8th

19.8K 1K 194
                                    

Yan kase



Hindi ko alam kung dapat ko bang ikatuwa na next week pa ang start ng swimming lessons ko sa kanya.


Wala rin naman kasing pinagkaiba. Sa school ay panay pa rin ang pangungulit niya. Ilang araw na. Tuwing nagkakasalubong kami sa campus ay lagi ba naman akong binabati na parang close kami! Tulad na lang ngayon.


Malayo pa lang ay tanaw ko na ang nakakaloko niyang ngisi habang binabaybay ang grounds. Halos mapapikit ako sa hiya nang ibuka niya na agad ang bibig.


"Hi, Raya. May pasok ka pa?" malakas na bati niya na akala mo'y magkaibigan kami.


Kasama niya ulit yung volleyball player. Hindi ito naka-jersey ngayon pero may suot na knee pads. Sa tabi naman nito ay yung babaeng madalas mag-host ng events dito sa school. Maganda rin at may tila mamahaling sumbrero sa ulo.


Nag-iwas lang ako ng tingin at nagpanggap na hindi siya kakilala. Binilisan na rin ang lakad patungo sa direksyon ng building na pupuntahan.


Halos iyuko ko na lang ang ulo nang makitang inunahan niya na ang mga kasama para isara ang distansya sa pagitan namin.


"Anong next class mo?" he grinned. Pumihit pa talaga siya sa gawi na pupuntahan ko at sinabayan ako sa paglalakad.


"Gusto mo—"


Naputol ang sasabihin nito nang may humila sa backpack niya. Nalampasan na pala kami ng mga kasama niya.


"Sa kabila classroom mo diba? Late ka na tanga," ani ng athlete.


Nagpaalam pa talaga sakin ang gunggong na akala mo'y may pake ako sa kanya. Nakahinga lang ako nang maluwag nang hilahin na siya paalis nung nakatirintas.


Pati sa bahay ay hindi ako nilalayuan ng problema. Napapadalas ang pagdapo ng sumpong ni Ate.


"Sige na Ate kumain ka na.. bawal kang malipasan ng gutom," wika ko habang sinusubuan siya.


"Sabi nang mamaya na eh! Kaya kong asikasuhin ang sarili ko! Kakain ako kung kelan ko gusto!"


Humigpit ang kapit ko sa kutsara. Ramdam na naman ang pamilyar na bumubukol sa lalamunan.


"Ate.. hindi pwede.. kailangan mo na kasing uminom ng gamot pagkatapo—"


Umalingawngaw ang tunog ng kutsarang tumama sa sahig nang ibalya niya ang kamay ko. Nanlamig ang palad ko.


"Gamot-gamot na naman! Wala namang talab!" bulyaw niya. "Bakit? Makakalakad ba ko pag-ininom ko yan?! Di ba hindi naman?!" marahas na hinawi ng braso niya ang lahat ng nakapatong sa lamesa.


Napapikit ako sa nilikhang ingay ng nagtalsikang mga kasangkapan. Wala kaming babasaging plato o baso pero tumaginting pa rin ang mga ito nang bumagsak sa sahig. Nanikip ang dibdib ko.


Patuloy ang palasak na litanya ng Ate habang pinupulot ko ang mga nalaglag sa lapag. Habang tumatagal ay mas bumibigat ang nakadagan sa dibdib. Namamanhid ang kamay habang naglilinis.


Wala kong nagawa kundi ang makisuyo at ibilin ang kapatid sa kapibahay nang oras na para pumasok sa eskwela. Kapag ganitong hindi maganda ang disposisyon niya ay nahihirapan akong iwan siya nang mag-isa.


"Eh ayaw rin namang magpa-alalay niyang Ate mo, anong gagawin ko dyan?" balik nito sakin habang nasa hamba sya ng pinto nila.


Kumapit ako sa strap ng bag. "Kahit silip-silipin niyo lang po, Aling Toti.. May nakahanda naman na pong pagkain don.. kung pwede, pakipaalalahanan lang po sanang kumain mamaya.."


EternityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon