Pregnancy
Author's
Time flies so fast. Bumisita sila ulit sa clinic ni Alesana. Medyo halata na ang baby bump ni Megan. She is five months pregnant. Sinamahan siya ni Colin. Healthy daw ang baby. Sinabi nila kay Alesana na huwag munang sabihin ang gender. Pagkapanganak na lang para surprise.
Lagi nang sumasama si Colin at nasa tabi ni Megan na handang tumulong lalo na noong nagspotting siya. She reached her 8th week of pregnancy nang duguin siya. She did not know what to do. Nagluto lang naman siya dahil wala na siyang ginawa sa mansiyon kundi mahiga at matulog.
Mabibilis na kumilos ang mga guards na iniwan sa kanya ni Colin pati ang maids saka siya dinala sa sasakyan para puntahan sa ospital si Alesana. Tahimik lang siyang umiiyak at nagdadasal na sana okay ang baby niya.
Alam ng mga tao sa paligid niya ang gagawin nila. Inorient kasi sila ni Alesana sa possible events na mangyayari kasi di naman maiiwasang maging busy ang mga tao sa paligid ni Megan.
Si Rudy ang nagdrive, may apat na maids siyang kasama at may mga gamit din sila. Tinawagan nila ang lahat: si mama Alexa ni Megan, si Colin at ang parents niya pati si Alesana about sa nangyari sa kay Megan.
Kararating lang nila Megan sa ospital pero nandoon na ang lahat nang tinawagan at alalang alala sa kanya.
Buti hindi masyadong malala ang nangyari at normal lang iyon. Alive and breathing pa rin naman ang baby. Pinagalitan naman ni Colin ang mga katulong na hindi pumigil kay Megan sa pagluluto. Pero inawat ni Megan si Colin at nagpaliwanag na siya ang may gusto noon.
Napatingin si Colin sa nanay ni Megan at kitang kita ang pag aalala at panghuhusga sa mga mata niya. Kaya gusto ni Colin na hindi kumilos masyado si Megan dahil dito. Iispin ng nanay ni Megan na pabaya siyang kasintahan. Buti naikwento niya kay Alesana ang sitwasyon kaya binigyan ng doktora ng assurance ang pamilya.
Simula noon, lagi nang half day ang pasok ni Colin. May isang maid or guard ang laging kasa kasama ni Megan kahit pagligo. Lagi nilang tinatawagan si Colin oras oras para sa update kahit walang ginagawa si Megan.
She restrained herself from doing anything reckless again. Ang sinusunod niya lang ay ang mga payo ni Alesana. Ang paglalakad sa umaga, pag yoga exercise, pagtulog on time at pati mga pagkain ay galing lahat kay Alesana.
Bonus part na lang ang sex. Ginagawa pa rin nila Megan at Colin iyon. Pero mas maingat at mas mabagal para safe ang baby.
Sa loob ng five months ay wala siyang cravings sa pagkain kundi sa sex lang. Kaya tuwang tuwa si Colin sa balita na iyon.
Six months. Last month niya na sa mansiyon. Dumalaw si Polly para tingnan ang kalagayan niya pati na rin ang mga magulang ni Colin. Excited ang lahat sa kanilang unang apo/pamangkin. Kavideo call naman ni Megan ang mama Alexa niya araw araw dahil nga wala siyang ginagawa.
Nahirapan na siyang maggalaw galaw dahil lumalaki na talaga ang tiyan niya at bumibigat na rin. Lumalakas lalo ang kain niya at madali na siyang magutom.
Pero kasama niya pa rin si Colin. Hindi siya pinababayaan ni Colin. Makita lang ng mga nagbabantay sa kanya na namimilipit siya or may something weird na face expression siya ay itatawag nila kay Colin at uuwi ang lalaki agad.
![](https://img.wattpad.com/cover/104942733-288-k400164.jpg)
BINABASA MO ANG
The Rich Man's World (Completed)
RomanceREAD! AT! YOUR! OWN! RISK! Hindi inaasahan ni Megan na mahihirapan silang mag-ina na iraos ang pag-aaral niya. Mabuti at nakahanap siya ng trabaho. Ngunit laking hiya niya nang mahuli siya nang boss niyang umiiyak sa pantry dahil sa halu-halong emo...