MARRYING MY EX PERVERT ASSISTANT
CHAPTER 30
Aitana/Abry's POV
"No. Next please." sabi ni Desh sabay senyas sa designer na palitan ang wedding dress na suot suot ko. Pumipili kasi kami ngayon ng gown na susuotin ko para sa kasal namin. Hindi ko maiwasang maexcite sa katotohanang ikakasal na kami ni Desh. Kumpleto na ako, nandiyan ang mga anak ko, sila kuya at shempre mawawala pa ba ang abnormal na fiancee ko.
Pero lahat ng excitement sa katawan ko nawawala kapag pinagpapalit ako ni Desh na gown na napipili ko, ang dahilan?
"No, that's too much revealing." ayan lang naman ang sinasabi niya kapag ayaw niya ang damit na napipili ko. Jusme naman kasi napakaliit na deperensya non pero hinahayaan ko na lang mahal ko eh.
"Desh! Wala ka pa bang mapili? Dapat nga ako ang namimili eh! Di naman ikaw mag-susuot eh!" i pouted after saying that. I heard him chuckled. He lifted up my chin.
"I'm sorry.. Ayoko lang naman na may ibang makakakita niyan. Ako lang dapat. Ako lang. I love you." sabi niya. Wala na talaga isang i love you lang lusaw na galit ko.
"I love you too." i kissed him on his cheeks.
"Sige na. Last na, try that one." sabi niya at tinuro ang isang wedding dress. Napangiti naman ako matapos makita ang dress.
"I'll take that." nakangiting sabi ko sa designer.
"Sure, ma'am. I'm sure it will look good on you. Would you like to try it on?" tanong niya. Umiling naman ako.
"No. I want to wear it exactly on my wedding." sabi ko sa kaniya. Nakangiting tumango naman siya at umalis na. Nadinig ko naman si Desh.
"Hindi ka pa ba tapos, babe?" tanong niya kaya lumabas na ako sa fitting room at nagtatakang mukha ni Desh ang sumalubong sa akin.
"Hindi mo pa sinusukat?" tanong niya. Lumapit ako sa kaniya at isinukbit ang kamay ko sa braso niya bago umiling.
"No. Let's go." sabi ko.
"Pero yung--" pinutol ko na ang sasabihin niya.
"It's all settled, hmm? Let's go?" aya ko pa sa kaniya. Excited niya naman akong tinignan.
"Saan? Honeymoon? Let's go then." binatukan ko naman siya dahil kung ano ano nanaman ang nasa utak niya.
"Babe naman! Bakit ka ba nambabatok?!" reklamo niya habang hawak ang part na binatukan ko.
"Huwag ka ng magreklamo kasalanan mo naman 'yan." inirapan ko naman siya. Naglalambing na niyakap niya naman ako.
"Sige na... Hindi naman masama kung uunahin na natin ang honeymoon, 'di ba?" sabi pa niya at kumindat pa ang loko.
"Ayoko! Tigilan mo ako! Isusumbong kita kay kuya!" mabilis kong tinanggal ang yakap niya at nagpatiuna sa paglalakad.
"Babe! 'Wag kang ganyan babe! Babe!" sigaw pa niya.
"Tse!"
"SIGURADO KA NA BA, HIJA?" muling tanong ng daddy ni Desh sa akin. Nasa isang sikat na restaurant kami kasama ang parehong pamilya namin ni Desh. Gusto daw kasing makilala ni Daddy ang parents ni Desh.
At habang kumain kami ay panay ang tanong ng parents ni Desh kung sigurado daw ba ako o baka daw pinikot lang ako ng anak nila. Nakakatuwang madaling maka-close ang mga magulang ni Desh.
"Dad!" angil ni Desh sa ama. Natatawang hinawakan ko naman ang kamay niya sa ilalim ng lamesa.
"What? I'm just asking her. Baka mamaya ay ginayuma mo lang si Abry." natatawang sabi ni daddy. Daddy at mommy na ang tawag ko dahil sabi nila ay doon din daw naman ang punta non kaya pumayag na lang ako.
"Baka nga kamo itong si Desh ang napikot ng anak ko, balae." natatawang sabi naman ni daddy.
"Daddy!" angil ko din. Nagtawanan naman ang mga matatanda.
"Hon, balae 'wag niyo ng lokohin ang mga bata. Kayo talaga pero hija hindi ka ba talaga napikot nitong si Desh?" natawa naman ako dahil pati si mommy na ina ni Desh ay nakikisali.
"Mom.. Hindi ko siya pinikot at mas lalong hindi ko siya ginayuma! She fell inlove with me because of my charms!" inis na sabi ni Desh. Napatawa naman ako sa reaction niya. Hahaha nakakatawa ang itsura niya.
"Ginayuma po yata talaga ako ng anak niyo. Tignan niyo naman, hinalikan lang ako-- nagkaroon na ng Aeythan!" natatawang sabi ko. Nakitawa din naman sila. Napansin ko namang nakangisi ang loko sa gilid ko.
Kinurot ko naman siya sa hita kaya nawala ang ngisi niya at tinignan ako ng masama. Pinanlakihan ko naman siya ng mata. Natatawang lumapit siya sa may bandang tainga ko. He chuckled that gives electricity on my nerves.
"I'm planning to make your period stop for 9 months again. So be ready, baby." nanlaki naman ang mata ko sa sinabi niya. Hinampas ko ang braso niya habang siya ay tawa nang tawa. Inapakan ko ang paa niya sa ilalim ng table para matigil siya.
"Aray!-- What the--" tinaasan ko siya ng kilay ng akmang magmumura siya.
Marami kaming pinag-usapan habang nasa hapag katulad na lamang kung ano-ano ang mga ginagawa ni Desh noon. Nalaman ko din na kung saan ako nag-aaral noon ay doon din siya nageenroll. Ang sabi pa ng mommy niya ay ginagawa lang daw na dahilan ni Desh si Aries para makita ako.
Nakita niya pa nga daw ang gallery ng cellphone ni Desh na puno ng stolen shot pictures ko noong high school pa lang ako. Ka-edad kasi ni Desh si kuya kaya si kuya ang palusot niya para makita ako. Nalaman ko ding siya si Jumbo na palaging nang-aaway sa mga manliligaw ko noon. Nagulat pa nga ako noong una pero kalaunan ay natawa nang makitang namumula si Desh.
"Napagod ka ba?" tanong ni Desh habang sinusuklay ang buhok ko. Nasa kwarto na kami ngayon at nakahiga ako sa braso niya habang siya ay nakatagilid at sinusuklay ang buhok ko.
"No. That was fun." i smiled and put my left arm around his waist. Ang bango talaga ni Desh. Ano kayang pabango niya? Bibilhin ko para hindi na ako nagpapakahirap amuyin sa damit niya.
"You always smells like strawberries." sabi niya at naramdaman ko ang paghalik niya sa leeg ko.
"That's the flavor of my soap." sabi ko. Napatango-tango naman siya habang binibigyan ako ng maliliit na halik sa leeg.
Natatawang tinulak ko naman siya pero agad ding bumalik at isiniksik ang sarili sa leeg ko."Aitana.." tawag niya.
"Hmm?" sabi ko. Ramdam na ramdam ko ang hininga niya sa leeg ko na magbibigay init sa katawan ko.
"Hindi naman siguro masama kung mauuna ang honeymoon sa kasal, 'di ba?"
To be continued....
_______
Epilogue na ang nexttt
Sorry for making you wait. Busy talaga ako sa pag-aaral sana kayo din, mwah!
Btw, sino ang gusto niyong isunod ko? Sutton story or Tabs?
BINABASA MO ANG
Book 2:Marrying My Ex Pervert Assistant✔️
Ficção GeralDoes four years healing Aitana's wound would be enough to make her face the father of her son, his one and only dearest monster? Magkakaroon na ba sya ng happy ending sa pagkakataong ito? Book 2 of He's My Pervert Assistant