MAXIMOR MOON
"GOOD MORNING," nakangiting bati ng aking asawa nang madatnan niya kami ni Dirk sa patio at nagkakape. Naglalakad siya papalapit sa gawi namin habang inaayos ang buhok niyang naipit sa kwelyo ng kaniyang coat.
Ngumiti ako. "Mas maganda ka pa sa umaga, Maze Moon. Ang totoo ay walang umagang hihigit sa 'yong ganda."
Nawala ang ngiti niya nang dumapo ang paningin sa akin, at sa halip na matuwa ay seryoso siyang bumaling kay Dirk. "Are you busy, Dirk?"
Pumait ang mukha ko, napahiya, at sumimsim na lang muli sa aking tasa ng kape. Mukhang hindi maganda ang gising ng aking asawa. Bagaman, natural na ang mataray niyang ugali at itsura, isa sa mga minahal ko sa kaniya.
"Yeah, I'm not doing anything," sagot ni Dirk.
Napalingon ako sa kaniya. "You are drinking coffee with me at this very moment," sabi ko sabay turo kay Dirk. Ngunit sinulyapan lang ako ng aking kanang-kamay.
"My dad is busy, please, drive me," tugon din ng aking asawa. Nag-usap sila na para bang hindi nila ako nakikita.
Muli akong ngumiti nang maupo si Maze sa tabi ko at hinawi ang ilang hibla ng buhok papunta sa likod ng kaniyang tainga. Bago dumapo ang labi ko sa parte ng tasa ay napatitig na ako sa perpekto niyang panga at mamula-mulang pisngi. Pinanood ko ang pinong kilos niya, na isa rin sa paborito kong nakikita.
Elegante at sopistikada si Maze Moon, siya ang pinakamahal na babae sa paningin ko. Hanggang ngayon ay iniisip ko kung ano ba ang nakita niya sa akin at hindi na talaga siya tumingin sa iba pang lalaki. Napakaswerte kong ako lang ang nagustuhan, minahal at nakatuluyan ng babaeng ito.
Sa t'wing tinititigan ko siya nang ganito, napapaisip ako kung may namana ba sa akin ang mga anak ko. Ang pinong kilos at natural na sungit ni Maxwell, ang pagiging masipag at maabilidad ni Maxrill, at ang pagiging workaholic nilang pareho ay namana nila sa ina. Kahit si Maxpein nga na anak ko kay Heurt ay nakuha ang disiplina at pagiging seryoso kay Maze Moon. Nakalulungkot mang isipin ngunit gandang lalaki lang yata ang nakuha ng mga anak ko sa akin.
"What...are you staring at?" 'ayun na agad ang masungit na tinig at itsura ni Maze, nabura ang lahat ng iniisip ko. Gano'n na lang kariin ang pagkakatanong niya, walang pasensya sa akin.
"Sobrang ganda mo, ang hirap alisin sa 'yo ng paningin ko," nakangiting tugon ko, umaasang maaalis ang sungit niya.
Ngunit hindi nagbago ang itsura ni Maze Moon, ang kilay niya ay nakaarko pa ring pataas at wala ni katiting na ngiti sa kaniyang labi.
"I'm just wondering, are you going somewhere?" dagdag ko, muling sinuyod ng tingin ang elegante niyang itsura. "I can drive you, I'm free today." Saka ako ngumisi.
Bumuntong-hininga siya at pairap na inalis ang paningin sa 'kin. "Gusto kong makita ang mga apo ko, nagsasawa ako sa mukha mo."
Namilog ang bibig ko. "Sesanghe..." bulong ko. "Alam kong imposible 'yang sinasabi mo," nakangisi kong sagot. Sumama ang mukha ko sa hagikhik ni Dirk, nang-aasar.
Mas umarko ang kilay ng aking asawa, hudyat na kailangan ko nang manahimik. "May mga kailangan akong itanong sa cheotjae, so, I want to talk to her," pabuntong-hininga niyang sagot.
"About what?"
"None of your business."
Ngumisi ako. "About me, huh?"
Pinagtaasan niya lalo ako ng kilay. "You are so full of yourself, Maximor, mabuti at walang nagmana sa iyo niyan sa mga anak mo."
Sesanghe! Namilog muli ang mga labi ko. Pero ang ugali ko ay hindi man lamang umabot sa kalahati ng ugali ng mga anak ko...
BINABASA MO ANG
M
Historical Fiction#ProjectM II This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as self-harm, physical violence, emotionally triggering materials, death and suicide. Please engage in self-care as you read thi...