33rd

18K 902 455
                                    

Midway

R-18: Contains slightly explicit scenes. Read at your own risk.



Para kong nakalutang sa alapaap. Ang mainit na hangin mula sa ilong niya ay tumatama sa balat ko. Ang malambot niyang labi ay mariing nakalapat sa bibig ko. We were unmoving yet the electrifying feeling is flowing from within.



"A fucking slut," the witch-woman hissed before walking out furiously.


Unti-unting dumilat ang mata ko kasabay ng dahan-dahang paglayo ng ulo. Ganun din si Calcifer. Wala sa pokus ang tingin niya nang tumama sa akin.


Mabagal ang pagkurap ng mata niya. Nanigas ako nang dumapo ang magaan niyang kamay sa mukha ko. His fingers fleetingly touched my skin. Not fondling nor caressing. He was just feeling it as if it was something out of this world. I almost quivered at the contact.


Lasing siyang napangisi, tila antok pa.


"I must have really drank too much.." his raspy voice croaked. "I'm even seeing things now.."


An object tugged at my heartstrings. Painfully yet pleasurably at the same time. I dreamily stared at him closely.


Lumunok ako.


"Happy birthday.." hindi ko alam kung bakit paos din ang boses ko.


He bit his lip.


Muli niyang inabot ang pisngi ko at ngayo'y hinaplos na ito.


Pumungay ang mga mata niya.


"God.. this seems so real.." he hoarsely muttered.


Something twitched in my stomach. I swallowed the lump in my throat.


For once, I don't want to think about anything else... For once, I don't want to worry about the consequences...


Pumulupot ang kaliwang braso ko sa batok niya. Ang kanang kamay ay malumanay na dumapo sa kanyang panga. Paakyat sa pisngi.


He gradually stiffened.


Ang palad kong banayad na nakalapat sa balat niya ay marahan itong dinapyo.


Bumuntong-hininga ako.


"Wala akong regalo.." anas ko nang mapagtanto iyon.


Unti-unting napaawang ang labi niya. Tuluyan nang tinakasan ng kalasingan.


His sober eyes stared at me in complete awe.


"Raya..." pabulong na tanong niya, tila hindi pa rin makapaniwala.


Ang munting gulantang sa mata niya ay nanatili habang dahan-dahang bumabagsak ang titig sa kabuuan ko, pinapasadahan ito ng manghang tingin.


Kinagat ko ang pang-ibabang labi.


"I'm sorry.." I whispered. "For coming so late.."


His lips parted in daze.


Mariin siyang nakatitig sakin na para bang mawawala 'ko sa harap niya anumang minuto. Hindi kailanman nagtangkang alisin o iiwas ang tingin mula sakin.


Wala sa sariling umangat ang kamay niya at inabot ang palad kong nakadapo sa pisngi niya. He held it with such warmth and fascination. Mahigpit at mainit ang pagkakahawak. Sa mga munting pisil ay tila pinakikiramdaman kung tunay. Dinarama nang lubusan.


EternityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon