Chapter 12

24 3 0
                                    

ENJOY READING ;)

"kuya, sure ako na ayaw mong umiiyak si shobe, right?" paglalambing ng isang babae sa anak na lalake habang nag babasa ito ng libro. Inaalo ang batang babae.

Agad nitong ibinaba ang hawak na libro, at nanlalaki ang mga matang tumingin sa umiiyak na batang babae. " h-hey, stop crying. O-Okay, Okay pupunta na tayong mall" pag aalo niya dito. Natataranta na. Sa lahat ng ayaw niya ay ang makitang umiiyak o nasasaktan ang kaisa-isang kapatid.

Siya ang kahinaan ko. Ang prinsesa ko.

Ara's POV

Kring Kring

"Agay" Daing ko ng biglang manakit ang ulo. Agad kong inabot ang nag iingay na cellphone at agad na tinignan ang tumatawag. Bwesit ang aga-aga namang mang istorbo.

Agad ding natigilan ng makita ang caller.

"K-Kuya?!" tanging naibulalas ko.

"Stop crying"

"Siya ang kahinaan ko"

"Ang prinsesa ko"

Imposibleng mag katotoo yon. Panaginip lang yon, diba?

Kring Kring

Nawala ako sa malalim na pag iisip ng tumunog muli ang cellphone ko. Si Kuya Ash.

"H-Hello?" mahinang saad ko pag kasagot ko palang ng tawag. Bahagya pang hinihimas ang nuo.

"Shobe, Good morning" bakas ang kasiyahan sa boses nito sa umagang pag-bati.

Napag isip isip ko na rin ang sinabe ni Lie sa'ken. Bibigyan ko siya ng chance bumawi. Wala namang masama, diba?

Kapatid ko pa din siya kahit na alam ko sa sarili kong may pag kukulang siya. Sa ilang taon ba namang halos wala akong kasama, hindi niyo ako masisi kung mag tatanim ako ng sama ng loob sa kaniya. Sa kanila.

"Magandang umaga din" balik bati ko. " Aga mong napatawag? May kailangan ka?" agad na tanong ko.

"Ready your self shobe, ngayon ang punta ni dad sa School." bakas man ang pangamba sa boses ay hinayaan ko nalang.

Yeah right, ang ganda talaga ng umaga.

Hindi natuloy ang pag bisita niya kahapon dahil marami daw ginawa. Mabuti nga iyon. Hindi pa ako handa na makita siya noh. Kahit yata kailan ay hindi na ako magiging handa.

Huminga ako ng malalim bago sumagot. Nawalan agad ng gana sa magiging takbo ng usapan. "malawak ang paaralan. Hindi din kailangan mag kita pa kame. School ang ipinunta niya don, hindi ako. Ibaba ko na, mag aayos na din ako para makapasok ng maaga." Hindi na ako nag antay ng sagot at agad na ibinaba ang telepono. Malalim na buntong hininga ang aking pinakawalan bago ikalma ang sarili.

Parang ayoko nalang pumasok at ipag paliban muna ang klase ngayong araw. Idadahilan ko nalang na may sakit ako.

"Anak ng- may test nga pala sa history ngayon" sapo sapo ang nuo. Litong lito sa gagawin. "Bakit ba naman kase sumabay pa yang bisita bisita na yan e."

Bumangon na din ako at inayos ang hinigaan, bago pumasok sa banyo para gawin ang morning ritual ko.

"bacon, egg, egg, bacon" mahinang kanta ko bahagya pang iginigiling ang bewang. Matapos makapag luto ng umagahan ay nag timpla na rin ako ng kape bago umupo, at nag simulang kumain.

" Good morning students. Settle down, settle down." Nasa labas palang kame nila Lie ay rinig na agad ang boses ng kung sino sa bandang Flag Pole.

Ikaw Lang Hanggang Dulo (on going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon