CHAPTER 23

410 12 0
                                    

MARRYING MY EX PERVERT ASSISTANT

Dedicated to: Raine, Lyka Presentacion De Leon  and Mary Joy Cabudbud

CHAPTER 23

Aitana/Abry's POV

"MOM!" napapitlag ako matapos madinig ang sigaw ng anak ko. Ano ba naman tong bata na 'to nanggugulat!

"Aeythan Dred! Bakit ba nanggugulat ka dyan?" tanong ko sa kanya, yugyugin at sumigaw ba naman sa harap ko. Buti at hindi ako nabingi.

"You're not listening kasi eh.." napakamot sya sa ulo.

Napabuntong-hininga naman ako, hindi ko kasi maiwasang hindi matulala kapag naalala ko yung nakita ko kagabi. Para kasing totoo eh. Parang totoong nakita ko talaga siya.

"I'm sorry.. It just that.." wala na akong maisunod sa paliwanag ko. Hindi ko kayang sabihin sa anak ko ang nakita ko kagabi.

"Are you okay?" napukunot ang noo ko matapos sabay-sabay na sabihin iyon ni kuya, Tabs at Sutton. Oo kasama siya sumunod sila kahapon ni Sha-Sha.

"Guys.." mahihimigan ang pag-pigil sa boses ni Sha-Sha.

"O-ofcourse i'm okay. Kayo talaga.. Let's just enjoy our vacation, hmm? Let's go over there, 'nak?" aya ko kay Aeydi papunta sa dalampasigan. Masaya naman niyang inabot ang kamay ko.

"Mama.. How much do you love papa?" nagulat ako nang bigla niya iyong itanong.

"Bakit mo naman naitanong 'yan?" tanong ko sa kaniya.

"Kasi.. you can wait.. you don't care about how long you wait for the person, ma.." i smiled bitterly and sighed.

"Ikaw ba, anak? Bakit mo hihintayin ang isang tao ng matagal?" balik kong tanong sa kanya. Mukha naman syang napaisip kaya bahagya akong napatawa.

"Because the person is important?" patanong niyang sabi.

I chuckled. "Oh 'di ba haha sinagot mo yung sarili mong tanong." sabi ko.

"But ma.." napatingin naman ako sa kanya.

"Hmm?" tanong ko at iniakbay sa balikat nya ang braso ko habang naglalakad lakad kami sa dalampasigan.

"How can you be like that?" napakunot ang noo ko sa tanong niya.

"What do you mean by that?" kunot noo'ng ko.

"How can you be so good at pretending?" nagulat naman ako sa tanong niyang iyon.

"Ikaw talaga.. Bakit ba nagiging matanong ka na ngayong bata ka?" ginulo ko ang buhok nya. Sumimangot naman sya sa akin.

"Ma! Not my hair!" tumawa ako matapos makita ang nakasimangot niyang mukha.

Kamukhang kamukha ng gag* ang anak ko. Sabagay tatay niya 'yon, matakot kayo kapag si Sutton ang kamukha niyan HAHAHA.

"You're growing so fast, baby.." niyakap ko ng mahigpit ang anak ko. Naramdaman ko naman ang pagganti niya sa yakap.

"I'm not a baby anymore, mama." sabi nya kaya mas lalo akong natawa at hindi na napigilan pang panggigilan ang pisngi ng anak ko.

"Mashaket mama!" napatawa ako ng malakas habang tinitignan ang mukha ng anak ko. Ang taba taba kasi ng pisngi idagdag mo pa na mamula-mula Ito dahil sa pagkakakurot ko.

"Okay i'll stop na. You're so cute HAHAHA." natatawang sabi ko.

"Mama i have a question and you should answer." seryosong sabi nya.

"Ano naman 'yon?" tanong ko.

"How much do you love my dad?" ngumiti ako at huminto sa paglalakad para sagutin ang tanong nya.

"How much i love your dad? Hmm.. Mahal ko ang papa na umabot na sa ayaw ko ng paniwalaan ang katotohanan. I love your dad that I can do everything for him.. I love him with all my heart even it hurts a lot, Aeydi." ngumiti ako sa kaniya pagkatapos kong magsalita.

"Then why don't you just forget him kung sinasaktan ka lang niya?" tanong ulit niya.

"Because love is not love if there is no pain, Aeydi. You can't be happy without pain. Pain is always there. You can't avoid that. All you need to do is to take the risk." paliwanag ko sa anak ko.

"What if masaktan ka ng paulit-ulit?" tanong nanaman nya. Hindi ba napapagod ang batang ito kakatanong? Well on the other side nakakatalino daw ang pagiging curious pero hindi naman ba nasobrahan ang anak ko?

"Aeydi.. If you really love the person you wouldn't mind what kind of pain is waiting for you.. You will take the risk para sa tao'ng mahal mo. Mahal mo nga 'di ba? In my case, i'm in the state of being martry and marupok kaya kaya ko pa." tumawa ako pagkatapos.

Sino ba namang hindi magiging martyr at marupok kapag hulog na hulog ka na at hindi ka na makaahon tapos iniwan ka pa nung tao'ng dahilan kung bakit ka nalunod.

"So, mahal mo si papa?" tanong niya.

"Oo naman, mahal na mahal ko kaya ang papa mo." nakangiting sabi ko.

"Eh ako mama? Love mo ako?" tanong nya.

"Oo naman! Mas mahal pa kita sa tatay mong abno." hinawakan ko ang mukha niya at pinupog siya ng halik sa buo niyang mukha.

"Tara doon, ma! Ang ganda ng mga teddy bears oh!" sabi nya sabay turo sa isang bilihan ng souvenirs. Wala akong nagawa kundi hayaan siyang dalhin ako sa tindahan.

"Hi, ma'am bibili po ba kayo?" tanong ng tindera sa amin.

"Pili ka na, 'nak." sabi ko, nagtitingin din ako para makabili din ng para sa akin.

"Kukunin ko na yung isang malaking blue na teddy bear, ate. Pakisama yung sa anak ko." sabi ko sabay abot ng bayad sa tindera.

"Thank you, mom!" sabi nya sabay yakap sa katamtamang laki ng teddy bear.

"You're always welcome-- Aeythan!" naisigaw ko ang pangalan ng anak ko dahil tumakbo siya at nabangga sa isang lalaki.

Gulat ako sa nangyari pero mas gulat ako sa nakikita ko ngayon. Nakatitig ako sa lalaking tumulong sa anak kong tumayo. Kitang kita ko ang gulat sa mata ng anak ko pero mas lamang ang saya at excited sa mata nya habang nakatingin sa lalaking tumulong sa kanya.

Hindi ko na napigilan pa ang sarili kong mapaiyak.

"Desh..."

To be continued.....

_________

Oh myyy!🙀 What's going on?

Chapter 24?

Book 2:Marrying My Ex Pervert Assistant✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon