7th

19.5K 973 123
                                    

Bagong Enrollee



Hindi ako mahiyaing tao pero sa nangyari sa library ay tila wala na kong mukhang maihaharap pa sa mga nakasaksi.


Ang inaalala ko ay baka pag-initan ako ng iba dahil halos sigawan ko si Calcifer. Sinabihan ko ba namang makapal ang mukha at papansin. Wala naman akong pake sa iisipin nila. Ang ayoko lang ay ang pagdiskitahan ako ng mga tao at madamay pa ang pag-aaral ko.


Pero pinanganak ata ang gago para sagarin ang pasensya ko.


Tiim-bagang akong nakatitig sa kaharap habang nasa cafeteria.


"Anong ginagawa mo?" mariing tanong ko habang abala sya sa pagsawsaw ng fries na kinuha sa binili ko.


Inangat niya iyon at dinala palapit sa bibig ko. Sa gilid ng mata ay batid ko ang naglaglagang panga ng mga nakakita.


"Fan service," nakangising wika niya at winagayway ang fries sa tapat ng labi ko.


Suminghap ako.


Minsan na nga lang ako kumain dito ay ganito pa ang mangyayari. Kung alam ko lang na ganito ang kahihinatnan ay sa grove na lang ulit sana ko nagtiis. Pinagbigyan ko lang naman ang sarili dahil kahit papano ay bagong sahod ako.


Imbes na iwaksi ang nakaabang niyang kamay ay hinaklit ko na lang ang fries. Sayang kung tatalsik. Pagkain pa rin ito at pera ko ang pinambili.


"Hindi ko kailangan ng serbisyo mo dahil una sa lahat ay hindi mo ko fan," mahina ngunit madiin kong saad.


Binalik ko ang fries sa lalagyan at inusog ang pagkain sa dulo ng mahabang lamesa para malayo sa kanya. Saka lang ako muling nakasubo. Ngayo'y may sama na ng loob habang kumakain.


Walang epekto ang paglayo ko dahil umusog lang din sya at pumwesto sa harap ko. Ayan na naman ang tingin sa mata niya na parang may nakakatawa. He leaned forward.


"Bakit? Don't tell me... sasabihin mo na namang sa katrabaho mo yung phone?" manghang tanong niya.


Kumunot ang noo ko.


"Totoo naman," bitaw ko. "Sa kanya talaga."


He looks amused. Saglit pa siyang napabulanghit ng tawa. Napanganga ko nang kurutin niya pa ang pisngi ko sa kalagitnaan.


Halos maiyak siya sa sobrang aliw. Pinunasan pa ang gilid ng mata nang unti-unting humupa ang halakhak.


He animatedly sighed. Bakas pa rin ang kinang sa tingin mula sa tuwa.


"Hindi ka ba napapagod kaka-deny?" madramang wika aniya. "Kahit anong tanggi mo ay huling-huli naman na... Ilang beses pa nga,"


"Nagsasabi ako ng totoo! Hindi sakin yung cellphone na yun!"


Tumango-tango siya habang dumadampot ng pagkain. May ngiti habang kunwaring nakikinig sa akin.


Natutop ko ang labi. Napagtantong wala nang pag-asang maniwala pa sya. Tila hindi na seseryosohin ang anumang sabihin ko.


Ayokong problemahin ang ganoon kaliit na bagay. Kung siya ay maraming oras para sa bagay na walang katuturan, pwes ako'y wala. Imbes na isipin ang tungkol don ay nililihis ko na lang ang atensyon maghapon.


"Talaga bang Mechanical Engineering ang kurso mo?" anas ko sa kalagitnaan ng litanya ni Solace habang naghihintay kaming buksan ang classroom sa PhilArts.


"Parang.. ang layo kasi sa personality mo.." dagdag ko pa.


She groaned. "Don't even get me started with that topic. I honestly don't like Engineering at all! If not for my parents and our business, I won't be here. I literally suck at my majors. Like I swear! Sa GE subjects na nga lang ako nag-eexcel! Kaya I hate you everytime you overtake my score sa PhilArts," irap niya.


Natigilan ako sa sinabi niya.


Akala ko noon, kapag marangya ang buhay mo ay wala ka nang poproblemahin pang iba. Makukuha mo na lahat ng gusto mo. Pero sa narinig ay napagtanto kong hindi pa rin pala.


Solace continued her rant about that matter. Hindi ko mapigilang mamangha. Matapang niyang nasasabi kung ano ang gusto at ayaw niya. Hindi niya man ito maisatinig sa harap ng magulang niya ay totoo siya sa sarili niya. She knows what she wants.


Hindi ko maiwasang makaramdam ng... inggit. Hindi dahil mayaman sya kundi dahil matapang siya.


I was able to successfully distract my thoughts up until my classes are over.


"Happy birthday kay Chuchay, Mang Dante." wika ko nang makarating sa Swim School.


Dalawang linggo niya na kasing bukang bibig ang tungkol sa birthday ng anak niya ngayong araw.


"Salamat. Gusto nga sanang sumama rito. Sabi ko gagala na lang kami pag-uwi ko,"


Napangiti ako habang nagsusulat sa logbook. Nakasabay ko pa sa entrance si Hakeem pero tipid niya lang akong tinanguan. Naiilang pa siguro sa engkwentro namin nung nakaraan.


Didiretso na sana ko sa locker room para magbihis nang marinig ang tinig ng boss namin.


"Raya,"


Lumingon ako sa pinanggalingan ng boses. Mula sya sa opisina niya at ngayo'y naglalakad na palapit sakin. Nang mapansing may kasama siya ay lumipat ang tingin ko sa katabi nya. Unti-unting napaawang ang labi ko.


"May bago tayong enrollee," mwestra nya sa kasama. "Estudyante mo. MWF. Next week ang start," aniya.


Sa paglitaw ng dimples sa pisngi ng lalaki sa tabi niya, pakiramdam ko'y bilang na lang talaga ang maliligayang araw ko.










































EternityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon