Chapter 8

34 4 0
                                    

ENJOY READING ;)

Ara POV

"buti nakahabol pa kayo" ang masungit na boses ni kylo ang agad na bumungad saamin pagka pasok palang sa MR. 'Music Room'. "nagsabe na kame ng schedule sa inyu, diba?." Galit na tanong niya saamin ni Cj. Bakit ba laging mainit ulo nito? Kutusan ko kaya to.! kahit isa lang

"traffic kase kylo, sorry. Hindi na mauulit." Paghingi ng tawad ni Cj sa kaniya.

Psh! kasalanan ba naming natraffic kame? Sisihin niya yung traffic hindi kame. Bwesit nato!

"oh? san ka galing mave?" Tanong ni felix na nakatingin sa bandang likod namin, kung nasaan ang pinto ng MR.

Sabay kaming tumingin ni Cj sa bandang likod namin para makinig sa dahilan ni mave.

Isa pa tong may sayad sa utak eh. Pagkatapos mag sigawan ng mga tao, iniwan agad ako sa stage. Mukha tuloy akong tanga don. Sarap bangasan ng magkakaibigan nato eh.

"nag cr lang." Iyon lang ang isinagot niya sa kaibigan. Dirediretso siyang lumapit sa mga gamit niya at kinuha ang blue na Tumbler na malapit sa Duffle bag niya.

"Sige, sabe mo eh" makahulugang sagot ni felix sa kaibigan. Nakangisi pa. Binigyan lang naman siya ng masamang tingin ni mave kaya tatawa tawa siyang lumabas ng MR para asikasuhin ang pangalawang tugtog namin mamaya.

Tatlong Araw pinagdiriwang ang Anniversary ng FU. Diko alam kung bakit. Pero sabe ng ibang mga graduate na dito ay ganun daw talaga sila mag celebrate. Ako nga na-....

Napahinto ako sa isiping yon. "lika hanapin na natin si Klaire" anyaya saken ni Cj. Isunukbit agad niya ang mga braso sa braso ko at hinila palabas para hanapin si Klaire.

Madami ang mga tao ngayon lalo na siguro pag huling araw na dahil pwede ng makapasok ang mga ibat ibang studyante na galing sa ibat ibang school.

"ayon si klaire oh" turo niya sa bandang gamespot. Naglalaro siya nung kailangan mong maputok yung mga lobo para makakuha ng price. Diko alam tawag don. Basta laro yon.

"Ano ba yan, kuya, may daya ata yan eh" nakanguso pa siya habang nagrereklamo sa lalaking nagbabantay sa booth na yon. Tawa lang ng tawa yung mga nanonood sa kaniya kase niisa wala siyang natamaan. "wahhh! ayaw kona! may daya talaga yan eh!" Nagpapadyak pa siya habang nag rereklamo. Tatawa tawa nalang siyang hinila ni Cj patungo sa mga booth na may mga pagkain. Nagutom siguro.

"kamusta pala yung kanta nyu kanina?" tanong ni Klaire habang kumakain siya ng cotton candy. Parang bata! "Di ako nakanuod kanina kase dumiretso agad ako sa bwesit na laro na yon" nakangusong ani niya habang nakaturo sa booth na pinaglaroan niya.

"joke ba yan? baka naman may iniiwasan ka lang" pangangasar ni Cj sa kaniya. Bakas naman ang gulat sa mukha niya, pero tinakpan niya lang iyon ng nagtatakang tingin. Sabay tingin kay Cj.

"Huh? sino namang iiwasan ko don?"

"sino nga bang iniiwasan mo don Klaire?"

"Ano bang sinasabe mo jan?"

"okay, kunwari nalang wala akong alam. Hehehe"

"whatever Cj. Nasan nga pala si Lie?" biglang tanong ni klaire ng mapansing wala si lie.

"Sumama siya sa mommy niya para ihatid yung daddy niya sa Airport, Papuntang US." mahabang paliwanag ko. Tumungo lang siya tsaka ipinag patuloy ang pagkain ng cotton candy. Napailing nalang kame ni Cj ng magsalubong ang mga tingin namin.

Ikaw Lang Hanggang Dulo (on going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon