WARNING: THIS CHAPTER CONTAINS WITH ADULT LANGUAGE AND CONTENT. IT IS NOT SUITABLE FOR ANYONE UNDER THE AGE OF 18 AND MAY NOT BE SUITABLE FOR OTHER ADULT READERS. READ AT YOUR OWN DISCRETION.
-----------------------------------------------------Challenges
Megan's
Ilang linggo na ang nakakalipas pero hindi pa rin ako kinakausap ng maayos ni mama. Hindi ko na rin nakakausap o nakikita si Colin pero nararamdaman kong nagbabantay pa rin sa akin ang mga guard niya.
Sinubukan ko siyang dalawin sa condo niya but no one has even responded.
He said he will figure out something. And that I need to patiently wait. Pero hanggang kailan? Nakakalungkot pero aasa ako. He promised. I will hold on to him.
Matapos ang insidenteng iyon ay bumalik ako sa trabaho na parang walang nangyari. Sinusubukan kong kausapin si mama pero siya na ang umiiwas.
Pupunta siya kila Ninong Ariana kapag umuuwi ako at doon siya mamamalagi hanggang sa makatulog ako. Paggising ko, siya naman ang tulog pero may nakahanda nang mga damit, pagkain, at baon para sa pagpasok ko. Ganun din pag day offs.
At hindi ko pati maintindihan ang sarili ko. Minsan sobrang sakit ng ulo ko nung kumain ako ng pork humba kaya biglang akong nasuka. Ang pangit ng timpla. Pero si mama naman ang nagluto.
Nararamdaman ko ring nawawalan ako ng ganang kumilos at gusto ko na lang mahiga at matulog kaya nahihirapan akong kausapin si mama.
Madalas na rin akong magsuka. Medyo inaayawan ko na yung mga dating pagkain na favorite ko. Ganito yata talaga ang epekto ng stress sa panlasa.
Lagi akong antok at mabigat ang pakiramdam pag nasa trabaho. Naissuehan nga ako ng report of violation dahil nakaidlip ako pero hindi nagtagal ay dinismiss din nila kaagad.
Mabilis na rin akong mairita at magutom at laging humihilab ang tiyan ko. Baka stress nga ito. Nakakapuyatan ko kasi minsan ang pag-ooverthink.
Day off ko ngayon at kaninang umaga pa ako lumalamon. Ganito ang ginagawa ko araw araw. No wonder tumaba raw ako.
Nakakatamad nang kumilos. Nanood lang ako ng tv nang makita kong pumasok si mama at may dala dalang pagkain.
Pumunta sa kusina si mama at sumunod ako. Di kami nag uusap pero inaasikaso niya pa rin ako. Binuksan niya ang lalagyanan ng pizza.
Wow! Favorite kong Hawaiian pizza. Umupo siya sa kabilang upuan saka kumuha ng slice ng pizza at kumain.
![](https://img.wattpad.com/cover/104942733-288-k400164.jpg)
BINABASA MO ANG
The Rich Man's World (Completed)
RomanceREAD! AT! YOUR! OWN! RISK! Hindi inaasahan ni Megan na mahihirapan silang mag-ina na iraos ang pag-aaral niya. Mabuti at nakahanap siya ng trabaho. Ngunit laking hiya niya nang mahuli siya nang boss niyang umiiyak sa pantry dahil sa halu-halong emo...