MAXSPAUN MOON : PART 7

192K 5K 4.1K
                                    


CHAPTER 12 : MAXSPAUN MOON PART 7

"AUNTIE NAIH?" kinalabit ito ni Maxspaun sa pants.

"Yes, anak?" nakangiti namang niyuko ni Zarnaih ang gwapong bata.

"Can I get another glass of gulaman?"

"Of course! Halika, ikukuha ka ni auntie."

"It's okay, I can do it myself, auntie."

Nabigla man ay napangiti si Naih. "I'm sure you can do it, go ahead." Nakangiti niya itong tinanaw na lumapit sa mesa ng drinks at binantayan na kumuha ng gulaman.

Gustong-gusto ni Maxspaun ang lasa niyon, matamis at malambot ang mga sago at gulaman. Kumaway siya kay Zarnaih nang mapuno ang baso niya. At habang naglalakad pabalik sa mesa kung saan iniwan ang mga magulang niya ay napalingon siya sa malaking bintana.

Dinig niya mula roon ang ingay ng mga kabataan. Hinawi ni Spaun ang may kanipisan ngunit mataas na kurtina. Nakita niya sa labas ang mga kaedaran niyang bata na naglalaro ng habulan at mukhang tuwang-tuwa. May batang lalaki na nagtago sa likuran ng puno, na nasundan ng batang babae. Nagkagulatan ang dalawa dahilan para parehong mahuli ng taya.

Ang isa naman ay naroon sa ilalim ng slides, panay ang silip at inaalam kung nasa'n ang taya. Sa isang maling pagsilip nito, nakita ito ng kalaro at isinama sa mga nahuli.

Napangiti si Spaun, gusto niyang sumali sa mga iyon. Sigurado siyang kapag siya ang nagtago, walang makakikita sa kaniya. At kung siya man ang maging taya, walang nagtatago ang hindi niya makikita.

Gusto niyang maranasang hingalin. Gusto niyang kabahan sa pagtakbo. Gusto niyang matakot mahuli. Gusto niyang maglaro at makipaglaro.

Ang totoo, sumama siya roon dahil narinig niyang malaki ang playground nina Zaydie. Totoo ngang malaki iyon, exciting ang palaruan at mas marami kaysa nabanggit ng kaniyang ina kagabi. Pero wala siyang lakas ng loob maglaro doon. Hindi siya sigurado kung kaya niyang makihalubilo, lalo na ang makipag-usap sa ibang bata. Gusto niya lang talagang makita kung ano ang itsura niyon.

"Spaun, kanina pa kita hinahanap," tinig ni Deib Lohr ang bumasag sa panonood ni Spaun. "What are you doing here?" lumapit ito sa kaniya.

"Kumuha po ako nito, tatay," pinakita ni Spaun ang inumin. "Gusto mo po?"

Nakangiting umiling si Deib Lohr. "Naubos mo 'yong hinandang food sa 'yo ni nanay. Busog ka na ba?"

"Opo." Nilingon ulit ni Spaun ang mga bata matapos isagot 'yon.

"Let's go back to our table." Aakayin na ni Deib Lohr ang anak nang mapansin ang ngiti nito habang nakatanaw sa labas.

Palibhasa'y ususero, nakisilip ang ama sa tinatanaw ng anak niya. Sandali niyang pinanood ang mga bata bago nahulaan ang dahilan ng pagngiti ng kaniyang anak. Napabuntong-hininga siya nang maalala ang huling pag-uusap nila tungkol sa chess at paglalaro. Hindi rin mawala sa isip niyang kaya nagbago ang isip nito at sumama, dahil sa playground na ipinain ng asawa.

"Dad?"

Malungkot na nagbaba ng tingin si Deib Lohr sa anak. "Mm?" May hula na siya sa susunod na sasabihin ng anak; kung maaari ba itong maglaro.

"Why can't I live a normal life?" tanong ni Spaun, ang paningin ay naroon sa mga bata sa labas.

Mali ang hula niya. Natigilan siya at napatitig sa anak. Umawang ang labi niya nang lingunin nito. Dinurog ng tanong na 'yon ang mahinang puso ni Deib Lohr. Bago na iyon ngunit nagiging marupok pagdating sa pamilya, lalo na sa asawa't anak niya.

MTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon