ENJOY READING ;)
Mave's POV
Hindi ko alam kung bakit nandito ako sa Isabela. Bakit ako sumama dito?
Wala naman kaming niisang kamag-anak dito ah. langya naman.
"Ikaw itong nakakaalam kung saan yung lugar diba? bakit kame ang mauuna?" sigaw ni kylo kay felix. Halos humiling nalang ako sa itaas na ilubog nako sa lupa sa sobrang kahihiyan.
Hindi na talaga nagkasundo ang dalawang to. Simula palang noong sumakay kame ng bus ay nagbabangayan na sila. Nag mamayabang panga itong si felix na malakas daw ang 'charm' niya kaya hindi kame napagalitan.
Eh halos saksakin nanga kame ng mga tao don.Niwala kaming dalang sasakyan. Ewan koba sa gunggong na felix na'to at nag suggest pang mag mag bus nalang kame para daw mas enjoy. Siya lang naman ang nag enjoy.
"Ang ganda ng lugar nila lie noh?" Napatingin kameng tatlo nila kylo at felix kay fred nang mag salita ito. Lugar nila lie? huh, may alam siya? Bakit alam niya?
"hoy? my twinny, ano yon? i mean can you repeat again? basta yon, langya." Parang gagong tanong ni felix sa kapatid.
Gamit ang nagtatakang mata bumaling saamin si fred na parang walang nangyare. "Ang?" kingina mamamatay ata ako ng maaga pag pinag sama ang dalawang to.
"fuck it felix. Wala bang masasakyan dito? Mag bababad tayo sa araw?" pasigaw na tanong ni kylo.
Inambahan muna siya ni felix bago sumenyas saamin na sundan siya. Pinagmasdan ko muna si fred na nakatitig lang din sa'ken, bago sumunod sa dalawa. Ang weird ng gunggong nato.
Matapos ang mahabang byahe nakadating kame sa Village? Ang lalaki din ng bahay dito. Sino namang nakatira dito?
"Dalian niyo na" sigaw ni felix saamin bago lumapit doon sa guard house. "Bossing, May bibisitahin sana kame." nakangiting saad ni felix.
"Magandang umaga ho, Ano ho bang pangalan sir" magalang na tanong ni manong kay felix na bumaling saamin.
"uy lintek ano ngang panga-"
"Millie"
"Eh?" Nagdududang ungot ni felix kay fred na siyang sumagot sa tanong ni manong guard.
"Millie ho? Si ma'am lie ho ba?" nanlalaki ang mata niyang tanong saamin. Masaya namang tumungo si felix.
"Kuya wag mo nalang sabihin na darating kame ha, surprise kase dapat hehe" nakangiting saad ni felix nang pagbuksan na kame ng guard matapos ituro ang bahay nila lie. Surprise? Hindi mo nga kaclose yon e.
Angas, mukhang mayaman din ang isang yon. "alam mo ikaw? duda na ako sayo ha" baling ni felix sa kapatid na tahimik lang na sumusunod saamin. Tinaasan lang naman siya ng middle finger ni fred kaya nagtawanan kame.
Sa pangalawang kanto nandon ang isang kulay puti na hinaluan ng pagkabrown na malaking bahay. Mula sa kulay gray na hindi kataasang gate at sa malaking garden na matatanaw mo na mula dito sa labas. Apat na palapag ang taas nitong malaki at malawak na bahay. Labas palang nakakalula na. Paano pa kaya sa loob?
"Sir, may kailangan po kayo?" nakasilip sa gate ang isang lalake na tingin ko ay driver, base na din sa suot nito.
"Magandang umaga kuya, dito po ba nakatira si lie? i mean millie?" nakangiting tanong ni felix sa lalake.
"Ay, oho, kakadating lang din nila. Kaibigan niya po ba kayo?" magalang na tanong nito. Masaya nanamang tumungo si felix kaya agad kaming iginaya nito papasok sa loob ng malaking bahay.
Kung sa labas ay maganda nang pagmasdan ang bahay na ito, Wala namang panama ang loob.
Mula sa mga mamahaling palamuti sa gilid ay may roon ding sari saring mga frames na kung ibabase mo sa itsura alam mo nang mamahalin iyon. At sa pinakataas naman nakalagay ang nasisiguro kong family picture nila.
Base na din sa namumukhaan kong si lie ang isa don. Lahat sila nakangiti sa larawang iyon, at doon palang alam mo na masaya ang pamilya na naninirahan dito.
Mula naman sa bandang kanan ay nandoon ang isang mahabang hagdanan patungo sa susunod na palapag.
"mayaman pala si lie, ano? Hindi halata sa mga kilos niya HAHAHA" bulong ni felix saamin. para siyang demonyo don ah.
"Ikaw nga mayaman, pero mukha kang pulubi" bulong din ni kylo na ikanatawa namin.
"yaya tams, i want to see momma na po" nag mula ang maliit na tinig na 'yon sa hagdan. Mula doon ay bumaba ang tingin ko ay nasa edad 3-4 na. Ang gandang batang babae.
"baby naman e, hindi pa nga pwede. Gusto mo bang mapagalitan ulit?" nakasunod naman sa kaniya ang isang babae. Medyo bata pa siya tignan kumpara saamin. "malalagot nanaman ta- jusko po" nanlalaki ang mga matang nakatingin siya saamin habang hawak ang kamay ng batang babae.
"hello po" masiglang bati saamin ng batang babae.
"Hoy, ang cute niya" bulong ni felix saaken. Mahilig talaga sa bata ang isang to, kaya di na nakakapag taka na ganiyan ang reaksyon niya. "Hello, ang cute mo naman, anong name mo?" nakangiting tanong ni felix dito.
"Aria po" nakangiting sagot din nito. Ang gandang pangalan.
"Tams ano ba, sinabe nang wag ilalabas sa kwarto ni Aria" sigaw ng pamilyar na boses. Mas lalong nanlaki ang mga mata ng tinawag nitong tams nang marinig ang boses na nagmumula sa itaas.
"momma" bakas man ang gulat sa batang babae ay nanatili pa din itong nakatayo sa kaniyang pwesto. Halata ang panginginig nang kaniyang maliliit palang na kamay.
"Ara"
"Ella"
"oh?" agad nanlaki ang mga mata nito nang makita kame. Agad ding natuon ang mga mata niya saaken bago ilipat sa batang babae na tinawag naman niyang Aria. "b-bakit nandito kayo? Aria umakyat kana" mautoridad nitong utos. Halata naman ang lungkot sa batang babae bago hatakin ang yaya nito upang umakyat na.
"bakit kayo nandito?" pagbabalik niya ng tingin saamin bago sundan ng tingin ang mga taong umakyat sa hagdan. Binigyan niya pa ako ng isang sulyap bago ituon ulit iyon sa mga pinsan niya.
Hindi ko alam kung ako lang ba, pero bakas ang kaba sa mga mata niya nang ituon niya saaken ang paningin kanina. Parang takot na takot naman ata ang isang to.
"Gagi, ang cute nun." Parang baklang bungisngis ni felix.
"who's that, Ara?" malamig na tanong ni fred sa pinsan. Hindi ko alam pero nasa ugali naman na ni fred ang ganiyang ugali, nasobrahan lang ata ngayon.
"she looks like, someone i know!" dagdag pa nito dahilan upang maibaling ko ang tingin sa kaniya. Bahagya pa akong nagulat nang pagkabaling ko nang tingin sa kaniya ay nakatitig din siya saaken.what?
THANK YOU FOR READING ;)
BINABASA MO ANG
Ikaw Lang Hanggang Dulo (on going)
RandomNag mahal kana ba? Minahal kana ba? Nasaktan? Nagpakatanga? Paano kung yung pag mamahal na akala mo totoo ay isa lang palang malaking..... KASINUNGALINGAN?? :DISCLAIMER: LAHAT PO NG MABABANGGIT NA LUGAR, PANGALAN, PANGYAYARE, NAME OF COMPANY, ETC...