Chapter 3 - Kiss

468 18 0
                                    

Kiss

Megan's

Nanginginig akong lumabas ng CR. Napakalamig talaga sa office. Tiningnan ko ang orasan ko at 10pm na pala.







Nagcr muna ako saglit dahil nilalamig na ako sa lobby kakahintay kay Colin. Ihahatid niya raw kasi ako. Baka maging dragon na naman eh.








Oo, Colin na ang tawag ko sa koya niyo. Gumaan ang loob ko nang makilala ko siya lalo. Binigyan niya na rin ako ng exclusive chenes para kapag lunch ko na, ay aakyat na lang ako sa elevator ng mga mayayaman.








Mas mabilis kasi yon kesa yung employees' elevator. Need na may kasabay pa dapat. Unlike sa elevator nila Colin, kahit mag isa ka lang ay pwede plus ang bilis pa.








Bumalik ulit ako sa puwesto ko sa lobby. Mangilan ngilan na lang ang mga tao roon. Nagsipag uwian na kasi lahat. Lumusong sa baha yung iba. Samantalang kaming mga natira rito eh wala namang magarang sasakyan na kayang lusungin yung baha.






Di rin ako makauwi kasi malakas ang ulan kaninang 6pm pa raw sabi sa chismis.




Kaya need ko ng libreng sakay kay Colin. Masaya siyang kasama. Siguro ang away ko lang sa kanya sy yung mabilis siyang mainis sa ibang employees pag ini-interrupt kaming maglunch or kaya pag may gusto siyang gawin tapos irerefuse mo siya.








Di ko naman siya mapagsabihan kasi wala naman ako sa lugar. Employee lang din ako. Pinapayuhan ko na lang siya bilang kaibigan.







"Ang tagal naman ni Colingot." Ang lamig talaga. Kinakabahan na ako kasi for sure baha na sa daan pauwi sa amin.






Habang hinihintay ko pa rin siya, tinawagan ko muna si mama at nagpaalam na baka di ako makauwi at magstay na lang sa apartment ng kaibigan ko. Papahatid na lang kaya ako kila Tessa? Malapit lang apartment nun dito eh.








Pinaliwanag nga ni mama na baha na raw sa mga daanan samin at malabo na akong makauwi pa ngayon. Tinapos ko na ang tawag baka malowbat ako.







Naaantok na ako. Iidlip sana ako nang makarinig ako ng mga paang tumatakbo. Napalingon ako at nakita ko ang guards ni Colin.







"Search for her at every corner of this building." At sabay sabay na silang naghiwa hiwalay. Ano kayang meron. Itinakip ko pa sa mukha ko ang hoodie sweater ko at saka pumikit para umidlip.








Wala pang ilang minuto nang makarinig ako ng sigaw.









"FUCK! WHERE IS FUCKING MEGAN? YOU FUCKING USELESS MORONS! SEARCH FOR HER!" Galit na galit na dumagundong ang boses na pamilyar sa akin.









Nagising bigla ang diwa ko. Inalis ko ang hoodie ko na nakatakip mukha ko at saka tumayo. Nakita ko si Colin.










"Colin-- ano-- sir Colin! I am here!" Sabay kaway ko sa kanya at nakangiti pa. Finally!








Dahan dahan siyang napalingon at nanlalaki ang mga mata. Mabilis siyang naglakad palapit sa akin. Huminto siya sa harapan ko.









"Sir, sorry nandito lang po ako nagwewait sa inyo. Di po yata ako napansin ng guards niyo kasi nakatakip po ang mukha ko. Sir, okay lang po ba kayo?" Nakatayo lang siya at hindi nagsasalita.









The Rich Man's World (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon