Bigyan ng Title!

242 1 0
                                    

Kathryn Bernardo as Nene

Daniel Padilla as Badong

You as Felly

****

Nene's Point of View:

"Ano ba naman yan Felly! Iiyak ka lang ba dyan maghapon? lumulobo na yang sipon mo oh! ako nahihiya sayo e!" sabi ko kay Felly na walang tigil sa paghagulgol. 17 years old na kami at parang 7 years old sya makaiyak!

Nandito kami ngayon sa park. Nanghahagod ng likod ng sobrang ganda kong best friend namay mabulaklak na pangalan.

"Feliciana Rosalinda, wag mo ngang iyakan ang lalaking yun. Bantot na nga ng pangalan bantot pa ng ugali!" kanina pa kami sa bench na to nakaupo at parang walang naririnig itong si Felly dahil nga. NA FALL SYA SA HAYUP NA BADONG NA YUN!

Tignan nyo na! Pangalan pa lang hulatang walang matinong gagawin!

"E sa mahal ko talag si Badong e. He's my everything. Take me into your loving aaaaarms~~ Kiss me under the light of a thousand stars~~" at yun nagsimula na nyang kantahin ang bagong national anthem ng Pilipinas. Thinking out loud ni Kano.

"Wag mong pakasusyal ang background music! Pang Hambog ng Sagpro Crew lang tayo!" at ako naman ang kumanta ng Luha para sa kanya..

Ako ay Lumuha

dahil hindi ko kaya

na limutin ka at iwan ka

dahil ikaw lang talaga~~

ako'y nagmahal ng todo

pero ako'y niloko

sana ngayon ay mahalin

at wag mong lokohin

please yung bago mo~~

hindi paman ako tapos sa pagkakanta ay binatukan na nya ako! putchapetes. Kaka memorize ko lang ng rap na yun dahil pinatugtog ni Kuya Nanoy kanina sa tindahan!

"Ang Jologs mo naman e!" sagot nya at sumingot sa panyo nyang pwede ko na yatang gawing lampin sa sobrang laki.

"Sus kung alam ko lang paano ka magsend ng message kay bh3 mo. 1iKh4w l4N9 $h4p4Th n4Uh."

"Pinaalala mo pa e! ang sakit na kaya ng nararamdaman ko. Ginagatungan mo pa e!" sabi nyat hinampas pa ako! aba gaga to a. kung di lang ako pinapautang ng nanay nito sa tindahan nila ng shampoo di ko to pagtyatyagaan!

"Alam mo napakaganda mo Feliciana Rosalinda. Di mo naman kailangan ng lalaki para sumaya ka. Tignan mo yung kanta na First Love, nainlove kay Batman. Di ko sinasabing mainlove kadin kay Batman pero di na makatao yang nararamdaman mo kay Badong. Wala syang karapatan na saktan ka at di sya karapat dapat sa luha at pagmamahal mo!" di na ako makahinga sa haba ng speech ko pero ang lalim ng hinugot ko dun a!!

"astyaka wag mong masyadong dibdibin! wala ka naman nun e!" sumingot sya sa lampin nyang panyo at tumawa ng pagkalakaslakas. nababaliw na talaga ang isang to!

****

"Pagnakakita ako ng kahit isang patak ng luha dyan sa mukha mo pag nakita mo sya talagang iiwan kita! Maghahanap ako ng ibang source ng shampoo!" Malapit na kami sa aming Paaralan, ang Eskwela de Maganda na walang gwapo!

Papasok na sana ako at babatiin ko na sana si Mang Koko ng bigla akong hilain ni Felly.

"Parang di ko kaya bessy." sabi nya na may lungkot ang boses.

Sinampal ko sya para magising.

"Lalaki lang yan, dyosa tayo!" kahit walanf kaconnect-connect ang sinabi ko ay hinila ko sya papasok sa Eskwela de Maganda na walang Gwapo.

Short KathNiel StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon