10th

20.1K 1K 345
                                    

Awit



Sabado ng gabi ang naturang showcase. Calcifer gave me his word. And so I gave him mine as well. Pupunta ako para matapos na.


May Saturday classes kami kinaumagahan. Kapag ganito ay problema ko ang kaltas sa sweldo. Oo nga at hindi sila mahigpit sa minsang pagliban sa trabaho ng mga working student. Ang kaso ay no work no pay kaya't nakakapanghinayang ang hindi napapasukang shift.


Buti na lang ay half day lang naman ang klase. Halos puro exam lang naman pag ganitong weekend. Mamaya ay makakapasok pa ko sa Arabica dahil ala-una pa naman ang simula ng shift ko. Sa Fastfood lang ako aabsent.


"Look, yun oh! That's Laygo. Yung sinasabi ko sayo," turo ni Solace.


Ewan ko ba. Wala namang PhilArts ngayon pero ang ending ay magkasama pa rin kami nang mag-breaktime. Dinala niya ko sa cafeteria dahil aniya'y ititreat niya ko. Highest kasi sya sa homework na pinagtulungan namin. May subjective portion doon kaya't hindi kami parehas ng score.


"San dyan?"


Nginuso niya ang direksyon noon. "Yung may t-square bag sa tabi,"


Sinundan ko ang linya ng tingin niya. Dinala ko noon sa lamesa kung saan naroon din si Calcifer. Tulad ng madalas ay may mga kasama sya. Pansin kong marami sila ngayon. Walo nang binilang ko.


Lumipat ang tingin ko sa lalaking may katabing t-square bag na tulad ng laging dala ni Solace. Napagtanto kong iyon yung mestisong kasama ni Calcifer nung nakaraan. Yung kaklase din namin sa STS.


"Bestfriend mo yan?" tanong ko nang maalala ang sinabi niya dati.


"Yup,"


"Tawagin mo nga," hamon ko habang papunta kami sa counter.


"Huh? Wag na, kasama niya friends nya eh."


"O kala ko ba ikaw ang bestfriend?"


Umirap sya. "Yeah but that's different.. childhood friends nya yang mga yan. Neighbors silang lahat. Like alam kaya yun ng everyone,"


Tumagal ang tingin ko sa mga tao sa lamesang iyon dahil sa nalaman. Napagtanto kong naroon nga lahat ng madalas kong makitang kasama ni Calcifer.


"Tatawagin mo lang naman ah, anong masama."


"Basta," giit nya na lang.


Umangat ang kilay ko. Sumagi sa isip ang imahe ng babaeng umangkla sa braso ng lalaki noong nasa grounds. Pati na yung isa pang babae na kausap naman nito nung nasa klase.


"Baka ikaw lang naman ang may alam na mag-bestfriend kayo," napangisi ako bigla.


Nainis si Solace sa sinabi ko. She insisted that they really are close. Pati nga raw pamilya nila. Pero pag pinapatawag ko ay ayaw niya pa rin. Panay lang ang depensa hanggang sa nakabili na kami't lahat.


Tulad ng inaasahan ay nakaabot ako sa shift ko sa Arabica kinahapunan. Hindi ko na nga lang naabutan si Leloush. Tahimik tuloy ang pagbibihis ko sa locker room dahil walang dumadaldal.


Normal ang dami ng customer ngayong araw. Bandang alas-kwatro na nang dumami sila. Sa glass walls ng coffee shop ay matatanaw ang unti-unting paglubog ng araw.


Nang tuluyang sumapit ang dapit-hapon ay napasilip ako sa orasan. May higit 40 minutes pa ko sa shift.


"Raya, mag-oovertime ka ba?"


EternityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon