MAXSPAUN MOON : PART 3
"NAIH," TINAWAG ni Maxpein ang kaibigan. "Dalhin mo na muna si Zaydie sa loob, manood kayo ng movies habang nagmemerienda. May practice si Spaun at hindi magandang makita ni Zaydie ang mga gagawin niya."
"Ay, oo nga, sige," sagot ni Zarnaih na mabilis nilapitan ang anak. "Halika muna sa loob, anak. Hindi para sa magagandang babae ang gagawin ng kaibigan mo."
Awtomatikong tumaas ang kilay ni Zaydie at pinagkrus ang mga braso. Para itong prinsesa sa pagkakaupo sa maliit na silya at mesa ni Spaun. Saka deretsong tumingin sa kaniyang ina.
"Kaibigan?" maarteng anang bata. "He's not my kaibigan, mommy. My kaibigans are Eloise Fulton and Matilde Aboitiz."
"Oo na, anak. Halika na sa loob."
"I don't want to go inside, mommy. I want to stay here and watch."
"Manonood na lang tayo ng show sa TV."
"I don't want to watch TV."
"Zaydie, may practice si Maxspaun at hindi tayo pwedeng manood dito.
"Why?" tugon ng batang babae, lalong pinagkrus ang mga braso at hinarap si Maxspaun. "Can't you do it while I'm watching?"
Nilingon ni Spaun ang halos kaedarang bata. "Of course, I can."
"Why do we need to go inside, then?"
"Because what I'm about to do isn't for kids like you."
"Ha!" maldita ang batang babae. "You are also a kid, so, stop acting like an adult, Maxspaun." Nakasimangot siyang lumapit kay Zarnaih at maarteng inangat ang kamay niya habang masama pa rin ang tingin kay Spaun. "Let's go, mommy. I no longer want to stay where this grumpy little feeling old kiddo is."
Pabuntong-hiningang tiningnan ni Spaun ang batang babae. Saka bumaling sa ina matapos pumasok ng mga bisita sa mansyon nila. Napairap si Maxpein sa palitan ng salita ng dalawang bata. Ano't pinagtatalunan ng dalawa ang edad gayong pareho ang mga itong hindi man lang umabot sa siko niya?
"She's such a brat, mama." Masama ang mukha ni Spaun.
"She's just like that because you're friends," nakangiting tugon ni Maxpein.
"Friends, huh? I don't wanna be friends with her. I can't even remember her name."
"Her name is Zaydie, Spaun."
"Can we just start now, mom?"
Umangat ang gilid ng labi ni Maxpein at inilingan na lang ang anak. Siya ang ina pero ang namanang ugali nito ay gano'n sa mga kapatid niya. Dahil ba lalaki rin itong tulad no'ng dalawa? O hindi lang talaga niya namamalayan ang ugali niya? Dahil sa pagkakaalam niya, maintindihin siya at mahaba ang pasensya, bukod sa tahimik at hindi basta pumapatol. Mas gusto niya ang katahimikan kaysa makipagpalitan ng maaanghang na salita na hindi naman makadaragdag sa kapayapaan ng buhay at angas niya.
Natahimik ang buong bakuran ng pamilyang Enrile. Lahat ng mga matang naro'n ay tutok sa mag-inang Maxpein at Maxspaun na noon ay magkaharap at pareho nang handa sa ipakikitang ensayo. Parehong nasa likuran ang mga kamay at nakatingin sa isa't isa.
Naunang yumuko nang malalim si Maxspaun na sinundan nang mababaw na tango ni Maxpein. Umawang ang bibig ng karamihan nang humugot ng espadang gawa sa kahoy si Maxspaun. Iwinasiwas nito iyon sa ere na gumagawa ng ingay sa hangin, patunay ng sapat na lakas, na para bang kaytagal na nitong gumagamit ng armas. Gayong kailan lang nang magsimula itong turuan.
BINABASA MO ANG
M
Fiksi Sejarah#ProjectM II This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as self-harm, physical violence, emotionally triggering materials, death and suicide. Please engage in self-care as you read thi...