"huy mare baket naghahabulan kayo?" tanong ko sakanya na hingal na hingal
"bwisit na yon, di ko alam kung asawa ba talaga turing nya sakin o aso eh yawang yon," sabi ni mare napailing nalang ako
"ano bang ginawa?" tanong ko ulit, dinampot nya ung stick na may marshmallow at pinakita sakin
"susubuan ba naman ako ng may buhangin baliw na ba sya," pagpapaliwanag nya, tinignan ko si jeonghan na nakangising pandemonyo, nako naman kalokohan mo jeonghan
"kaya naman pala eh," bulong ko nalang saka sumandal sa upuan
"aish nakakainis talaga!" sabi nya pa napangisi nalang ako
Ganyan talaga yan si jeonghan maski asawa nya pinagtitripan nya, ganyan sya kabored sa buhay kaya kahit mapatay na sya ng asawa nya mang-titrip padin sya, ewan ko ba araw-araw sigurong binubulungan ni satanas na gumawa ng kademonyohan, baka ganon?
"ano bang gagawin natin dito?" tanong ng asawa ni minghao
"ewan ko din sa kanila," sagot ko
"magtititigan lang tayo hanggang sa may matunaw," pagpipilosopo ni woozi, napatingin kami sakanya ng masama
"seryoso ang tinatanong ko," sabi ng asawa ni minghao, napapeace sign nalang si woozi, pinapaandaran nanaman sya ni woozi ng pagkapilosopo, bored nadin siguro toh sa buhay?
"eto na nga," sabi ni seungkwan na may dalang mga marshmallow at naupo sa tabi ng asawa nya
"ano nga kasi yon," bagot na sagot ng asawa nya
"may nakwento sakin ung mama ni y/n," pagkukwento nya, naku ano nanaman kaya yon si mama talaga
"ano yon!" pasigaw na tanong ko, napatawa nalang si seungkwan sa muka ko
"sigaw ka jan y/n? wag kang mag-alala hindi ung kahindig-hindig mong nakaraan ung kinuwento sakin ng mama mo noh," sabi ni seungkwan, naginhawaan ako
"sabihin mo na kase," sabi ni woozi
"eto na nga diba, may amusement park daw don sa kabilang baryo, madami daw dong dumadayo," pagkukwento nya, naalala ko nung paalis na kami may inaayos don sa amusement park baka bukas na ulet, tagal ko ding hindi nakapunta doon noh
"oo nga nasabi din yan ng kapatid ko saken, balak ko deng pumunta don, sinong sasama?" aya ko, napatingin sila sakin
"sasama kame noh," sabay-sabay na sabi nila, naku mukang mapupuno ung amusement park bukas
"alright, bukas mga 1pm dapat nakaready na kayo ha, ung mga mahihina ang loob na sumakay sa roller coaster jan baka naman," pagpaparinig ko, napa-ehem ehem nalang sila dk at mingyu alam na alam nila kung sino tinutukoy ko haha
"sinong mahina ang loob? sino?" pagmamatapang tapangan nilang dalawa napatawa nalang ako
"oo na sige ayos na mamaya umiyak pa ang dalawang baby," pangaasar ko, napatingin silang dalawa sakin
"YAH! Y/N, I'M NOT BABY," sagot ni dk, tumango tango nalang ako
"oo na nga eh, sige wag ng magagalit basta bukas ha," pagpapaalala kong ulit
"wala na bang ibang announcement jan?" tanong ni seungkwan, nanahimik ang paligid
"silence means yes, so okay as y/n said--," naputol ang sasabihin ni seungkwan ng punuin ni minghao ng marshmallow ang bibig nya, loko talaga
"shut up boo seungkwan ," sabi ni minghao habang nakangisi
"sige matulog na tayo, see you all tomorrow," sabi ng asawa ni jeonghan
"magkakatabi lang naman room naten mahal ano kaba," sabi ni jeonghan sakanya
"heh manahimik ka, di padin tayo bati!" pagsusungit sakanya ng asawa nya, saka naunang naglakad pabalik sa hotel
"yah mahal naman, sorry na nga eh," sabi ni jeonghan saka hinabol ang asawa nya
"goodnight everyone," bati sakanila ni cheol, naglakad na sila pabalik sa hotel ganun din kami ni cheol para matulog at magsave ng energy para bukas,
Halo-halo ang nararamdaman ko ngayong araw, nakita ko na ulit ang pamilya ko, nakabalik na ako sa probinsya ko kasama ang mga toh, nakapagswimming, at bukas mag-aamusement park pa, palagay ko ang buong linggo namin dito mapupuno ng saya, ngayong araw pa nga lang ansaya-saya na sa susunod na araw pa kaya? well let's see, but at this time goodnight nalang muna, see you tomorrow!!
YOU ARE READING
A Future With Seventeen
Fanfiction"Ano may bagong giyera nanaman ba?" - Y/n Choi Living with Seventeen for the others feels like you're in heaven. Well, it's true sometimes. Let's just say they're so fun. At the moment, your stomach will burst out just because of BooSeokSoon's joke...