Nagising ako sa boses na galing sa paligid teka nilooban ba kami? minulat ko ang mata ko at nakita ko ang BooSeokSoon nakabihis na sila, teka anong oras na ba? tumingin ako sa wall clock at 10pm palang bat sila nandito? ang aga pa ah?
"Hoy kayong tatlo ang ingay nyo," sigaw ko sakanila, sa halip na tumahimik sila lalo pa nilang nilakasan ang boses nila, nangaasar ba kayo?
"Y/n, gumising kanaaa, ijen wake up wake up!"
"malapit na mag-one gumising kanaaaa!"
"daganan nalang natin," rinig kong bulungan nila, napamulat ako ng mata at tumingin sakanila
"sige subukan nyo lulumpuhin ko kayong tatlo," banta ko napangiti sila
"YEY GISING NA SI Y/N!! sigaw nila at umikot-ikot na parang mga timang
"okay na kayo? pwede na kayong lumabas?" pagsusungit ko, pero naupo sila sa dulo ng kama ko at nagcrossed-arms, loh mga bata ba kayo?
"no," sabay-sabay na sagot nila
"pinagtitripan nyo ba ko?" tanong ko habang nakatingin sakanila ng seryoso
"malapit na mag-one y/n, magready kana" sabi ni cheol na nakaupo sa may sala
"pano nakapasok tong tatlong toh?" tanong ko sakanya
"syempre may pinto," pagpipilosopo ni cheol, tinignan ko sya ng masama
"malamang alangan namang sa bintana pumasok, ano ba kaseng ginagawa nyo dito?" tanong ko ulit sakanila
"ginigising namin ung iba, naisip namin na dito unahin kaya eto nandito kami ngayon," pagpapaliwanag ni hoshi
"oh gising na ko pwede na kayong lumabas," sabi ko sakanila, pero umiling iling lang sila
"no, no, no, no, no, no" heto nanaman sila nagsisimula nanamang bwisitin ang araw ko,
"yahhh!! gising na nga ako eh, yan oh ayan!" minulat-mulat ko pa ang mata ko para sa kanila, di ba nila maintindihan ung sinasabi ko wtheck.
"ladies and gentlemen they call us BooSeokSoon," ayan na nagsisimula nanamang kumanta, napailing-iling nalang ako
"oo na nga magreready na ako, sa iba naman kayo mambwisit ha, sige babye," sabi ko habang tinutulak sila papunta sa pinto, kahit likod lang nila tulak-tulak ko ambigat bigat na jusko
"see you later y/n!" sabi nilang tatlo
"oo," tipid na sagot ko
"hep! hep! wag ka na ulit matutulog," biglang singit ni seungkwan sa pinto, tinanguan ko nalang sya at saka sinara ang pinto, kung pwede lang silang ipatapon sa kabilang dimensyon napatapon ko na pero naisip ko kawawa naman ung mga mabibwisit nila don, okay lang yan.
Makalipas ang ilang minutong pagaayos ng aking sarili ready na ako pumunta sa amusement park, light make-up lang ang nilagay ko alam ko namang magsisisigaw lang ako don nonsense don ang make-up
"honeeeey!" sigaw ko
"yes honey?" sagot ni cheol na nanonood
"maghintay kana don sa labas," sabi ko sakanya, agad naman nya itong sinunod at lumabas na
"silence ahh~" bulong ko, okay na sana eh kaso bigla nanamang sumulpot ung tatlo
"wala ng matutulog aalis na tayo," sabi nila sabay sarado ng pinto, lahat siguro ng mapuntahan nila nabwisit din sa ingay nila, di naman sa sobrang nakakabwisit kasi isipin mo natutulog ka tapos biglang may magiingay? diba nakakabadtrip, ewan ko kung anong nakain nyang tatlong yan at napakahyper
Lumabas nadin ako para hinatayin ung iba, halos kumpleto na nga eh nung lumabas ako si jeonghan nalang ung kulang,
"YOON JEONGHAAAN," sigaw ng BooSeokSoon, jusmiyo napakaingay talaga, sumilip pa si jeonghan sa may bintana nang-aasar pa ata, iwan na kaya namen toh?
"sisilip ka pa e, batuhin kita jan!" bulong ni joshua
"bat ba napakatagal ng asawa mo ha!?" tanong ni woozi
"nagsisintas pa nanaman yon," sabi ng asawa napabuntong hininga nalang si woozi, matagal pa nanaman kasi yan maikli pa naman pasensya nya haha
"iwanan na natin yan hyung," atat na sabi ni dino napahinto lang nung makita naming pababa na si jeonghan buti naman nasintas na nya sapatos nya
"bumaba ka pa," sabi ng asawa nya
"baket gusto mo akyat ulit ako?" pagpipilosopo nya pa, tinignan namin sya ng masama
"sige akyat ka ulet para kami nalang magrirides, tara na," sagot ni cheol, kumapit agad si jeonghan sa braso ng misis nya
"joke lang hehe," sagot ni jeonghan, tinarayan nalang sya ni mare,
Ilang minuto lang ang binyahe namin at nakarating na agad kami, gaya ng dati napakaganda padin dito kaso nga lang ung ibang tides nagsisimula ng maluma pero atlis buhay na buhay pa rin ito,
YOU ARE READING
A Future With Seventeen
Fanfiction"Ano may bagong giyera nanaman ba?" - Y/n Choi Living with Seventeen for the others feels like you're in heaven. Well, it's true sometimes. Let's just say they're so fun. At the moment, your stomach will burst out just because of BooSeokSoon's joke...