6th

19.9K 944 168
                                    

Leave



Laking pasasalamat ko at hindi na muling nagkrus ang landas namin nung Calcifer noong araw na yon.


Wala akong ideya kung saan sila gumawa at hindi na rin ako interesado pang malaman. Basta't pagkagaling namin ng partner ko sa library ay dumiretso na kami sa faculty para magpasa ng natapos na gawain. May mga nakasabay man kaming nag-iwan ng papel sa table ay maswerte naman at hindi sila kabilang don.


"Bah! Pag sa sahod talaga ang aga ah!" kantyaw ni Leloush pagkakita sakin kinabukasan.


Pareho kaming walang pasok sa Arabica tuwing weekdays pero dahil araw ng sweldo ngayon ay nandito kami.


"Malamang! Alangan namang dumating ako nang maaga kada-shift ko eh panghapon ako!" balik ko sa kanya.


Nagkataon din kasi na natapat ang payday sa araw na alas-dyes pa ang first class ko kaya't dumaan na muna ko rito bago pumunta sa school. Sa ibang pagkakataon ay tuwing lunchtime na ko kadalasang kumukuha ng sahod.


Halos mapigtas ang labi ni Leloush sa lapad ng ngiti nya habang binibilang ang natanggap na pera. Pinagtama niya ang bewang namin, muntik pa kong tumalsik.


"Libre naman dyan! Balita ko tatlo OT mo eh!" hirit niya sakin.


"Dalawa lang," pagtatama ko.


"Sus! Babae ka. Edi dalawa," irap niya. "Tara kain lang tayo, kahit KKB na. Sahod naman eh.. sige na,"


Bumuntong-hininga ako.


"Nag-iipon ako eh. Pambili ng bagong cellphone. Nasira kasi ang akin,"


"Ha? Anyare?"


Bumagsak ang balikat ko. "Nabasa ng tubig,"


Sa lahat ba naman kasi ng pwedeng maging laman ng bulsa ko noong araw na sinagip ko si Gia mula sa pagkakalunod ay yung telepono ko pa talaga. Pagtalon ko tuloy sa pool ay siya ring katapusan ng naghihingalo kong cellphone.


Kahit bulok at mumurahin yon ay dugo't pawis pa rin ang binuhos ko mabili lang iyon dati. Pinag-ipunan ko talaga. Isa pa, wala sana sa plano ko ang palitan iyon anytime soon dahil maraming mas importanteng gastusin.


"Sana man lang hinagis mo muna yung phone mo bago ka tumalon," ani ni Leloush matapos kong ikwento ang nangyari. "Pano na ngayon yan?"


"Hindi ko nga alam. May lab pa naman kami sa Microbio next week. Kailangan ng camera pang-picture sa mga specimen." napapikit ako nang maalala iyon. "Bahala na,"


"Marami naman na atang murang android! Bumili ka na lang teh!"


Pinilig ko ang ulo. "Di kaya. Magpuputulan na ng tubig at kuryente sa makalawa. Delayed na rin kami sa renta ng apartment. Malalagot ako kapag hindi pa nakapagbayad sa lahat,"


Lumukot ang mukha niya sa simpatya para sa sitwasyon ko. Pinatong niya ang palad sa likod ko.


"May spare phone sana ko kaso mabilis nang malowbatt.."


"Wag na, Leloush. Paniguradong kailangan mo ya—"


"Hindi, ayos lang naman. Kung gusto mo sayo muna habang hindi ka pa nakakabili ng bago," aniya.


Natigilan ako. Saglit na napaisip.


The offer is quite tempting. Wala namang dahilan para tumanggi ako. Hindi parte ng bokabularyo ko ang mahiya sa oras ng kagipitan.


EternityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon