Nang matapos ang pag-uusap namin ay agad napagpasyahan naming manatili muna sa bahay at magkwentuhan muna kahit saglit lang
"sandali lang kukuha lang ako ng makakain," sabi ko at dali-dali pumunta sa kusina kasama ang misis ni woozi,
"tulungan na kita," sabi nya habang nakangiti, napakabait na babae, di na ako magtataka kung bakit sya nagustuhan ni woozi
"salamat" sabi ko at ngumiting pabalik
"kamusta si seungcheol bilang asawa?" tanong nya
"ayun ayos lang, napakalambing, kaso minsan may pagkaisip-bata haha," sabi ko at natawa ng kaunti, natawa din sya
"eh si pareng woozi naman?" tanong ko
"malayo sa inaakala ko, kala ko magiging cold ang relationship namin kasi ako kwela akong babae tapos sya tahimik lang, kala ko hindi magwo-work," sabi nya
"oh pagkatapos?" sabi ko habang nakatingin sakanya
"akala ko lang pala yun, nung naging mag-asawa na kami mas lalo kong naramdaman ang pagmamahal nya sakin, napakasweet nya napakalambing, lahat na nasa kanya," sabi nya habang nakangiti
"don't judge a person if you doesn't know his true side," sabi ko
"tama ka mare, halika na baka naghihintay na sila doon, napasarap ang kwentuhan natin dito haha," nakangiting sabi nya
"mabuti panga," sagot ko at nagpunta na kami sa sala kung saan nandon ang mga kumare namin,
"natagalan ata kayo?" tanong ng asawa ni minghao
"ah napasarap lang ang kwentuhan," sabay na sagot namin, napatawa kami ng mahina
"o sya kumain muna kayo," sabi ko at nilapag ang mga pagkain
"salamat mare!" sabi nila, napangiti ako
"oh tutal nandito naman na tayong mga misis ng sebongs, magshare naman kayo ng karanasan nyo bilang isa sa mga maswerteng babae na napangasawa ng sebongs" sabi ko
"sandali mas masarap mag-usap kapag may kasamang beer," sabi ng asawa ni hoshi
"oo nga, sandali bibili ako," sabi ko at saka hinila si mareng misis ni woozi, may tumawag saamin napatigil kami saglit
"ah mare, ano kasi baka hindi ako payagan ng asawa ko" sabi ng misis ni dk ganun nadin ung misis ni seungkwan" napatango ako
"tatawagan ko sila mamaya para makapagpaalam kayo," sabi ko saka tuluyan na kaming umalis
"oh sya mare, naputol ang pag-uusap natin, ilang years na kayong kasal ni woozi," tanong ko
"2 years ngayon mare," sagot nya habang nakatingin sa nilalakaran
"pakatatag kayo mare," sabi ko at saka pumasok sa convenience store, nakita ko si seungcheol at woozi na nasa loob din, anong ginagawa nila dito?
Tinakpan ko ang mukha ko, at hinila si mare nagpunta ako agad sa lalagyan nga mga beer at softdrinks saka kumaha ng madami, paniguradong mahaba-habang usapan ang mangyayari saamin, nagsama-sama ba naman,
"mare? bakit ka nagtatago?" takang tanong ni mare
"nandito din ung asawa ko mare pati asawa mo," bulong ko
"haaa! patay, bawal na daw ako mag-inom, nako lagot ako pagnakita nya ako dito," alalang sabi nya
"ako din mare, dahil sa nangyari nung isang buwan," sabi ko
"ano bang nangyari?" tanong nya
"mamaya ko na sasabihin sayo," sabi ko saka hinila sya papunta sa counter
"heto oh, pakibalot ng mabilis," sabi ko sa cashier
"okay mam," sagot nito, nang narinig ko ang usapan nilang dalawa sa likuran namin, hala patay nasa likod namin sila!
"mare, mare, pakiramdam ko nasa likod natin sila" bulong ko kay mare
"haa? wala naman ah?" sabi nya at nilingon ang nasa likuran, "napapraning kalang mare," sabi nya
"ah wala ba--," naputol ang sasabihin ko ng may magsalita
"y/n? hyung ung asawa mo nandito," sabi ni woozi na nasa gawing kaliwa ko at kumukuha ng donut
"shhh, wag kang---," sabi ko sakanya pero huli na ang lahat
YOU ARE READING
A Future With Seventeen
Fanfiction"Ano may bagong giyera nanaman ba?" - Y/n Choi Living with Seventeen for the others feels like you're in heaven. Well, it's true sometimes. Let's just say they're so fun. At the moment, your stomach will burst out just because of BooSeokSoon's joke...