13th

19.6K 1K 616
                                    

Wala dapat



"Mag-gather na lang muna tayo ng ideas sa ngayon. Sabihin niyo lang kung may suggestions kayo. Kapag nabuo na ang plano ay saka natin simulan ang paggawa. Para dire-diretso na,"


Nagtanguan ang mga kagrupo ko at mabilis namang sumang-ayon sa sinabi ko.


"Ako na ang gagawa ng groupchat," kusa ng isa. "Just type your usernames here." aniya saka pinaikot samin ang phone.


Iyon ang napagkasunduan naming lahat para sa case study. Free cut na ang natitirang oras ng klase dahil umalis na ang guro. Kanina pa kami iniwan at pinaubaya na lang ang period para sa group meeting.


Ang iba ay umalis na rin kaagad. Marami naman ang tumambay muna sa room. Pinili kong manatili na lang din muna sa malamig na silid. Huling klase ko naman na ito. Bumalik lang ako sa upuan ko at napagdesisyonang silipin ang ginawang groupchat ng kagrupo.


Dinukot ko sa bulsa ang phone na galing kay Solace. Bibili na sana ko sa palengke kahapon pero nang malaman nya ang tungkol don ay inalok niya na lang sakin ang lumang phone niya. Binibigay niya nga sana nang libre ngunit nang hindi ako pumayag ay aniya'y bilhin ko na lang daw kung gusto ko.


Nung una ay ayoko pa dahil mukhang mamahalin. Kagaya iyon ng nakikita kong ginagamit ng karamihan dito na merong may-kagat na mansanas sa likod.


Iginiit niya naman na dati pa raw sa kanya ito kaya't mura na lang. Duda ko dahil makinis pa. Gayunpaman ay pinilit niya kong subukan munang gamitin at saka na magdesisyon.


Kahit hindi bago ay walang-wala rito ang nabili ko sa bangketa dati. Hindi rin ako makapaniwala sa linaw ng camera. Nagtipa ko ng mensahe sa numerong binigay ni Solace.


Raya:

Magkano ulit ang last price nito?


Agad naman akong nakatanggap ng tugon sa kanya. Wala rin sigurong klase.


Solace:

Get mo na? How much did you say was your budget again?


Ang totoo nyan ay hanggang 2000  lang talaga sana ang balak kong bilhin sa tyangge. Pero dahil maganda naman ito ay hindi naman siguro ako lugi kung dadagdagan ko ng isang libo.


Raya:

3k


Solace:

Okay you can get it for 2500


Raya:

2800 mo na


Solace:

Di kaya gurl, gang 2300 lang


Kumunot ang noo ko.


Raya:

2700 kunin ko na


Solace:

2200 last price


Nagsalubong ang kilay ko sa pagkalito.


Raya:

2600?


Solace:

Pass


Napaawang ang labi ko. Natagalan pa bago muling makasagot.


Raya:

Sige 2200


Solace:

Okay, yours na


Ilang minuto pa kong napatitig sa palitan namin ng mensahe, gulong-gulo pa rin. Napailing-iling ako bago muling binulsa iyon at nagligpit na ng gamit.


Sakto naman na ang oras para sa uwian kaya't didiretso na rin ako sa trabaho. Sinukbit ko na ang bag para umalis.


Tinatahak ko na ang kahabaan ng corridor nang may maramdamang tumabi sakin at sumabay sa paglalakad.


EternityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon