Chapter 9

17 3 0
                                    

ENJOY READING ;)

Mave's POV

Kasama ko ang kambal at si kylo habang papasok ng school. Halos magkakasabay lang kaming dumating dahil hindi naman ganun kalalayo ang mga bahay namin sa school.

Nasa bandang batibot palang kame ng mapansin naming maraming studyanteng nagkakagulo sa bandang bukana ng court. What's happening?

"bat ang daming studyante don?" tanong samin ni felix. aba! anong malay ko? magkakasabay lang kaya tayong dumating. "uyyyy jerald, lika dito" tawag ni felix sa isa naming kaklase ng makita niya itong tumatakbo din patungong court.

"boss?" tanong ni jerald ng makalapit siya samin.

"anong meron? bat kayo nagtatakbuhan" takang tanong ng kaibigan ko.

"putcha, boss yung alabs ni boss kylo" turo niya kay kylo na nagaabang din ng sasabihin niya. "nagsimula nanaman ng gera." tatawa tawa niyang saad. Nagkatinginan pa kaming apat.

Alabs? si hazel? o klaire? pero di habulin ng gulo si klaire. Sigurado akong si hazel ang tinutukoy ng isang to.

"and guest what? BWAHAHAHA yung ex mo ang target boss" dahil sa narinig agaran kaming tumakbo patungong court. "aray naman mga bossing" Muntikan pang matumba si jerald dahil nabunggo namin siya sa pagmamadali naming apat.

Nang makarating kame don nagsitabihan agad ang mga studyanteng nakaharang para padaanin kame.

"hazel"

"putangina"

"hala ka"

"tf?!"

Nadatnan namin sila hazel at klaire sa gitna ng court. Napapalibutan sila ng mga lalake. mga sunod sunuran kay hazel!

Sinasabunutan ni hazel si klaire na halatang hinang hina na. Wtf is going on here?!...

Agad na lumapit si kylo para sana awatin si hazel pero hinawakan siya ng dalawang lalake, upang pigilan siyang makalapit sa pwesto nila klaire.

Bakas ang galit sa mukha ni hazel habang hawak paden ang buhok ni klaire. Gaya ni kylo sinubukan din naming tatlo na lumapit pero pinigilan din kame ng mga lalakeng sunod sunuran kay hazel.

"Hazel ano ba to?" sigaw ni kylo kay hazel. "ano sa tingin mo ang ginagawa mo?!" inis na humarap siya sa pwesto namin. Nanlilisik pa ang mga mata niya!.. 

"eh kayo, ano sa tingin nyu ang ginagawa nyu? Ipagtatanggol nyu to" hinigpitan niya lalo ang hawak sa buhok ni klaire at bahagyang inangat ang ulo. Nakapikit na si klaire dahil siguro nasasaktan siya sa pagsabunot ni hazel sa kaniya. Kingina...

"itigil mona to hazel" sigaw ulit ni kylo dahilan para lalong mainis si hazel.

"bakit ba? naaawa ka sa babaeng to?" pasigaw din niyang sinagot si kylo. Napasigaw na din si klaire dahil sa tindi ng pagkakahawak sa buhok niya. "baka nakakalimutan mo, ako ang girlfriend mo kylo." Sagot niya kay kylo na masama na ang tingin sa kaniya. "Dapat nga ikaw ang gumagawa nito eh. Ginagawa kolang ang trabaho mo bilang boyfriend ko" di papigil ang isang to. Nakangisi pa siya habang nagsasalita.

"ano bang kasalanan ni klaire sayo?" tanong ko dahilan para lumipat ang tingin niya saken. "tsaka ano to?" turo ko sa mga nakahawak saken upang pigilan akong lumapit.

" masyado kase kayong pakialamero eh. Hindi nyu pwedeng tulungan ang babaeng to." dinuro niya pa ang nuo ni klaire "kaya jan muna kayo" ngumiti siya saken, na lalong nagpadagdag sa inis ko. Abnoy na ang babaeng to.

Ikaw Lang Hanggang Dulo (on going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon