24th

19K 912 231
                                    

Makita ka



"Sa Friday ang orientation. Dun pa lang ieexplain ang processing ng application. Bring as many friends as you may. Kitakits!" malaki ang ngiti sakin ng senior-year student nang abutan ako ng leaflet.


Naka-bold font ang pangalan ng organization sa harap. Astronomical League. A home for lovers of the moon, stars, planets, and other celestial bodies that the skies hold. Open ito para sa lahat ng kurso. Dito ko sana balak sumali.


Alam kong masyado na kong maraming pinagkakaabalahan sa buhay pero malaki rin kasi ang kagandahan ng may club. Bukod sa mahahasa ang interpersonal skills ay pandagdag credentials din sa resumé pagdating ng araw. Mabisang training ground para sa pakikisama.


I bit my lip. Gusto kong paniwalaang yun lang talaga ang rason pero alam kong may iba pang dahilan.


Lumabas ako sa opisinang iyon habang nakatitig pa rin sa brochure. Lumiko ako nang makarating sa may hagdan. Sa loob ng library ang tagos noon pababa. Tamang-tama dahil vacant ko at balak ko ring magbasa.


Habang pababa sa hagdan ay tumama ang mata ko sa taong nakatayo sa may Circulation Counter. Nagha-hand beat pa sa woodtop ng Burrowing Section. Nahinto lang ang kamay niya nang lumandas sakin ang tingin.


Pwedeng-pwede kong piliing dumiretso sa shelves at pumili ng table kung saan mapag-iisa ako. But my feet moved on their own. Bago ko pa mamalayan ay kusa na nitong tinatahak ang papunta sa direksyon ni Calcifer.


Guess my body's coordinating well with the plan then. Considering the way it responses with the situation right now.


Warm-up pa lang ang kahapon. Batid kong nangangapa pa ko non. Pero unti-unti ay masasanay rin ako. I need to step up the game with a bunch of dare moves and bold advances. Hindi ko lang pwedeng biglain dahil baka makahalata siya.


Bago pa ko tuluyang makalapit ay nakita kong inabot na sa kanya ng staff ang kailangan. Natapos na sa pag-asikaso sa kanya. Ngayo'y nasa akin na ang buong atensyon niya.


Sa pagpihit ng katawan niya sa gawi ko ay sakto ring nakarating na ko sa harap niya. Huminto ako.


"Nanghiram ka ng libro?" I asked the obvious just for the sake of sounding interested.


He was always the one who starts the conversation between us but I know I have to change that since I'm trying to make a difference here.


Saglit pa siyang natigilan. Probably not expecting my ambush.


Tumagal sakin ang manghang mata niya.


"Yeah.." he said. "We were asked to read something for Lit," bahagya niya pang inangat ang librong hawak.


Tumango ako. Bumagsak ang tingin niya sa hawak ko.


"You?" aniya at umangat ang mata sakin. "Galing ka sa taas?"


"Yup," pumihit ako at nagsimula nang maglakad kasabay siya. "I'm planning to apply for an org so.."


Ramdam ko ang presensya niya sa gilid habang katabi kong binabaybay ang mga estante ng libro.


"Nursing org?" he inquired.


Umiling ako. "Astronomical League,"


Batid kong natigilan siya. Nang lingunin ko ay napahinto pa nga sa paglalakad.


EternityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon