Caught in the Act

279 15 1
                                    

Quinn's POV


Today is Sunday and just like what I always do, I went to church and have visited my parents' grave. For me, it was a reliever after the incident yesterday.


I wasn't able to sleep well last night. While we were driving home I explained to Britt who were they and told her that things will be complicated from now on since Mori saw my face.


But you know what? The witch just laugh and find this all amusing. Kinilig pa ang loka and said that Mori is interested in me.


Well, I don't really care about that. The least thing that I need to think now is falling in love.


After like somewhat forever, I decided to cut the conversation and ask her about her mission which she answered immediately.


I drove her home and went back to the dorm. Muntik pa akong maabutan ng curfew dahil nahirapan akong ilagay ang aking disguise.


Anyway, currently I am preparing all my spy tools and planning to make my move since most of the students are not in the university. With the cameras, microspeakers, microrecorders, gloves, tracking device, mask, voice changer and gun for safety, I went to my first destination.


Tulad ng shower room, may tape ring nakaharang sa pinto ng kwartong ito. Pinagkaiba lang ay mas malinis na ng konti dahil dito nangyari ang unang pagpatay.


Medyo mahihirapan ako maghanap ng ebidensya dito dahil ilang beses na itong nagalaw para sa imbestigasyon ngunit susubukan ko paring mangalap. Hindi rin naman ginalaw ang ayos nito kaya magbabakasakali pa rin ako.


Hindi na nakapagtatakang pinili ang lugar na ito para sa paggawa ng isang krimen dahil nasa dulo ito ng pasilyo ng 6th floor ng dorm.


Makikita ring binakante ang mga katabing rooms dahil na rin siguro natakot ang mga estudyante at para na rin sa kanilang kaligtasan.


Pumasok ako at unang chineck ang kama ng biktima. Natanggal man ang bed sheet tagos naman hanggang kutson ang mantsa ng dugo. Meron din sa kahoy ng kama pababa ng sahig.


Sinuri kong mabuti ang paraan ng pagtalsik ng dugo kaya nakabuo ako ng isang prediksyon kung paano pinatay ang biktima.


Sa tingin ko walang panglalabang nangyari o mas mainam na sabihing hindi agad nakapalag ang biktima. Marahil naalimpungatan ito sa pagkakatulog sakto sa panahong papatayin na siya.


Isa pa base sa butas ng kuston masasabing mong isahang pagsaksak lang ang ginaw. Ngunit sinigurado namang tatagos iyon at ayon sa report direkta sa puso ang pagkakasaksak dahil minimal lang din ang nagkalat na dugo kundi nakaconcentrate lang sa iisang lugar.


Wala na ring bakas ng dugo sa iba pang parte ng kwarto maliban lang sa kama at sahig kung saan ito nakalagay.


Matapos nun ay muli ko pang hinalughog ang kwarto. Nagulat pa ako nang mag-alarm ang aking relo ibig sabihin tapos na ang nilaan kong oras para sa paghahanap sa lugar na ito.


Sa pagmamadaling makaalis na sa kwarto ay natabig ko ang isa shelf at mula doon ay nahulog ang isang picture frame na siyang ikinabasag nito.


Kinuha ko ang medyo hiwalay ng parte ng frame, di ko pa nakikita ang picture dahil nakatalikod ito na may kasama pang papel na nakatupi.


Binuksan ko iyon at nakitang may nakasulat na mga simbolo ngunit kung titignan mo ay malalaman mong mensahe iyon.


Sa kasamaang palad di ko naiintindihan ang nilalaman pero kahit ganun baka may kinalaman parin ito sa pagpatay. Lalo lang napatunayan ang aking hinala nang makita ko ang mga tao sa litrato, ang Hunters.


Bago ako lumisan naglagay ako ng cameras and mics dahil baka maisipan pang bumalik ng suspect dito.


* * * *


Sunod ko namang pinuntahan ang nakasarang swimming pool gym at tulad sa dalawa may tape ring nakalagay at meron pa ngang hugis ng tao sa sahig.


Buti nga't tatlo ang pool gym ng university. Pero sa totoo lang sa lahat ng pagpatay na nangyari ito ang pinakanakapagtataka para sakin.


Ang biktima kasi ayon sa autopsy ay nilunod ng kriminal sa pamamagitan ng pagsakal dito ngunit bakit nakita ang katawan niyang wala sa pool? Nakaahon na ito noong abutan ng mga witness.


Ibig sabihin ba nun ay may nagtangka pang isalba siya? Pero napaka impossible naman nun.


Ang initial reaction ng bawat taong makakakita ng taong nalunod ay ang sumigaw. Isipin mo nga, magkakalakas loob ka pabang i-CPR yun? For sure nabuo na sa isipan mong patay na yun kaya nga nakalutang na.


Naglakad ako patungo sa tuyong pool. Hindi ko alam ang nangyari basta nakatitig lang ako sa mga tiles na ngayo'y marumi na at halatang walang gumalaw.


Linibot ko pa ang pool ngunit wala naman akong nakitang kahina-hinala. May parte lang na may mga sirang tiles na halatang binutas ng mga nag-iimbestiga at ang handle sa pool na natanggal sa kinalalagyan.


Tumingin rin ako sa mga shower rooms dito ngunit wala akong nakitang kahit anong pwedeng makatulong sa akin. Kaya naman napagpasyahan ko ng ilagay ang mga cameras at speakers sa mga pillars na nakapalibot sa pool. Naglagay rin ako sa gilid ng entrance para makita ko ang buong silid mula roon.


Bumaba ako sa pool para maglagay ng isang camera rin. Matapos nun ay tinukod ang aking mga kamay sa gilid para muli nang makaakyat. Habang ginagawa ko yun ay nahagip ng mata ko ang pawang stain sa ilalim ng isa sa mga pool chairs.


Nilapitan ko iyon at sinilip ang ilalim. Hindi pala iyon stain, gum iyon na may kasamang...


Buhok? Teka.


Sinilip ko rin ang ibang mga pool chairs at nakitang tanging ito lang ang may nakadikit bubblegum.


Di kaya?


Bago pa ako makapagisip ng kung anu-ano ay may nagsalita sa likod ko...


"You know it's not good to interfere man." Kasabay nito ang tunog ng yabag na papalapit.


"Sometimes or most of the time being oblivious is better than being a know-it-all because it might lead you six feet under the ground."


.



.


.


.

Shoot! Nalintikan na!

EspionageTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon