Chapter 05

36 3 0
                                    


Bumungad saakin ang mga pinagbabatong gamit kay jun, grabe napakadami

"grabe naman konti nalang mapapatay na nya si jun," bulong ko

"mare," sabi ko habang kumakatok, walang sumasagot kaya pumasok na ako, pati saloob nagkalat ang mga gamit, nagkaworld war IV siguro dito, bakit kasi hindi nya muna pinagpaliwanag si jun.. nakita ko syang nakaupo sa sofa habang nakabukas ang tv, nilapitan ko sya at tumabi sakanya ng upo

"mare--," naputol ang sinasabi ko ng bigla syang nagsalita

"oh ikaw pala mare, napadalaw ka dito?" masiglang sabi nya

"ah oo hehe, bakit nagkalat ung mga gamit?," painosenteng tanong ko

"ah ayan pinagbabato ko yan kay jun," sagot nya

"bakit naman?" tanong ko

"pakiramdam ko nambababae nanaman sya mare, tignan mo gabi na sya umuwi kagabi," sabi nya

"ah i see, pinagpaliwanag mo na ba sya mare?" tanong ko, natahimik sya ng ilang minuto

"ano mare? hindi pa ba?" tanong kong muli

"wala akong oras sa pagpapaliwanag nya," sabi nya

"mare nakita mo na ba ung mga galos nya? alam mo ba ung dahilan kung bakit late syang nakauwi kagabi?" napailing-iling sya

"sabi nya saamin nasabi na nya yun sayo, na nagkochoreo sya ng sayaw," sabi ko, napatingin sya saakin

"nagkochoreo?" napahinto sya saglit at nagisip

"ano, di ba nasabi nya sayo? yun ung dahilan kung bakit late sya nakauwi kagabi," pagpapaliwanag ko

"oo nga naalala ko mare may nasabi sya saakin na ganun pero ang alam ko matagal na un," sabi nya

"hindi, hanggang ngayon nagtuturo padin sya ng sayaw," sabi ko, napatango-tango sya

"see, dapat pinagpaliwanag mo muna sya mare, pag nakita mo ung mga galos nya maaawa ka sakanya, matagal na nyang tinigil ung pambababae nya dahil sayo, mahal na mahal ka ni jun mare," sabi ko sakanya, napatingin sya saakin

"nasa inyo ba sya?" tanong nya, tumango ako

"pagod sya kakaturo mare, pinatulog ko muna sa bahay," sagot ko

"alam mo mare, kaya ko yon nagawa sakanya kasi natatakot ako," sabi nya saka napayuko

"anong kinatatakot mo?" tanong ko

"na baka iwan ako ni jun at ipagpalit sa iba," sabi nya, nararamdaman kong maluluha na sya kaya hinagod ko ang likuran nya

"hindi ka ipagpapalit ni jun, maniwala ka sakin, kilala ko si jun mahal na mahal ka nun," pagpapakalma ko sakanya

"alam ko yon mare, nadala lang ako ng takot at pangamba, nakokonsensya ako, gusto ko syang makita," sabi nya napatingin sya sakin

"nandon sya sa bahay, hep hep bago yon linisin muna natin tong mga kalat," sabi ko at dinampot ang mga kalat, napatango sya


A few moments later


"oh ayan maganda na ulit tignan" sabi ko habang tinitignan ang nakaayos na gamit nila

"salamat sayo," sabi nya saka napangiti

"halika na, puntahan na natin asawa mo," aya ko

"let's go," sabi nya habang nakangiti

A Future With SeventeenWhere stories live. Discover now