami ang akin no.

"Tss, kaya pala halos takbuhin mo ang grounds makapunta lang sa cafeteria." Pagkasabi ko nun ay pinamutlaan siya. Natatawa pa rin nga ako habang inaalala yung kanina.

Pagkatapos kasi ng mainit na pagsalubong ng trios tsaka pa lamang siyang dumating. Basang-basa ng pawis, magulo pa ang buhok na halatang kagigising lang at bigla nalang sumigaw ng 'asan?'.

Kaya napunta ang buong atensyon ng lahat sakanya idagdag mo pa na nakapajama lang siya. Grabe, di ko tuloy napigilang tumawa ulit.

Halata namang sabik itong nasasaksihan ang ganong pangyayari. Sino kaya mas baliw sa amin ngayon? Masyado kasing kating-kati sa pakikipaglaban.

Paano nga ba niya nalaman? Syempre tinext ko siya, nakakatawa kasi siyang tignan kapag ganun.

"Sige tawa ka pa dyan, mamatay ka sana." Asar na sagot nito pero lalo ko pangnilakasan ang pagtawa kaya nakakuha lang naman ako ng dobleng dirty finger mula sakanya at nagpatiuna na.

Mabilis naman akong nakasunod sakanya habang tatawa tawa parin pero hindi rin nagtagal at nakarating kami sa "Reapers' Sole room."

Ang kwartong nakalaan para sa amin pati na rin sa iba since mga anak kami ng shareholders ng university.

While the three leaders of each gang are the children of the owners and the name of this university originated from their surnames- Denver, IvonnO, Rochester.

Pero ang pinakanagtatag ng school ay ang Ivonno family na family ng aming Primo. Well, I guess that's it that you need to know.

"Hey guys, what's up?" Bati ko sa kanila ng makitang nasa loob lahat.

"Tsk." Inis paring tugon ni Drew.

"Too noisy." Sabi naman ni Craig, palibhasa nakatutok na naman sa librong binabasa.

Maging yung isa hindi rin ako pinansin abala kasi sa paglalaro ng Playstation, siya si Leo Rey Huntingle ang may lahi naming miyembro, kilala rin sa pangalang Sesto.

"Yo!" "Hey!" Sabay na bati nina Niel, Nielarch Ferrer ang buong pangalan also known as Settimo at Sean Duwarte also known as Quartto.

Buti pa sila bumati. Kunsabagay milagro nalang siguro kung babati ng maayos yung dalawa lalo naman si Primo na ngayon ay nakahiga sa sofa habang concentrated sa kanyang laptop.

Dumiretso ako sa kusina para kumuha ng mga snacks. That is why this is my favorite room dahil napakaraming stock ng food though meron rin naman sa kwarto ko pero iba parin dito.

EspionageTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon