CHAPTER FIVE : MOON DEIB LOHR
"ANONG GAGAWIN natin?" tanong ko, ang paningin ay hindi maalis sa Domangja na tinutukoy ng cheotjae.
Napalingon kami kay Maxpein nang tanggalin niya ang seatbelt nang hindi inaalis ang tingin sa apat na lalaki sa harapan.
"Taguro," tawag ko.
"Kakausapin ko sila, cheotjae."
Bumuntong-hininga ang nasa likuran. "Huwag kang bababa. Aalis din ang mga 'yan."
"So, nandito sila para tingnan lang ako, gano'n ba?"gano'n na lang kalakas ang hangin gayong nakasara naman ang mga bintana!
Hambog talaga, tsk! "Sinabi na ng cheotjae na dito ka lang kaya 'wag ka nang bumaba, Taguro."
"Kailangan kong malaman kung ano'ng kailangan nila, Sensui."
Bumuntong-hininga ang cheotjae at wala ano-ano ay bumaba sa kotse. Sabay-sabay kaming napalingon sa kaniya at bago ko pa man malingon si Taguro ay nakasunod na siya!
Damn it!
"Stay here, Deib Lohr," ani Mokz nang akma akong bababa rin. "Wala silang gagawin sa cheotjae at sa asawa mo."
"How can you be so sure?" tugon ko na sinilip ang nangyayari sa labas.
Hinarap nina Taguro at cheotjae ang apat na lalaki. Pero sinuman sa apat na 'yon ay hindi man lang lumingon sa dalawa, nanatili sa aming mga nasa loob ng kotse ang paningin nila.
"Are they looking at my son?" singhal ko.
"For sure."
"Bakit?" sa inis ay binuksan ko ang bintana at dinuro ang apat na 'yon. "Hoy! Ano'ng tinitingin-tingin mo, ha?"
Sabay-sabay akong nilingon ng apat. Nagugulat din akong nilingon ng cheotjae at ni Taguro, sinamaan ako ng tingin ng asawa ko.
Tch! "Ano?" inis kong dagdag.
"Deib," asik ni Maxpein.
"Tch!" nakanguso kong isinara ang bintana.
Nakita kong makipag-usap ang dalawa sa apat na lalaki. Hindi na 'ko magtataka kung nagkakaintindihan sila dahil pare-pareho silang mga walang reaksyon sa mukhang mababasa.
"Relax, Deib Lohr, hindi gagawa ng gulo ang sinuman dito lalo na at nasa pampublikong lugar tayo,"ani Mokz.
"I am relaxed," sabi kong inayos ang coat ko.
"Isa pa, walang dahilan ang domangja para galawin ang pinakamataas na rango at kaniyang lola."
"Sigurado ka?"
"Oo naman."
"Bakit sila nandito?"
"Kutob ko ay gusto nilang kompirmahing buhay pa ang cheotjae."
"Eh, ano naman sa kanila?"
"'Wag mo nga 'kong tanungin dahil hindi ako myembro ng grupo nila."
Inis kong nilingon si Mokz. Sisinghalan ko na sana siya kung hindi niya lang talaga karga ang anak ko. Ayaw kong makita ni Maxspaun ang paraan ng pakikipag-usap ko sa wirdong pamilyang ito.
Pero hindi ko maitatangging nakampante ako nang matapos makipagtanguan ay bumalik na sasakyan ang maglola.
"Anong sabi?" agad kong tanong kay Taguro.
BINABASA MO ANG
M
Historical Fiction#ProjectM II This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as self-harm, physical violence, emotionally triggering materials, death and suicide. Please engage in self-care as you read thi...