Chapter 21

7 1 0
                                    


Gabi na kaya alam kong pauwi na sila hoshi at dk, at ayun tama ako nakikita ko ditong unti-unting bumubukas ung gate, alam kong pumapasok na sila

"andyan na sila" bulong ko, nagulat ako sa boses na nasa likod ko si cheol lang pala piste..

"sino?" tanong nya

"edi ung dalawa," sabi ko saka tinitignan ang unti-unti nilang pagpasok

"ayan na! ayan na! masaya toh! live bugbugan," sabi ni cheol habang kinikiskis ang mga palad nya't naupo sa tabi ko, hinampas ko sya

"anong masaya ha!" sabi ko

"joke lang honey eh!," sabi nya, tumingin kaming parehas sa dalawa na nakapasok na sa gate at unti-unting naglalakad pauwi ng bahay nila, mukang nakita nila kami na nakatingin sa kanila, sumenyas si cheol ng parang tigok ganorn, napabreath out sila, ang angas para silang dagang naghihintay mamatay haha

"yari si hoshi neto," bulong ko, napatango si cheol, si dk nakapasok na sa bahay nila, himalang walang ratratan si hoshi kaya?

"galit?" bulong ni hoshi

"oo yari ka!" sabi ni cheol, napapikit nalang si hoshi saka pumasok ng bahay nila

"ayan na! ayan na!" sabi ni cheol na naghihintay ng ratratan

Ilang minutong walang ingay na nagmumula sa bahay nila, maya-maya pa'y ayan na nagsisimula ng sumabog ang bulkan, nagsisimula ng magalit si mare, patay ka hoshi

Nakita naming tumatakbo palayo sa bahay nila si hoshi habang si mare pinagbabato sya ng mga stuff toys nyang tiger napakadami pa naman, ung iba pa nga tupper ware tsk tsk naku naman!

"hyung! hyung!" rinig kong sigaw ni hoshi

"sabi na eh pupunta sya dito" bulong ko, nakita ko si hoshi na dala-dala ung mga stuff toys nya, mahal na mahal ang tiger nako naman!

"bat mo kase tinakasan ung pinapagawa sayo yan tuloy," sabi ko saka pinaupo sya

"breeding season daw ng tiger ngayon, hindi ko pwedeng palampasin yon noh," sabi nya na hingal na hingal

"kaya kahit gerahin ka ng asawa mo ayos lang, nako mas mahal mo pa ata yang tiger kesa sa asawa mo eh," pang-aasar ko napatingin sya sakin

"y/n naman, hyung oh inaaway ako," sabi ni hoshi saka nagpacute

"heh baka ako naman ang gerahin nyan ni y/n," sabi naman ni cheol napatawa ako

"sandali kumain kana ba?" tanong ko, umiling sya saka ngumiti

"kumain ka muna, halika doon sa loob," aya ko agad naman syang sumunod saakin ganun nadin si cheol

"sa susunod kase magpaalam ka muna," sabi ni cheol kay hoshi habang ngumunguya, napatango nalang si hoshi

"mukang mainit ang ulo sayo ni mare, dito ka nalang muna matulog," sabi ko, "sandali ihahanda ko lang ung pagtutulugan mo," sabi ko saka iniwan silang dalawa

"ahhh~ ang sarap ng pagkain salamat hyung!" sabi ni hoshi saka ngumiti

"baka may gusto kapang kainin?" tanong ni cheol, umiling si hoshi

"wala na hyung, salamat sa pagkain," sabi ni hoshi, napangiti si cheol

"you're welcome, ikaw ha! ung sinabi ko sayo tandaan mo yon" pagpapaalala ni cheol, napatango si hoshi

"oo hyung, nga pala ang cute ng baby tiger tignan mo," sabi ni hoshi saka pinakita ang mga pictures ng tiger sa phone nya, tinignan naman ito ni cheol

"oo cute nga kapag baby pa tas pag lumaki na wala na di na cute," sabi ni cheol

"hoshi, matulog kana don handa na ung pagtutulugan mo!" sigaw ko, agad namang pumunta si hoshi sa sinabi kong pagtutulugan nya

"good night hosh, sana bukas di na galit misis mo," sabi ni cheol, napatawa si hoshi

"di na yun, ako pa malakas ako don eh, goodnight den hyung!" sabi ni hoshi saka sinara ang pinto ng kwarto

"ikaw hon, matulog kana den," sabi ni cheol napangiti ako

"hon ahmn bat hindi ka nga pala tumatabi sakin matulog? mabaho bako?" takang tanong ko, napatawa sya

"hindi ka mabaho, bango bango mo nga eh, ikaw kaya nagsabing wag tayo magtabi malay ko kung anong dahilan mo," sabi ni cheol

"ah ako ba, tabi na tayo matulog simula ngayon," sabi ko nagliwanag ang muka nya,

"talaga!! tara na matulog na tayo honey!" sabi nya saka hinila ako

"yah! para ka namang bata," sabi ko

"oo baby mo yiee," sabi nya sabay tawa

"che ang corny," sabi ko, niyakap nya ako

"naaalala mo pa ung panaginip ni dino na kinuwento nya sainyong dalawa ni hoshi?" tanong ko

"oo haha nagkatotoo nga, loko kasi si hoshi inuuna pa ung tiger," sagot ni cheol

"kung hindi manok, tiger naman jusmiyo hosh," bulong ko at napailing

"matulog na po tayo honey, goodnight po!!" sabi nya saka sinimulan ng matulog habang nakayakap sakin

"goodnight honey!" bulong ko sakanya saka natulog nadin habang nakayakap sakanya, hay ang asawa ko, miss na miss ako kahit magkasama lang kami sa bahay, di bale miss ko din naman sya palagi, i love you honey!!

A Future With SeventeenWhere stories live. Discover now