Gangs and First Clue

302 20 0
                                    

Quinn's POV

"Sa wakas, natapos din." Nasabi ko nalang pagkatapos ayusin ang mga gamit dito sa aming kwarto. Ngunit hindi ko pa nakikilala o nakikita ang mga kasama ko.

Malaki kasi ang kwarto, parang isang condo. Mayroong isa pang floor kung saan andun ang tatlong malalaking kama at sala naman sa ibaba.

May corner na pwedeng mag-aral, dalawang banyo, at mini kitchen kaya kasya dito ang tatlong katao baka nga lima pa. Napagpasyahan kong magpahinga muna bago libutin ang eskwelahan.

Nandito ako ngayon naglalakad sa campus dahil balak ko sanang simulan ang talagang pakay ko. Pero nakakairita ang mga estudyante dito, grabe kung makatingin. Akala mo naman isa akong alien.

Bakit ngayon lang ba sila nakakita ng transferee? Asar.

Hindi ko nalang sila pinansin at nagtuloy-tuloy na sa paglalakad. Nakita ko pa ang mga nagkukumpulang tao sa cafeteria. At dahil sa kuryusidad nakitingin nalang din ako sa nangyayari.

Makikita ang banggaan at nabubuong tensyon sa pagitan ng tatlong grupo na masasabi kong di mga ordinaryo.

I see they are gangsters based on their appearance and aura....

Kaya hindi na rin nakapagtataka kung bakit may patayang nagaganap dito.

Well, I don't intend to meddle with their business. I just need to finish my mission but I think that is inevitable since baka may kinalaman sila. Hayy, what a bunch of troublemakers. Na siyang nagpailing sa akin.

Makaalis na nga.

Third person's POV

Ang kaninang maingay na cafeteria ay tila naging sementaryo dahil sa sobrang katahimikan. Ramdam ang makapal na tensyong nabubuo sa tatlong grupong naghahari sa eskwelahan. Bihira lang kasi ang magkasabay sabay sila at nasa iisang lugar.

"Long time no see, Reapers and Dukes." Maangas na sabi ng isang lalaking maputi, may blonde na buhok at asul na mga mata na mahahalataang may lahi.

Leader ng isa sa mga grupo na nagngangalang Cyd Night Rochester o kilala bilang First. With him are his reliable members Luccas Mackenzie aka Second and Kaizer Hilton aka Third.

"It's not nice to see you though, Hunters." Tugon naman ng isa pang leader (Dukes) na maputi rin, may kulay brown na buhok na masasabing natural at singkit na pares na mga mata. He is Mori Yue Denver known as King. Along with him are his four mates Red Crane the Prince, Cliff and Ford Heming the Twin Knights and Nero Lakewood the Rook.

Habang ang isa naman ay nakatitig lang sa kanilang dalawa na may bagot na eskspresyon. Ito'y moreno, may kulay itim na buhok at malamlam na kulay itim ngunit matalim na mga mata. Si Jin Van Ivonno o Primo na lider ng Reapers, kasama naman niya sina Craig Alchemer o Ondo short for secondo at Gauche Wander o Terzo.

"So, do you want to have fun?" Mapanghamong sabi Cyd sa dalawa.

"What fun is there if you'll gonna be my opponent." Sagot naman ni Mori na ikinatiim bagang ng huli ngunit mabilis itong nakabawi.

"Really? Or maybe you're just a coward, puro salita lang." Mapang-uyam na tugon nito.

"Are you pertaining to yourself?" Balik naman ulit sa kanya na siyang ikinabwisit ni Cyd.

"Tsk, if you come here just to brag then go somewhere else. I'll surely lose my appetite with the two of you nagging like a lass." Singit ni Jin sa pinakamalamig niyang tono na nakapagpataas ng balahibo ng lahat maging ng dalawa dahil minsan lang kung marinig magsalita ito sa harap ng maraming tao. Kapag nagsalita naman ay napakalamig at walang emosyon.

EspionageTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon