26th

18.6K 1K 348
                                    

Hinay-hinay



I know I have to be bold but I feel like I was a little too bold at that.


Tinanaw ko si Calcifer na ngayon ay nasa baba na ulit. Nasa gitna ng court at nag pipicture-taking kasama ang mga kaibigan niya. Nasa gitna nila ang maliit na trophy.


Napapapikit pa rin ako tuwing naaalala ang sinabi kanina. Where the hell did that come from? Alam ko namang kailangan kong magpanggap pero ako mismo ay nabibigla na sa mga lumalabas sa bibig ko!


At talagang grabe yung emosyon ah? Feel na feel ko pa ang pagkakasabi! Akala mo naman talaga ay totoo! Halos madala 'ko! Para kong nawala sa sarili. Pakiramdam ko ay ibang tao ako kanina.


Nanlambot pa ko nang makita kung paano umawang ang labi niya sa sinabi ko. Kung hindi pa siya tinawag ni Davion ay hindi pa ko matatauhan. Fuck. Saka lang ako nabalik sa ulirat kanina noong nawala na siya sa harap ko.


Ewan ko ba. Maybe it was a spur of the moment for me. Sino ba naman kasing makakapag-isip pa nang maayos kung ganon siya. Kasalanan niya to eh! I mean... his eyes? His voice? His tone? Not to mention, the way he looked away. Idagdag pa ang munting lungkot sa tinig nya. He swayed me! I totally became oblivious of everything.


Suminghap ako. Nevermind. Why am I even freaking out over this? It turned out well, anyway. Malamang ay iniisip niya nang nagkakagusto na ko sa kanya.


Tama. Ginawa ko lang naman ang nararapat. Yun lang yun. Wala kong dapat ipag-alala. It's just that I'm getting better at this. Nothing more.


"Hintayin lang natin si Cal to say goodbye then let's go na." ani ni Solace. "For sure may eat-out pa silang magkakaibigan after this,"


Tama nga siya at yun ang bungad ni Cal pagkalapit samin. Nag-aya itong sumama kami sa kanila. Solace declined. Kung sya nga ay tumanggi, sino ba naman ako para sumama sa magkakaibigan? Nagpaalam na lang kami na mauuna na.


Sinabayan kami ni Cal pababa. Bumaling sya sakin.


"Will you be riding home with Solace?" tanong niya.


Umiling ako. "Hindi na. May sakayan naman jan sa labas,"


Bumuntong-hininga si Solace.


"I told you, Raya. Pwede ka naman naming ihatid ni Agathon," tukoy niya sa driver.


"Ayos lang. Out of the way sa dadaanan niyo ang papunta samin. Ayoko nang makaabala pa,"


Umirap. "That's nothing compared to being worried whether you got home safe or not,"


Tumikhim si Cal.


"I'll go with her then.." anito.


Natigilan ako. Aapila sana nang mapagtantong hindi nga pala dapat. I should give in to these kind of initiatives.


"Great!" ani ni Solace. "Did you bring your car? I don't think I saw your Ford Raptor outside.."


Napahinto si Cal at tahimik na napamura, tila may naalala.


"I didn't.. Dalawang sasakyan lang ang ginamit namin papunta rito," aniya.


Bumaling sya sakin.


"Uh.." he massaged his nape. "Jeep tayo?"


Napalunok ako sa tingin niya. Ba't ako ang tinatanong niya ng ganyan eh sanay naman ako sa jeep? Siya nga ang inaalala ko! Tiyak na mas kumportable kung sasabay na lang siya sa mga kaibigan.


EternityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon