MAXSPAUN MOON: PART 5
ECLIPSE...
NAPATITIG muli si Zaydie sa portrait saka binalik ang paningin kay Maxspaun. Sa ganoong kabatang edad niya, hindi niya napigilang humanga. Kanina pa niya narinig ang tungkol do'n ngunit ang kaniyang mga balahibo ay nanatiling nakatindig. Nararamdaman niya lang 'yon sa t'wing matatakot. Pero bakit sa halip na kabahan, bakit tila napuno ng paghanga ang kaniyang kabuoan?
Sa edad nila, hindi pa lubusang naiintindihan ni Zaydie ang tungkol sa eclipse. Ang tanging naiintindihan niya, bawal 'yong tingnan nang deretso. Bukod do'n, may iba't ibang klase ng eclipse at nangyayari karaniwan bawat labing-walong buwan. Napanood niya lang ang tungkol do'n sa TV at hindi sapat ang impormasyong natutunan niya para humanga sa kaharap nang ganito. Nang sandaling 'yon, bigla na lang lumalim ang interes niya tungkol sa eclipse, lalo na sa buwan.
"What kind of moon is your papa, then?" tanong ni Zaydie.
Bumuntong-hininga si Spaun at saka itinuro ang magarbong ilaw. "He's the sun." Saka siya ngumiwi nang makitang mangunot ang noo ni Zaydie.
"Psh. Yeah, right." Hindi naniwala ang malditang bata.
"That's the reason why I turned the lights off, fool. Just like the sun, that luminaire gave us light." Itinuro ni Spaun ang modern spiral designed staircase chandelier. "Light is light, whether it comes from the sun or a flashlight, brat."Bumuntong-hininga si Spaun. "But if you're that interested, there's more to this portrait that you definitely need to see."
Kinuha ni Spaun ang dalawang goggles at sinuot kay Zaydie, saka niya sinuot ang isa pa. Dinampot niya ang portable infrared flashlight at saka itinutok 'yon sa portrait. Sinimulan niya 'yon sa itaas na edge ng portrait at saka marahang ibinaba sa gitna.
Nilingon niya si Zaydie at pinanood itong manlaki ang mga mata nang makitang muli ang mukha nina Maxpein at Deib Lohr. Magkatabi ang tila anino lang na mukha ng mag-asawa at nasa magkabilang gilid nang malinaw namang pagkakapinta kay Spaun.
"I am the son of the moon," mahinang ani Spaun, ang paningin ay nakapako na sa katabi. "Raised by the sun."
Umawang ang labi ni Zaydie at napatitig din sa lalaki. Simpleng mga salita lang naman ang ginamit nito pero tila naging sobrang lalim kaya hindi niya naintindihan ang ibig sabihin. Sa halip, tinuon niya na lang uli ang paningin sa portrait.
"Wow..." hindi napigil ni Zaydie ang humanga. "How can a painter hide three paintings in one?"
"That...I cannot answer." Ngumiwi si Spaun. "I'm not a painter, you can ask my dad."
"Your dad's a great painter."
"Indeed. But would you believe he once had a trouble drawing a microscope?" Muli nang binuksan ni Maxspaun ang ilaw na sabay rin nilang tiningala bago sumulyap sa isa't isa.
Humanga na naman si Zaydie nang makitang muli ang family portrait, lalo pa nang maalala ang meanings nito. "Faces of the Moon," pabuntong-hininga niyang sinabi, hindi naitago ang paghanga. "This is the most amazing painting I've seen."
"I know. My family is amazing. Thank you."
"You know my dad can draw too." May pagmamalaki sa tinig ni Zaydie nang sabihin 'yon.
Nagpatiunang bumaba si Maxspaun at sumulyap kay Zaydie, sa gano'ng paraan sinasabing pumunta na sila sa kusina para kumain.
"And he's a good basketball player," lalo pang nagmalaki ang tinig ni Zaydie. "He can shoot three points, meters away with his eyes closed."
BINABASA MO ANG
M
Historical Fiction#ProjectM II This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as self-harm, physical violence, emotionally triggering materials, death and suicide. Please engage in self-care as you read thi...