Owemjii, finally sa tagal-tagal kong nandito sa bahay makakapag-outing din kami, di lang kaming mag-asawa kundi kasama ung iba nice!
"alam ko namang matagal mo ng gustong mag-outing kaso busy ako minsan kaya eto," sabi ni cheol saka nilabas ang mga plane tickets, tinignan ko ito, at kung saang lugar, nagulat ako sa nakita ko totoo ba ito? sa may province namen?
"c-cheol, ano toh bakit sa province namin?" takang tanong ko
"diba miss mo na pamilya mo don, edi dalawin natin," sabi ni cheol napangiti ako
"sabi ni hyung nakita nya daw sa phone mo yung family pictures nyo," sabi ni hoshi habang nakasandal kay jun
"alam kong matagal na nung huli mo silang nakita at nakasama, pupuntahan natin sila" sabi ni cheol napayakap ako sakanya
"uwaa thankyou honey, miss na miss ko na talaga sila," sabi ko saka niyakap sya
"e-ehem hyung mauna na kami, maghahanda pa kami ng mga gamit namen, woohoo!" sabi ni hoshi, sinundan naman sya ni jun saka umuwi ng bahay nila
"madami din namang Beach don sa inyo kaya why not na doon tayo mag-outing hindi ba?" sabi nya napatango nalang ako
"uhmn uhmn, teka tatawagan ko sila mama," sabi ko saka dinaial ang number nila, nagriring naman ayan may sumagot na
"hello ma," bati ko,
"hello y/n anak, oh napatawag ka?" sabi ni mama, namiss ko ang boses nya, namiss ko ang itsura ni mama
"ma, kamusta po kayo jan? Miss ko na kayo," sabi ko ramdam ko ang mga luhang nangingilid na sa aking mga mata, ewan talagang miss ko lang talaga sila
"ayos naman anak, kamusta kayo jan ng asawa mo, naku isumbong mo sakin kapag inaaway ka ha, papauwiin kita dito," sabi ni mama, napatawa ako ng mahina ganun din si cheol na nasa tabi ko't nakikinig sa usapan namin
"ah ma ayos lang po kami ni y/n, mahal na mahal ko po anak nyo," sabi ni cheol kay mama, napangiti ako
"talaga lang ha, pinagkatiwala ko sayo anak ko, alagaan mo sya gaya ng pangako mo samin ng papa nya, maliwanag?" tanong ni mama
"opo ma gagawin ko po," sabi ni cheol saka yumakap sakin, loh clingy ka?
"ma si papa po? anong ginagawa?" tanong ko kay mama
"si papa mo, nanonood ng basketball don sa loob," sabi ni mama, halata naman kasi sa sigawan nila na naririnig ko
"pakausap naman po," sabi ko,
"oh sino yan? nanonood ako dito," rinig kong sabi ni papa napatawa ako ng mahina, walang pinagbago adik padin sa basketball si papa
"pa ako po ito, si y/n" sabi ko, mukang narinig naman nya at agad syang nagsalita
"oh y/n, kelan kayo babalik dito para mamasyal? alam mo anak miss na miss ka na namin ng mama mo," sabi ni papa, napatulo ang luha ko sa sinabi ni papa, miss ko na din kayo pa miss na miss
"sa linggo po pa, kakabili lang ni cheol ng tickets papunta jan," sabi ko mukang natuwa si papa sa narinig nya dahilan para mapataas ang boses nya
"talaga anak? salamat naman makikita ko na kayo ulit ng asawa mo, kamusta kayong dalawa?" tanong ni papa napatingin ako kay cheol
"ayos lang po kami dito ng asawa ko," sabi ko kay papa
"ah ganun ba, mag-ingat kayo palagi ha, hihintayin namin kayo dito," sabi ni papa napangiti ako
"opo pa, pupunta kami jan pangako," sabi ko
"sige nak bibigay ko na kay mama mo malapit na matapos tong pinapanood ko e," sabi ni papa, napatawa akong bahagya, si papa talaga
"oh anak, rinig kong sa linggo pupunta kayo dito, naku makikita ko na din kayo, sino bang kasama nyo?" tanong ni mama
"ah kaming lahat po" sabi ko kay mama
"ah edi madami pala kayo, saan kayo tutuloy?" tanong ulit ni mama
"sa may hotel malapit sa beach ma," sabi ko,
"ah ganun ba sige anak, hihintayin namin kayo dito ha, sige na nak may gagawin pa ako e, mag-ingat kayo sa byahe, i love you nak," sabi ni mama, napangiti ako
"i love you too ma," sabi ko saka binaba na ni mama ang tawag, namiss ko amg paguusap namin na ganon hindi sa phone kundi sa personal, hayaan mo malapit na kaming pumunta doon, makikita ko na din sila muli.
"sakin walang i love you?" tanong ni cheol na nakapout, aww maharteu
"naku ang honey ko i love you too," sabi ko napangiti sya,
Matagal ko ng gustong pumasyal don saamin kaso walang oras, may asawa na ako kaya dapat pagsilbihan ko sya bilang asawa nya, ganun naman talaga gawain ng mga may asawa hindi ba? Pero nung sinabi ni cheol na papasyal kami saamin, sobra sobra ang tuwa ko, sa wakas makikita ko nadin ulit ang pamilya kong matagal ko ding hindi nakita...
YOU ARE READING
A Future With Seventeen
Fanfiction"Ano may bagong giyera nanaman ba?" - Y/n Choi Living with Seventeen for the others feels like you're in heaven. Well, it's true sometimes. Let's just say they're so fun. At the moment, your stomach will burst out just because of BooSeokSoon's joke...