A few hours later, ayan hataw na hataw padin yung iba, hindi naman kami lasing pero bakit tulog na yung iba? di kinaya ng energy nila ang energy ng BooSeokSoon??
"kayong tatlo hindi paba kayo pagod?? kanina pa kayo masigla," sita ko sakanila na nagpapagalingan gumiling habang kumakanta, mga baliw talaga
"na-a-a kami pa?? gisingin nalang natin sila, mas maganda yon," suggest ni hoshi, sige subukan mo para hampasin ka ni jeonghan haha!
"shhh hayaan mo na sila jan, matulog naden kayo pag napagod kayo," i saw them nod at what I've said, nagsscroll lang ako dito naghihintay na makatulog yang tatlo kase baka magbardagulan yan pag di ako gising haha, mahirap na
The time flies and it's already 1am, salamat namab tulog na yang tatlong yan, tumayo ako para magligpit ng mahagip ng mata ko ang asawa kong nakatakip ng kumot anong ginagawa neto??
"hoy!" tinanggal ko ang kumot na nakabalumbon sa kanya at nakita sya, si dino at si mingyu na naglalaro ng online games, kaya naman pala kanina ko pa hindi makita naglalaro lang pala
"aba naman, nandyan pala kayong tatlo, anggaling!" napangiti sila sakin na kala mo mga bata o isip bata?
"hello noona, sali ka?" tanong ni dino, aba may gana pang mag-aya tong batang toh, kutusan kita eh joke lang haha!
"hindi, sige maglaro lang kayo," ngumiti ako ng bahagya saka sumimangot ulit, kahit hindi ko ito bahay dapat lang na maglinis ako ng kinalat diba? di naman ako walang hiya hmpk
"oh tulog na sila? ano bayan kala ko walang tulugan," sabi ni cheol saka tumingin kay minyu at dino, mukang may binabalak na masama tong tatlong toh hmn...
"HOY GISING!! DIBA WALANG TULUGAN!! GISING NAAAA!!" sigaw nilang tatlo sa mic, takte mabibingi nanaman ako
Nakita kong nagising ung tatlong maiingay kanina at naging hyper ulit aba kung ako yang ganyan na ginising habang natutulog susunugin ko ng buhay ang may pakana, pero sila parang wala lang, hanep??
"yow sinong tulog ha, sino!? rakrakan naaa!" inagaw ni hoshi ang mic kay dino at nagsimula nanamang kumanta, takte wala ba silang kapaguran? ako ang napapagod sakanila eh tf...
"Ladies and Gentlemen they call us BooSeokSoon!" ayan nanaman, takte rarakrakin nga nila tong buong bahay pfftt..
Si jeonghan mukang inis na napamulat haha, baka nasa kalagitnaan na sya ng panaginip nya tas biglang nagising aray saket non haha!
"aish hyung naman eh," iritang sabi ni jun na nakayakap sa asawa nya, ang cute haha!
Sino ba kasing hindi mababadtrip kapag natutulog ka tapos biglang may sisigaw sa mic? diba nakakabadtrip dahek
"ano ba naman kasing ginagawa nyo honey, natutulog na sila eh," sita ko napangisi nalang sya
"eh sila na nagsabi eh walang tulugan bakit sila natutulog? kasalanan nila yon hahaha!" sabi ko na nga ba may balak na masama tong cherry na toh este asawa kong toh
Yan kahit antok pa napilitang magsasasayaw, alam mo yung feeling na parehas kaliwa aa mo tas yung performance task sasayawin yung dynamite? Pfft!
"ikaw y/n baka matulog ka nanaman,!" aba ako pa talaga seungkwan ha? ako pa!
"weehh sino kaya saten baka kayo," pang-aasar ko, inabot nya sakin ang mic at may balak pa yata akong pakantahin takte ngayong 1:30 ng madaling araw hanep!
"y/n! tara dito," rinig kong tawag sakin ng asawa ko, bakit nanaman? but thank goodness nakaiwas ako sa pagkanta nayan phew!
"yes?" pagkalapit na pagkalapit ko palang, hinapit na nya ang bewang ko, ano sasayaw naman? tf itulog nyo na nga lang yan!
Nagpatugtog ng romantic music si minghao, wow di halatang antok a? amazing.
"ano ba toh honey, nababaliw ka nanaman ba?" sita ko sakanya na nakangiti, nababaliw na nga
"sinasayaw kita honey ko," bulong nya, ramdam ko ang mga matang nakatingin samin, potcha nahihiya ako ano bayan!
YOU ARE READING
A Future With Seventeen
Fanfiction"Ano may bagong giyera nanaman ba?" - Y/n Choi Living with Seventeen for the others feels like you're in heaven. Well, it's true sometimes. Let's just say they're so fun. At the moment, your stomach will burst out just because of BooSeokSoon's joke...