28th

18.1K 917 151
                                    

Paru-paro



My heart feels warm all over. August ngayon kaya't rainy season pa pero ramdam ko ang yumayakap na init sa puso ko. Lalo na tuwing naaalala ang sinabi ni Cal matapos ang ibinahagi ko sa kanya.


It was my first time putting that dream into words. Ang tagal kong kinimkim. Wala kong mapagsabihan. Dahil lahat ng nasa paligid ko ay itinakda na ang kapalaran ko. Matagal na nilang napagpasyahan.


My sister was born with a neurological disorder. Pinanganak siyang may Astasis. Hindi makatayo, makalakad o makagalaw nang walang umaalalay. Kaya't hindi pa man ako isinisilang ay napagdesisyonan na ang tadhana ko. Ang maging katuwang ng kapatid ko.


Bata pa lang ay tinatak na sa isipan kong kailangan kong maging nurse. Alang-alang sa kapakanan ni Ate. Pinalaki ako sa paniniwalang iyon ang dapat kong marating. Miski sa huling hininga ng mga magulang ay iyon ang bilin nila.


I was okay with it. I don't have any problem with it at all. But I just know it's not what my hearth beats for.


Una pa lang ay alam ko na. Hindi man agad rumehistro sakin pero ramdam ko. Yet I was willing to put up with it. Dahil iyon ang tamang gawin. I was raised to believe that it was my rightful destiny. Bilang kapatid na may konsiderasyon ay iyon ang dapat kong tahaking landas.


Matagal ko nang binaon sa limot ang munting pangarap. I know it was foolish. Not conventional, even. Malabong matupad o magkatotoo. Ayos na sakin ang kalimutan na lang iyon. Sapat na ang paminsan-minsang pagbabasa ng tungkol sa interes.


But the fact that someone out there thinks like I'm suited for that dream is heart-warming. That alone is more than enough for me. Tanggap kong imposible na pero nakakalugod pa rin. I can now gladly let go of that fantasy at last. With a full and peaceful heart.


Laglag ang panga ko nang makita si Calcifer sa unang araw ng Org Processing para sa Astronomical League.


"Ba't ka nandito?" nanlalaki ang matang tanong ko.


He just gave me a perplexed look na para bang wala namang mali o nakakapagtaka sa sitwasyon.


"Sasali rin ako," he deadass said with a shrug.


Halata nga! Halos isigaw ko.


"Bakit?" I spat, napapakurap-kurap pa.


He licked his lip.


"Wala lang. I just wanna be closer to the things you like. Malay mo next time ako na like mo," aniya.


My mouth hung wide open. Sinuntok ko siya sa braso. He just chuckled... sexily. Kainis!


"Ano nga kasi?!" I urged.


"Yun nga!" natatawang giit niya bago nagkagat-labi. "I want to.. know the reason behind the way you gaze up the sky. Para sa susunod.. ako na ang titignan mo nang ganon,"


Suminghap ako. Ramdam ang pagpula ng mukha. Sinapak ko siyang muli sa braso. Humalakhak lang ulit! Kainis talaga! Puro kalokohan!


Gamit ang likod ng palad ay kinapa ko ang umiinit na pisngi. Umaasang maiibsan iyon noon. Ewan ko ba. Hindi ko alam kung anong naisipan niya at bigla syang sumali. Pero kung totoo man ang sinabi niyang dahilan ay... napalunok ako. Ramdam ang humahalukay sa tyan.


Talagang sineryoso niya ang pag-apply sa naturang club. Kasabay ko pa sa registration. Magkatabi kami sa pila para sa pasahan ng requirements.


"Kumusta pala ang evals nung linggo?" tanong ko habang nasa waiting area kami.


His eyes landed on me.


"It went well," magaang sabi nya habang wala pa sa pokus ang mata. "Maganda ang feedback.."


Banayad akong tumango.


"Pupunta sana ko kaso kinailangang mag-overtime.." kusa iyong lumabas sa bibig ko bago ko pa man mapagtanto.


I bit my lip. It's true though. Binalak ko sanang sumilip sa performance nila. I don't know, all of a sudden there's this part of me who lowkey wants to.. root for him.


Sana pala ay hindi ko na lang inangat ang mata sa kanya. Nang maabutan ko kasi ang klase ng tingin niya ay parang nakakalasing sa pakiramdam.


I saw his adam's apple subtly moved.


"I do have a video though.." paos na sabi nya. "Wanna see?"


Nanuyo ang lalamunan ko.


Kasabay ng dahan-dahang pag-tango ng ulo ko ang sya ring pagdaan ng kung ano sa mata niya.


Kinahapunan ng araw na yun ay nagtagpo ulit kami sa Swim School para sa panibagong session niya. Hanggang sa pag-uwi ay magkasama't magkasabay kami dahil wala ulit siyang dalang sasakyan.


"Ayos lang–" pigil ko nang ilipat niya sa kandungan niya ang bag ko nang makaupo na kami sa jeep.


"The books are heavy, mangangalay ka.."


Natutop ko ang labi, hindi magawang kontrahin iyon. Totoo dahil nanghiram ako ng tatlong libro sa libray kanina. Makapal ang dalawa kaya't mabigat nga.


Napabuntong-hininga ako at hinayaan na iyon sa kanya.


"How about your bag? Magaan lang ba?" tanong ko at bumagsak ang tingin sa ngayo'y dalawa nang bitbit niya kasama ang akin.


"Yup, don't worry." aniya pa.


Sinubukan kong iangat ang bag niya para pakiramdaman at magaan nga. Isang notebook lang ata ang laman.


"Kung ganon, ako na muna rito." wika ko saka pinatong sa sariling hita ang itim niyang bag.


Aangal pa sana siya ngunit hindi ko na binigyan ng pagkakataon. Higit na magaan nga iyon kesa sakin. Ngayo'y nagkapalit na kami ng dala.


Nasa gitna kami ng byahe nang bumuhos ang ulan. Hindi na nakapagtatakang panay ang pag-ulan nitong mga nakaraan dahil may bagyo raw ayon sa balita.


Cal was quick to react and take measures. Agad siyang bumaling sa may bintana para ibaba ang pantakip at maiwasan ang talsik o anumang pagkabasa. Halos kabisado na niya ang mga pasikot-sikot sa loob ng jeep dahil sa kakasabay sakin. Napanguso ako.


Inuna niya pang ayusin ang pantaklob sa may bandang bahagi ko kaysa sa kanya. Habang ginagawa iyon ay ramdam ko ang presensya ng kaliwang braso niya sa likod ko. Magkalapit na magkalapit kami. Pansin ko ang init ng katawan niya. Amoy na amoy rin ang nakakaakit na pabango niya.


Pinarte ko ang labi para makahinga nang maayos. Binabagabag ang diwa ng munting karera sa loob ng dibdib.


Bumalik lang sa normal ang paghinga ko nang umayos na ng posisyon si Cal. Chineck niya pa ang pwesto ko. Lumandas ang tingin sa mukha.


"Your eyes are sleepy.." kumento niya.


"H-huh?" natigilan ako. "A-ah nagreview kasi ako kagabi para sa dalawang major exam.." mabagal na wika ko nang maalala iyon. "Kaya medyo antok,"


Tumagal ang tingin niya sakin bago umayos nang upo. Tinapik niya ang balikat.


"You can take a nap. Gigisingin na lang kita pagdating sa babaan,"


Napahinto ako suhestyon niya. Nakaawang ang labing napatitig sa kanya. Hindi naka-imik.


Bahagyang umangat ang kilay niya. Bago ko pa man mahanap ang sariling boses ay siya na mismo ang nagpatong ng ulo ko sa balikat niya. Marahan niya iyong sinandal sa kanya.


"Rest," his tone appeared low in my pressed ear on his shoulder.


Pumintig ang dibdib ko kasabay ng mga nagliparang paru-paro sa loob ng sikmura ko.






































EternityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon