Status
Megan's
Nakatungo ako sa mesa sa pantry namin. Lunch ko ngayon pero pinili kong matulog. Wala akong ganang kumain.
I feel so down, and emotional lately.Yung dating lakas kong kumain, ngayon naman ay lagi na akong walang gana.
Sa bahay lang ako malakas kumain dahil inaalagaan ako ni mama after ng... Napabuntong hininga na lang ako.
Chineck ko ang phone ko..Nagulat ako nang napadaan ako sa messages ko.
Nagsimula na namang magtubig ang mga mata ko. Ang sakit sakit pa rin. At age of nineteen years old, I started working. Medyo nahirapan na kaming ipush ang pag aaral ko.
Yumuko na lang ako at tahimik na humikbi sa sulok.
"Uh, miss, are you okay?" Napatingala ako ng may nagsalita. Nanlalaki ang mga mata ko. Napatayo ako agad.
"Boss, sorry po. Lunch ko po." Nakayuko kong sabi habang pinapahid ang mga luha ko sa aking mga mata saka bumalik ang tingin ko sa kanya.
"Are you okay, uhmm, your name? I saw you crying." May bahid ng pag-aalala sa boses niya.
"Sir, Megan po. Yes boss. Okay na okay po. Salamat sa concern." Pilit kong ngiti habang namimilipit pa rin sa sakit ang puso ko.
"I am still worried. I am gonna check on you later, okay? My employee's health is always first." Pangungumbinsi niya.
"Yes, sir. I will do my best to overcome my problems po. Thank you." Tumango lang siya at saka umalis kasama ang mga guards niya. Napaupo naman ako.
Siya ang may-ari ng kompanya na pinagtatrabahuan ko pansamantala habang nag-iipon pang-aral. Kakastart ko pa lang two months ago.
Lumipas ang ilang linggo after akong makita ng boss kong nasa pinaka down na sitwasyon. Pagkatapos non, araw araw niya na akong kinakamusta.
May isang guard siyang iniiwan para magbantay sa akin.
Laging may nagbabantay sa akin at lagi pa rin siyang pumupunta sa station ko para icheck kung okay na ako. Ang pakialamero niya.
Pinagtsitsinmisan na kami. Nagiging gold digger ako sa paningin nila na ikinainis ko.
Kinapalan ko na ang mukha ko nang dumalaw siya last week at sinabi ko sa kanya na wala naman siyang dapat ikabahala dahil wala naman akong gagawin sa sarili ko.
Naoffend ko yata siya. Simula noon, hindi ko na siya nakita pa. Naguilty ako. Nag alala lang naman siya. Imbis na kabutihan ang ipalit ko, naging rude pa ako.
llang araw din ang lumpias hanggang sa nakita ko ulit siya kasama ang guards niya. Nag-alcohol at nagpabango ako saka ko inayos ang sarili ko.
Ito ang gusto niyang makita sa akin. Magsosorry ako.
Lakad takbo ang ginawa ko para habulin sila. Ay, bumalik ako sa station ko at dinala ang baunan ko. Maglalunch na rin kasi ako.
"Sir! sir!" Pahabol kong sigaw. Huminto naman sila. Hinarang ako ng ibang guards saka lumingon siya sa gawi ko.
"It's okay. Let her be." Inalis nila ang pagkakaharang sa akin. Dahan dahan akong lumapit sa kanya. Nakatingin ako sa mga mata niya. He has this hazelnut eye color.
BINABASA MO ANG
The Rich Man's World (Completed)
RomanceREAD! AT! YOUR! OWN! RISK! Hindi inaasahan ni Megan na mahihirapan silang mag-ina na iraos ang pag-aaral niya. Mabuti at nakahanap siya ng trabaho. Ngunit laking hiya niya nang mahuli siya nang boss niyang umiiyak sa pantry dahil sa halu-halong emo...