Kinaumagahan, sa wakas nakarating nadin kami, kakalapag lang kanina ng airplane na sinasakyan namin, heto kami nag-aayos ng mga maleta pababa, sinabi nadin sakin ni mama na susunduin nila kami na mas nakapagpa-excite sakin, kakalapag palang kita ko na silang kumakaway kanina paba sila? masaya akong nakita kong muli sila
"Y/N!!" rinig kong sigaw ni mama, napalingon ako at ayun patakbong papunta sakin, waa mama!
"mama, namiss po kita" sabi ko kay mama habang yakap-yakap sya, nakita kong nagmano si cheol kay papa ganun din ung iba,
"namiss ka din namin ng papa mo," sabi ni mama, humiwalay sya sa yakap at tinignan ang iba
"mukang ngayon nalang ulit kayo nakapag-outing ha?" pang-aasar ni mama, napatawa nalang ako si mama talaga
"ay halata po ba?" sabi ni hoshi na sumasakay sa trip ni mama,
"ay hindi, hindi halata ang onti nga ng dala nyo eh, kulang nalang dito kayo tumira haha," sabi ni mama dahilan para mapatawa si hoshi
"si tita talaga, walang pinagbago" sabi ni dk, napangiti nalang si mama
"mga lalake!" sabi ni papa, napatindig ang mga boys
"sir bakit sir?" tanong nila na parang mga buang, pinagtitripan lang nanaman sila ni papa,
"ano ba yang itsura nyo, magmimilitary ba kayo? bat kayo nakatindig?" takang tanong ni mama, napatawa nalang kaming mga babae
"hayaan mo na sila jan ma, tara na nga po," aya ko kay mama at sa mga girls, mauuna na kame alam ko namang makikipagchikahan pa yan si papa sa kanila ugali ni papa yan eh sa una kala mo nakakatakot pero kwela yan si papa
"diba sa may hotel kayo tutuloy?" tanong ni mama
"opo tita," sagot ng asawa ni jun
"oh dalhin nyo muna ung gamit nyo dun saka kayo dumalaw sa bahay, nagluto ako kasi dadating kayo," masiglang sabi ni mama, napangiti ako
"hmn okay po tita, sasama kapo samin?" tanong ng asawa ni vernon
"hihintayin ko nalang kayo sa bahay, sasabihin ko din sa mga kapatid ni y/n na dumating na sya," sabi ni mama
"oh okay ma, una na po kami," sabi ko kay mama, niyakap ko syang ulit
"ingat kayo ha, hihintayin ko kayo sa bahay," sabi ni mama na may ngiti
"opo, ba-bye po" sabi ng asawa ni wonwoo, tumango nalang si mama at bumalik sa bahay
"y/n, kwela din pala mama mo noh?" sabi ng asawa ni joshua, napangiti ako
"hmn oo, nagmana ako sakanya," sagot ko sakanya
"nasan na mga asawa natin?" tanong ng asawa ni minghao
"mamaya makikita mo din sila," sabi ko
"hmn okay," sagot nya
"sige ayos na kayo ha, pag dumating ung mga boys, aalis na tayo," sabi ko, saka pumasok sa hotel room,
Maya-maya pa'y dumating na si cheol sa room namen ibig sabihin nandun nadin ung iba, nahiga sya agad na parang pagod, ano nanaman kayang kalokohan ang ginawa ni papa?
"di padin nagbabago papa mo y/n" sabi ni cheol saka tumingin sakin,
"bakit?" takang tanong ko
"pinabuhat pa naman samen ung lahat ng maleta, parang tinotorture kame pyu," napatawa nalang ako sa muka nya
"loko ganun talaga si papa, para na nya kase kayong anak, isa lang kapatid kong lalake malas nyo nakita nya kayo edi ginawa kayong sundalo haha," sabi ko habang nagsusuklay
"hayaan mo na papa mo naman yon, papa ko na den naman bakit ko pa sasatsatan," sabi nya nalang
"magbihis ka na ng damit mo, pupunta tayo sa bahay ngayon, sinabi na namin kay mama," sabi ko sakanya na nakahiga padin
"okay honey ko!" sagot nya saka pumili ng damit at nagpalit
Maya-maya pa'y natapos na si cheol magbihis ng damit, ganun din ang pag-aayos ko, kinatok ko nadin ung iba kung pwede na ba kaming umalis, mukang handa naman na ang lahat, mapupuno bahay namin nito twenty-six ba naman ang bisita sa bahay haha
"y/n sana may fried chicken sa bahay nyo, gusto ko ng manok," sabi ni hoshi habang hinihimas ang tyan nya,
"muka ka talagang manok noh? kulang nalang maging manok ka," sabi ni woozi, napatingin sakanya si hoshi
"ey woozi naman yan ka nanaman eh," sabi ni hoshi sabay pout
"tigilan mo nga yan, gupitin ko yang nguso mo sige," banta ni woozi, napatago nalang sa likod ng asawa nya si hoshi
"asawa ko protect me," sabi ni hoshi, hinampas nalang sya ng asawa nya
"manahimik kana kasi hosh," sabi sakanya ng asawa nya, tumango-tango nalang sya
"y/n! y/n ung mama mo oh!" sabi ni seungkwan habang may tinuturo, nilingon ko ang tinuturo nya nakita kong si mama nga,
"oh edi nandito na tayo, baba na kayo," sabi ko sakanila agad naman silang bumaba
"woah bahay nyo ba toh noona angganda naman," sabi ni dino habang pinagmamasdan ang bahay namin, tumango-tango nalang ako
YOU ARE READING
A Future With Seventeen
Fanfiction"Ano may bagong giyera nanaman ba?" - Y/n Choi Living with Seventeen for the others feels like you're in heaven. Well, it's true sometimes. Let's just say they're so fun. At the moment, your stomach will burst out just because of BooSeokSoon's joke...